Ito pa ang ilan sa Tips kung paano malulunasan ang iyong sleep problem at iba pang dahilan kung bakit nangyayari ang iyong hirap sa pagtulog sa gabi. Tips On Sleep Problem Maingay at hindi komportableng paligid . Ang maingay at hindi komportableng kapaligiran ay nagbubunsod sa pagkagising sa kalagitnaan ng tulog at gabi. Maliban dito, ilan pa sa dahilan ng hindi maayos na pahinga ay ang maliwanag na ilaw sa loob ng silid o ang pang-iistorbo ng mga alagang hayop, maging na rin ng mga eletronics sa loob ng kuwarto na nagdudulot ng tinatawag na electromagnetic fields na humahadlang sa melatonin levels habang nagpapahinga. Mainam kung mapapanatili ang madilim at tahimik na silid para sa masarap at payapang tulog. Hindi tamang posisyon sa pagtulog . Ang pagtulog sa maling posisyon para sa spine ay maaaring magbunsod sa pagkasakit ng likod at leeg, maging ng pamamanhid ng mga braso at daliri. Ang lahat ng mga suliraning ito ay nagbubunsod sa hindi maayos na tulog sa gabi. ...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc