Skip to main content

Posts

Showing posts with the label magaling na olympian

Tips Para Maging Olympian

Nais mo bang maging isang magaling na atleta sa mundo? Hindi naman masamang mangarap lalo’t ikaw ay determinado. Heto ang ilang tips para maging isang magaling na Oympian. Ngayon pa lang ay pumili ka na ng iyong sport. Alamin kung mabuti at gustuhin pa nang husto ang isang sport na napili mo. Ang pamilyar na sport, natural ang iyong pipilin pero isipin mong mabuti,ang mga popular na sport ay may milyun-milyong dedicated participants at sadyang napakahirap sumagupa. Ang hindi masyadong sikat na sport tulad ng speed skating, luge, softball, figure skating, pentathlon ay iilan lang ang puwedeng makalaban. Suriin mabuti ang katawan at pumili ng sport na angkop sa iyo. Gaano ka man ka-dedicated, maliban kung may sobra kang kakayahan at bilis sa pagtakbo, hindi ka magiging Olympic marathoner. Pero kung matangkad ka sa edad na 16, hwag kang mag-gymnast. Kumonsulta sa sports physiologist kung anong sport ang bagay sa iyo. Maglaan ng maraming taon na mag-training sa iyong sp...