Labis na kasiyahan ang dulot sa mga ina kapag sila ay nagdalang-tao. Siyam na buwan mang dadalhin ng isang ina ang sanggol sa sinapupunan at makaranas man ng hirap ng paglilihi o karamdaman ay titiisin ito ng isang mabuting ina para mailuwal lamang na normal ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Ang ibang ina ay swerteng nakararanas ng normal na pagle-labor ngunit may mga ina ring kinakailangan o mas pinipili ang ma-Caesarian. Ngunit alam ninyo bang mas pwedeng mamatay sa impeksyon (infection) ang mga babaeng na-caesarian kaysa sa hindi? Alamin ang tungkol rito. Sa isinagawang pag-aaral o research sa England ay lumalabas na ang panganganak ng caesarian delivery ay sinasabing mas posibleng delikado sa pagkakaroon ng nakamamatay na impeksyon kumpara sa iba pang uri ng operasyon sa mga babae. Tinatayang 4 sa 10 nanay na nanganak ng caesarian section ay mabilis na nagde-develop ng infection sa kanilang katawan at mahigit 15,000 kababaihan sa England ang tinamaan o naging...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc