Skip to main content

Posts

Showing posts with the label beef and broccoli

Tips Sa Pagluto ng Beef and Broccoli

Nag-iisip ka marahil ng bagong lutuin ngayon. Heto subukan mo ang pagluto ng Beef and Broccoli. Ang mga sangkap na kailangan: 1/2 kilo lomo ng baka ( hiwaing manipis) 1 kilo brocolli ( hiwain ayon sa gustong laki) 2 kutsara oyster sauce 1 kutsara mantikilya 3 butil bawang ( dinikdik) 1 sibuyas (hiniwang pino) 1 tasa tubig (hauan ng 2 kutsara cornstarch) Paraan ng Pagluluto: Igisa ang bawang, sibuyas at baka. Lagyan ng kaunting tubig, takpan at palambutin sa mahinang apoy. Kapag malambot na ang baka ay ihalo ang oyster sauce, mantikilya at 1 tasa tubig na may conrstarch. Haluing mabuti hanggang maging malinaw at malapot ang sabaw. Ihalo ang broccoli at ahunin. source: Mga Luto Ni Nanay ni Arbe Jan Serafin image source: tumblr