Skip to main content

Posts

Showing posts with the label trabaho

Mga Pwedeng Pagkakitaan Ngayong May Pandemya

Parang matagal tagal pa ata bago tayo maka-recover sa pandemyang ito. Marami na rin sa atin ang nawalan ng trabaho o nalugi ang negosyo. Ang iba ay umaasang mabigyan ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman ay dumidiskarte para kumita pa rin kahit papaano.  Ngayong may pandemya, limited lang ang galaw natin sa labas kaya't hangga't maaari ang iba ay naghahanap ng mga pwedeng pagkakitaan kahit nasa bahay lang.  Ito ang mga sa tingin ko ay pwede mong pagkakitaan kahit may pandemya.  1. Magtayo ng maliit na tindahan o sari-sari store. Ginawa ito ng mother ko kasi bilang real estate agent ay naging madalang ang mga inquiry niya sa pabahay at lupa. Di rin ganun kadali ang magpa- free house viewing. Kaya imbes na masayang ang panahon, sa puhunan na 3K-5K nagsimula si mama ng maliit na tindahan sa aming front yard. Maliit ang pa piso-pisong kita pero kung araw-araw naman na may bumibili ay tiyak na maiipon din ang kita.  2. At kung may maliit kang tindahan, hindi lang naman...

Patok Na Homebased Job Para Sa Mga English Teacher

Hindi ba sapat ang iyong kita bilang isang guro? O nais mo ng panibagong mapagkakakitaan bilang isang English Teacher? Ito ang isa sa mga patok na homebased job para sa iyo katoto. Apply na sa 51Talk, ang no. 1 Online ESL company sa Pinas. Ano ang mga kailangan 1. Bihasa sa pagsasalita ng English. 2. Kapasidad na makapagturo sa mga Chinese students. 3. Sapat na bilis ng internet  ( 3mbps up ) (LAN connected only ) 4. Laptop o computer with webcam. 5. At sapat na oras na makapagturo sa gabi mula alas-syete hanggang alas-dose. Madali lang ang trabaho kung ikaw ay mayroon ng experience sa pagtuturo. At ang kagandahan pa nito, sa bahay mo lang ito gagawin dahil lahat ng transaksyon ay online. Naka-monitor ang iyong ginagawa para sa kalidad ng iyong pagtuturo at real-time mo ring makikita ang iyong kinikita araw-araw. Kung isa kang masipag na guro na gustong kumita ng part-time ay maaari kang kumita ng 15K sa isang buwan! Opo, PART-TIME! At kung full time naman ay ...

Tips Paano Kumita Online Ng Walang Puhunan

Isa ka bang blogger o may malakas na impluwensiya sa social media? Nais mo bang kumita ng pera mula sa iyong blog, facebook, twitter, tumblr, fanpage ng walang puhunan. Ito ang mga programa online na maaari mong subukan. Lazada Affiliate Program Ang Lazada ay isa sa pinakamalaking online shopping mall sa Asia at nangununang bilihan ng mga gadget at health and beauty product online. Madali kasi ang pag-order sa Lazada at on-time ang pagdating ng kanilang produkto. Marami ding murang bilihin sa Lazada na di mo akalaing mas mura pa kaysa ang mag-shopping ka sa mall. Ang nakakatuwa pa rito, maraming paraan ang customer para makapagbayad sa Lazada, isa na rito ang Cash on Delivery. Kaya't kung nais mong kumita ng pera online ng walang puhunan pero may malakas kang hatak sa mga netizen, subukan mong sumali sa Lazada at kumita ng commission mula sa mga online buyers mo. Kagandahan pa nito, hindi mo na sila kailangang alukin pa. Dahil isang klik lang nila ay posible kang kumita ...

Freelance Jobs Philippines: Alin Sa Mga Ito Ang Patok Na Pagkakitaan

Freelancer ka ba? Ito ang ilan sa mga patok na trabaho na pwede mong pagkakitaan sa Pilipinas.  from google image for illustration only Translator From Home Pwedeng-pwede kang maging isang translator habang ikaw ay nasa bahay. Maraming mga employer ang naghahanap ngayon ng mga freelance translator na kayang-kaya mong gawin online. Madalas mga website, articles at subtitle para sa mga pelikula ang iyong gagawin. Kailangan lamang ay marami kang alam na iba pang language bukod sa Tagalog partikular na ang salitang ingles. Freelance Writing Hindi na lang sa mga tabloid o newspaper maaari kang kumita bilang manunulat dahil pwede mo na ring subukan ang magsulat ng mga artikulo online . Maraming mga website ang naghahanap ngayon ng mga writers tulad ng Squidoo, Triond, Hubpages at marami pang iba. O ikaw mismo ay subukan mong magkaroon ng sarili mong website o blog at kumita mula sa mga patalastas gaya ng google adsense, nuffnang, infolinks atbp.  Real Es...

Keyboarding Practice: Tips Para Bumilis Mag-Type

Ito ay email mula kay My Binondo Girl na humihingi ng payo tungkol sa  Keyboarding Practice  Maraming beses po akong hindi matanggap tanggap sa call center dahil po sa mabagal po akong mag type gamit ang pc keyboard. Iyun po pala ang isa sa mga requirement nila para makapasa. Dapat po kasi ay at least 30 words per minute o mataas pa ang makuha score. What should I do to increase my speed and accuracy on keyboarding? Any tips Katoto. Thanks Keyboarding Practice Tips Para Bumilis MagType at Maperpekto Ito Maraming salamat My Binondo Girl sa iyong pagtangkilik. Tama ka, isang malaking factor para matanggap ka sa call center ang Typing Skill bukod sa dapat ay magaling ka rin sa komunikasyon sa wikang ingles. Ang trabaho kasing ito ay nangangailangan ng multi-tasking ability. Halimbawa: habang nagbibigay ng detalye ang iyong customer ay kailangan nai-ta type mo na ang mahahalagang impormasyon na kanyang ibinigay para maresolbahan mo ang kanyang inquiry.  ...

Call Center Job: Tips Para Matanggap Sa Convergys

Tips Para Matanggap Sa Call Center Kahit Di Magaling Mag-English Isa sa mga naisulat ko sa mga nagdaan ay ang Tips Kung Paano Matanggap Sa Call Center Company . Ngayon, ito na ang iyong pagkakataon para gamitin ang Tips na iyong natutunan sa amin mga katoto. We are inviting you to join one of the biggest and best BPO companies in the Philippines, Convergys. Hanap nila ay tulad mong may good interpersonal skills , computer savvy, keyboarding skill  at may good communication skills . Tips Para Matanggap Sa Convergys 1. Unang ipakita sa resume ang iyong mga strong points . Wala ka bang experience pero ikaw ay nakapagtapos sa kolehiyo? Makabubuting una mo itong ilahad. At kung mayroon kang mga seminar o training na napuntahan na may kinalaman sa call center jobs . Ipakita mo rin ito. Gumamit ka ng legal size na bondpaper para sa iyong resume at kung maaari ay pagkasiyahin mo lang ito sa iisang papel. Makabubuti rin na colored ang print nang iyong le...

Job Hunt: Tips Para Matanggap Sa Call Center

Wala na nang duda na ang maging Call Center Agent ang  isa sa pinaka-pinapangarap na trabaho ngayon ng mga pinoy lalo na ng mga kabataan. Bukod sa malaking sweldo at mga incentives , mabilis din ang promotion sa mga BPO/call center company . Pero hindi naman lahat pinapalad makapasok sa industriya na ito, aminin man natin o hindi kahit pa tayo ay naturuan ng English Language mula pa nung tayo ay nasa elementarya ay malaki pa rin ang porsyento ng mga pinoy na alam ang ingles pero hindi bihasa sa lengwahe na ito. Ngunit ito nga ba ang sukatan para matanggap ka sa call center company o may mas may paraan pa para makamit ang inaasam na trabaho na ito. Ito ang aking tips para tiyak na matanggap ka sa call center company. Pero bago iyan, alamin mo muna ang kalimitang hiring process ng mga call center company. Tulad ng sa call center company kung saan ako unang nakapagtrabaho ay kinakailangan na maipasa mo ang initial interview , susunod ang Call Simulation Exam ku...

Work Tips: Paano Ma Enjoy Ang Trabaho

PARANG lalo yatang nakakabagabag ang araw-araw na balita na 'di gumaganda ang takbo ng ekonomiya.Hindi matiyak kung may pag-asa pa ang mga empleyado na makaahon sa kanilang kabuhayan dahil mababa ang sahod at kung minsan ay nagbabawas ng tao ang isang kumpanya, nababawasan na rin ang mga benepisyo at iba't-ibang kailangan ng mga trabahador.'Ika nga, sabi ng mga eksperto, paminsan-minsan, dapat ang kumpanya ay nagbibigay ng gantimpala at mabubuting salita sa kanilang mga tauhan upang sumipag ang mga ito sa kanilang trabaho at magkaroon sila ng sapat na motibasyon sa kabila ng hindi maayos na ekonomiya. 1. DIREKTANG POKUS . Ang pagrereklamo hinggil sa ekonomiya o ang kumpanya ay 'di nakagaganda sa pakiramdam ng isang empleyado at 'di nakasisigla ng kanilang espiritu sa pagtatrabaho. Sa halip, direkta ang kanilang pokus kung paano sila magtatrabaho at kung paano sila magtrabaho upang maabot nila ang layunin at mapunuan ang kanilang obligasyon. ...