Skip to main content

Posts

Showing posts with the label dahilan ng dehydration

Tulong Ng CAFFEINE Sa DEHYDRATION

Sa ngayon maraming pag-aaral ang nagsasabing dahilan ng dehydration sa ating katawan ang caffeine content na nilalaman ng ilang inumin tulad ng soda, kape at tsaa. Pero ayon sa Huffington Post, may isang pag-aaral tungkol sa caffeine na kabaligtaran sa mga nabanggit. Ang mga tagapagsaliksik mula sa La Trobe University Victoria,Australia  ang nagsasabing kahit pa kailangan ng katawan ang 2 litrong fluid kada araw, hindi naman nangangahulugang kailangan nating uminom ng tubig para masunod ang 8 glasses a day na panuntunan. Ayon pa sa mga ito, ang isang tao ay maaaring makakuha ng sapat na fluid hindi lang sa tubig maging pati sa mga pagkain at beverages na kanilang kinukonsumo, maging ito man ay caffeinated drinks tulad ng tsaa at kape. Sabi pa ni Dr. Spero Tsindos – Hindi lang naman tubig ang pwedeng maging solusyon sa dehydration, kahit pa ang mga caffeinated na inumin gaya ng tsaa at kape ay pwedeng punan ang kakulangan ng katawan sa fluid. Ang mga ito ay hindi m...