Skip to main content

Posts

Showing posts with the label fiber

Peanut Beans Potato Cheese At Corn - Masama 'Pag Sobra

Ayon sa isang eksperto ang diet ng tao sa kasalukuyang panahon ay punum-puno ng refined foods, trans fats at sugar na siyang ugat ng tinatawag na Degenerative Diseases tulad ng obesity, cancer, sakit sa puso, Parkinson's, Alzheimer, depresyon at infertility. Pinakamainam na sandata ay ang malaman ang kalidad ng mga pagkaing kinokonsumo upang makaiwas sa naturang mga sakit. Walang masama kung ikokonsidera ang tinatawag na diet ng mga sinaunang tao na kinabibilangan ng mga sumusunod: Mani at pati na ang peanut butter. Ang peanuts ay mani ngunit kabahagi rin ito ng pamilya ng mga legume. Naniniwala ang mga sinaunang tao na ang component ng legumes na tinatawag na phytate ay tinatayang "anti-nutrient", na hindi maayos na nagpapatunaw ng pagkain sa loob ng katawan, kundi maging sa kabuuan ng digestion at iba pang bitamina at mineral. Beans. Katulad ng mani, ang beans ay isa ring legumes na punum-puno ng fiber at protina. Ang beans ay iniiwasan ng mga sinaunang t...

Senyales Na Kulang Ka Sa Fiber

Hindi ka ba mahilig sa pagkain ng prutas, gulay at grains? Mag-ingat ka sapagkat ang kakulangan sa fiber ay maaaring magtaas ng panganib sa iyo na magkaroon ng sakit sa puso,kanser atbp. Ito ang mga senyales na kulang ang iyong katawan sa fiber: Nakararanas ka ng pagtitibi o constipation. Ang sakit na ito ay nakukuha kapag kulang ka sa ehersisyo at pati na rin sa mga uri ng gamot na iyong iniinom. Pwede mo itong maiwasan sa pamamagitan ng pagtataas sa pagkonsumo ng mga pagkaing mayaman safiber tulad ng mansanas, carrots, broccolli at grains. Huwag mong kalimutang uminom ng maraming tubig at mag-ehersisyo ng regular. Sa iyong timbang, ang fiber ay pwedeng makapagpabusog sa iyo sa paraang komportable pa rin ang iyong pakiramdam. Kung hindi ganito ang pakiramdam mo, maiging kumonsumo ng fiber na may daming 25-35 grams kada araw. Mayroong pabagu-bagong kondisyon sa iyong blood sugar level. Kung ikaw ay dumaranas ng diabetes mellitus at hirap kang i-kontrol ang iyo...