Skip to main content

Posts

Showing posts with the label ulcer

Ano Ang Pagkakaiba Ng GASTRITIS at ULCER?

Ang Gastritis at Ulcer ay magkaiba. Sa Gastritis, may gasgas lamang sa loob ng sikmura, samantalang sa Ulcer ay nagkakaroon na ng sugat na humuhukay pailalim ng sikmura o bituka. Kapag nawala ang tamang balanse ng acid at ng protective mucus ng sikmura ay magsisimula ng magasgas ang loob ng sikmura o bituka na mauuwi sa gastritis at kalaunan ay ulcer. Bago sabihing may ulcer ang isang tao ay dapat nating malaman kung saan ito nandoon o kung saang bahagi ng digestive tract matatagpuan ang ulcer. Kung ito ay nasa dakong sikmura ( stomach), ang tawag dito ay gastric ulcer. Kapag doon naman sa dakong duodenum o naunang bahagi ng small intestine matatagpuan ang ulcer, ang tawag dito ay duodenal ulcer. Ang duodenal ulcer ay mas common kaysa gastric ulcer. Ang sintomas na nararamdaman mo ay parang hyperacidity pa lamang at hindi pa ulcer. Kaya mainam na gawing regular ang pagkain ng paunti-unti at iwasang magpalipas ng gutom, mag-relax at makakatulong din ang tabletang antacid. ...

Mga Kaalaman Tungkol Sa Ulcer

Ito ang ilang kaalaman tungkol sa ulcer mula sa artikulo ni Shane M. Ludovice M.D sa kanyang kolum sa Bulgar na Sabi ni Doc: Dati ay iniisip natin na ang ulcer ay dala raw ng sobrang stress, labis na pag-aalala at pagkain ng maanghang. Posibleng may kontribusyon ang mga ito sa pagkakaroon ng ulcer, ngunit napakaliit lamang. Ang ating sikmura ay nagpupundar ng acid at pepsin para magiling ang ating mga kinakain at dahil sa kakayahan nitong lumusaw ng pagkain, mayroon tayong lining na may mucus sa ating upper digestive tract para hindi nito matunaw ang ating sariling bituka. Kaya mahalaga ang tamang balanse ng acid at protective mucus para mapanatili nating malusog ang ating bituka. Sa sakit na ulcer ay walang tamang balanse ang acid at mucus. Kapag sobrang dami ng acis at kakaunto lamang ang mucus, mada-damage ng acis at pepsin ang sikmura at bituka at dito na magsisimula ang ulcer. Narito ang ilang factors na sumisira sa tamang balanse ng acid at mucus kaya posibleng mauwi it...

Patatas Laban Sa Stomach Ulcer

Hindi lang magandang pagkunan ng carbohydrate ang patatas (potato) . Ito rin ay kaya ring paginhawahin ang iyong stomach ulcer. Iyan ay ayon sa mga siyentista sa Manchester University. Natuklasan nilang ang molecule na nagmumula sa patatas ay kayang resolbahin ang ganitong isyu. Bukod pa riyan ang bitamina C and B at potassium mula sa patatas ay maigi rin sa inflammation, internal man o eksternal. Pati na rin inflammation sa bituka at digestive system. Ayon pa sa mga tagapagsaliksik,maigi rin na kumonsumo araw araw ng potato juice bilang supplement sa ating katawan. Mula sa properties na makukuha sa patatas, nakapag-develop ang mga syentista ng gamot mula sa materyal ng patatas. Na wala diumanong side effects. Bukod pa riyan, ay ilulunsad din nila ang potato yogurt bilang isang probiotic drink. Ang ideya na ito ay mula sa isang syentista na kumain ng isang potato recipe para gamutin ang problema sa kanyang tiyan. Bumili siya ng isang bag na patatas para lalo pang ma...