Skip to main content

Posts

Showing posts with the label kolesterol

Tips Para Makaiwas Sa Kolesterol (CHOLESTEROL)

Ang kolesterol (cholesterol) ay mahalaga sa pagbubuo ng cell membranes at sa produksyon ng hormone. Ngunit kung mayroong labis na dami ng bad cholesterol ay pwedeng makasagabal sa daloy ng dugo sa ating utak na maaaring magresulta sa stroke. Potensyal din na panganib ang bad cholesterol sa pagkakaroon ng coronary heart disease. Ang kolesterol ay sukatan ng fats sa ating dugo. Ang LDL  (low density lipoprotein) ay isang uri ng bad cholesterol na maaaring magdulot ng sagabal sa blood vessels na dahilan ng stroke at iba pang sakit sa puso. Para sa malusog na kondisyon, ang LDL ay dapat na mababa sa 150 mg/ dl. Sa kabilang banda, ang HDL (high density lipoprotein) ay isang uri ng good cholesterol na tumutulong alisin ang LDL sa ating artery. Mainam na ang ating katawan ay mayroong good cholesterol. Ang HDL ay hindi dapat na bumaba sa 40 mg/ dl. Mas maigi naman ang kondisyon kung ito ay higit sa 60 mg/ dl. Para makaiwas sa kolesterol ay kinakailangan nating kumonsumo...