Pinainit na Karayom (Hot Needle) : Bagong paraan daw ito sa paggamot sa prostate cancer ? Totoo ba ito? Prostate Cancer Iba ang dating diskarte ng mga kalalakihan pagdating sa pagtanggap sa katotohanan at pakikipaglaban sa iba't ibang uri ng sakit kumpara sa mga kababaihan. Nariyang sa kabila ng pagkakaalam nila sa katotohanan o resulta ng kanilang kalusugan ay manatili o wala silang ipinagbago. Samantala, ang iba ay tila napanghihinaan ng loob at nawawalan na ng pag-asa na gagaling pa sa kanyang sakit at mabubuhay pa ng mas maraming taon kasama ang pamilya at mga kaibigan. Hindi basta-basta mababakas sa kanila ang pagkakaroon ng dinaramdam o iniindang sakit sa kanilang katawan gawa ng pagiging tipikal nilang tahimik at malihim lalo na at sa tingin nilang makababawas ito sa kanilang pagiging macho. Mangyayari namang nagiging malala ang kondisyon ng kalusugan kapag panay ang isip, puro negatibong kaisipan at hindi sumusunod sa bilin ng doktor at tamang gamutan. Mahir...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc