Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Tips Para Makuha Ang Number Ng Girl

Tips Para Makuha Ang Number Ng Girl

Lahat ng lalake dumating sa sitwasyon na kapag may gustong gusto na girl, eh hindi pwedeng hindi niya makuha ang cellphone number nito. Nangyayari ito madalas kapag nagtutungo ang lalake sa bar at doo’y may nakitang isang maganda at seksi na chick. O di kaya nama’y may hangout ang barkada at nagkataong ang kabarkada ay may kasamang magandang kaibigan na babae. Naku po, hindi mapakali si lalake hangga’t hindi niya nakukuha ang number ni babae. Pero aminin mo, minsan kahit gustuhin mong makuha ang number ng girl ay hindi mo alam kung paano ang diskarte. Heto, turuan kita katoto: Maging confident at laging may control. Kung nais mong makuha ang number niya para matawagan siya o ma-text ay kalimutan mo na ang pagiging torpe. Ipakita mo sa kanya na confident ka at sobrang interesado ka na makilala mo siya pero huwag naman iyong tipong maangas ang dating. Mas gusto ng mga babae ang simpleng diskarte. Mag-control ka at huwag maging agresibo, gusto man ng babae ang isang lalakeng m...