Skip to main content

Posts

Showing posts with the label tips

10 Tips Para Maging Strong at Sexy Ang Lalake (At May Pag-asa Kayang Lumaki at Humaba Pa Yun?)

B alik tayo sa kwentuhan tungkol sa mga tips para maging masigla ang intimate life ng isang lalaki sa kanyang partner. Alam natin na importante ang kalusugan, hindi lang para sa ating sarili, kundi para rin sa mga relasyon natin. Kaya, heto na ang 10 tips na tutulong sa inyo maging strong and sexy! Kain ng Tama at Sustansya: Guys, dapat alagaan ninyo ang ating diet. Iwasan ang mga junk food at sodas, at ipalit natin sa masustansyang pagkain tulad ng prutas, gulay, at protina. Bawasan rin ang matatabang pagkain at asin para maging fit at healthy! Hilig sa Pampagana: Hindi lang sa kama kailangan ng pampagana, kundi pati sa gym! Push niyo 'yan, mga bro! Magkaroon ng regular na ehersisyo tulad ng jogging, weights, o kahit mga sports. Hindi lang magpapayat, magpapalakas pa ng katawan para mas matindi ang performance. Iwas Alak at Sigarilyo: Mga ka-chong, totoo 'yan! Iwasan ang sobrang pag-inom ng alak at pagsisigarilyo. Hindi lang ito nakasasama sa ating kalusugan, pero baka maging...

Tips Para Malaman Kung One-Sided Love Yan

Ang saya kapag kasama mo siya, hindi ba? Gusto mo siyang laging nakikita? At kung hindi naman posible, gusto mong lagi siyang ka-fb, ka-text o ka-viber. Sarap magmahal ano? Pero kahit itanggi mo sa sarili mo, kahit pilit mong pagtakpan, minsan naiiyak ka na lang mag-isa sa kwarto mo kasi kahit pilitin mong lokohin ang sarili mo, isa lang ang sinasabi ng mga kaibigan mo sa iyo. Ay, one-side love lang yan. Paano nga ba malaman kung na-one-side love ka? Handa ka ba sa mababasa mo? Kung hindi pa, okay lang. Kung kaya mo pang gawing tanga ang sarili ,oks lang yan. Masaya ka pa naman eh. Pero kung hindi na, o siya, mabuti pang masiguro mong talagang ikaw lang ang nagmamahal sa taong akala mo ay mahal ka.  IKAW PALAGI ANG UNA Hindi dahil no. 1 ka sa puso nya, ang ibig kong sabihin, ikaw ang palaging unang mag te text, ikaw palagi ang unang maglalambing, ikaw palagi ang unang susuyo, ikaw palagi ang unang mag so-sori kahit mali pa niya. In short, ikaw nga lahat.  Pi...

Tips Para Maiwasan Ang Dengue Ngayong Tag-ulan

Tag-ulan na naman, kaya't uso na naman ang dengue. Ito ang mga tips at dapat gawin para makaiwas sa Dengue. 1. Palitan ang tubig sa flower vase minsan sa isang linggo. 2. Linisin ang mga alulod dahil maaari itong maipunan ng maduming tubig na pinaglalagian ng mga lamok. 3. Itabi ang mga bagay na maaaring maipunan ng tubig tulad ng bote, lata at tansan. 4. Alisin ang tubig sa pamingalan at sahuran ng tubig sa ilalim ng refrigerator. 5. Laging takpan ang mga balde at mga drum na pinag-iipunan ng tubig. 6. Magsuot ng damit na mahaba na magbibigay proteksyon sa inyong mga braso at binti. 7. Gumamit ng Citronella-based repellents. 8. Umiwas sa mga aktibidad sa labas lalo't sa hapon na maulan. 9. Huwag gumamit  ng matatapang na amoy ng pabango. 10. Gumamit ng aerosol sa umaga para makaiwas sa kagat ng lamok. Ito naman ang ilan sa mga sintomas ng dengue. Kung makaranas ka ng mga ganitong sintomas ay mas makabubuting magtungo na agad sa iyong doktor o sa malapit n...

Tips Paano Kumita Online Ng Walang Puhunan

Isa ka bang blogger o may malakas na impluwensiya sa social media? Nais mo bang kumita ng pera mula sa iyong blog, facebook, twitter, tumblr, fanpage ng walang puhunan. Ito ang mga programa online na maaari mong subukan. Lazada Affiliate Program Ang Lazada ay isa sa pinakamalaking online shopping mall sa Asia at nangununang bilihan ng mga gadget at health and beauty product online. Madali kasi ang pag-order sa Lazada at on-time ang pagdating ng kanilang produkto. Marami ding murang bilihin sa Lazada na di mo akalaing mas mura pa kaysa ang mag-shopping ka sa mall. Ang nakakatuwa pa rito, maraming paraan ang customer para makapagbayad sa Lazada, isa na rito ang Cash on Delivery. Kaya't kung nais mong kumita ng pera online ng walang puhunan pero may malakas kang hatak sa mga netizen, subukan mong sumali sa Lazada at kumita ng commission mula sa mga online buyers mo. Kagandahan pa nito, hindi mo na sila kailangang alukin pa. Dahil isang klik lang nila ay posible kang kumita ...

Tips Para Gamutin Ang Pigsa ( CURE FOR BOILS)

Mas madalas magkapigsa ( BOILS) ang isang taong nakatira sa mainit na lugar, dahil laging pawisin ito lalo na kapag madumi pa ang paligid. Kahit sino ay maaaring magkapigsa, subalit mas madalas itong makita sa mga maruruming katawan, sa mga matataba, may diabetes pati na sa mga pasyenteng may matagal ng karamdaman. Paano ito ginagamot? Makatutulong ang paglagay ng warm compress sa pigsa para ito ay mahinog at lumabas ang nana. Iwasang tirisin ito lalo na kung hindi pa ito hinog. Sa mga may malalaking pigsa at sa maraming pigsa, mainam ang pag-inom ng antibiotic ( cloxacillin 3 x a day) , 7 - 14 days hanggang ang pigsa ay umimpis. Maligo araw-araw at panatilihing malinis ang katawan, gumamit ng anti-bacterial soap sa pagligo.  mula sa bulgar.com.ph, Sabi ni Dok

Tips At Kaalaman Tungkol Sa MUSCLE STRAIN

Ang kadalasang sanhi ng pananakit ng likod ay sakit ng kalamnan o MUSCLE STRAIN kung tawagin. Ang pakiramdam ay parang may pilay ito ay dahil sa maling posisyon ng pagtulog, maling pagbuhat ng malalaking bagay, maling posisyon sa pag-upo na parang nakakuba, nagkaka-edad na o arthritis o kaya ay sobra sa timbang ang isang tao. Halos lahat ng tao ay nakararanas ng sakit ng likod at kahit balakang subalit, ito ay mas nararamdaman pagtuntong ng edad 40 pataas. Mas maaga itong nararamdaman ng mga taong may scoliosis o problema sa likod, obese o sobra sa timbang at sa mga hindi nag-eehersisyo. Makatutulong ang mga sumusunod na tips: Iwasan ang magbuhat ng mabibigat o kaya naman ay huwag yuyuko kapag magbubuhat ng isang bagay. Mag-squat o panatilihing ideretso ang likod sa paghubat ng mabigat na bagay. Makatutulong ang pag-ehersisyo, kung masakit ang likod, hintaying mawala ito bago magsimulang mag-ehersisyo. Kung sobra naman sa timbang ay kailangang magpapayat.  Umupo ng d...

Good Benefits Ng AVOCADO Sa Ating Katawan

Ang avocado ayon sa pag-aaral ay mainam sa utak dahil sa fat na nakukuha rito. Lumabas sa pag-aaral na ang pagkain nito ay nakakadagdag upang bumilis at maging alerto ang isang tao sa kanyang pag-iisip. Maaring isang fatty food nga kung ituring ang avocado pero madami itong mabuting dulot sa kalusugan ng isang tao bukod pa sa masarap itong ihain sa meryenda lalo na't sasahugan mo ng gatas,asukal at malamig na yelo o di kaya naman ay gawin avocado shake, perfect meryenda na ngayong summer. Napag-alaman na ang avocado ay nakakatulong din upang pababain ang iyong mataas na kolesterol. Kaya din nitong paliitin ang tsansang magkaroon ng mga sakit gaya ng diabetes, stroke at coronary artery disease. May kakayahan din ang avocado na panatilihing maganda ang hubog ng iyong katawan. Akma rin ito sa mga nagdyedyeta. At panghuli, dahil sa mayaman sa phytochemicals ang avocado ay isa rin sa pwedeng makatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng nakakamatay na sakit na cancer.

Ano Ang Pagkakaiba Ng GASTRITIS at ULCER?

Ang Gastritis at Ulcer ay magkaiba. Sa Gastritis, may gasgas lamang sa loob ng sikmura, samantalang sa Ulcer ay nagkakaroon na ng sugat na humuhukay pailalim ng sikmura o bituka. Kapag nawala ang tamang balanse ng acid at ng protective mucus ng sikmura ay magsisimula ng magasgas ang loob ng sikmura o bituka na mauuwi sa gastritis at kalaunan ay ulcer. Bago sabihing may ulcer ang isang tao ay dapat nating malaman kung saan ito nandoon o kung saang bahagi ng digestive tract matatagpuan ang ulcer. Kung ito ay nasa dakong sikmura ( stomach), ang tawag dito ay gastric ulcer. Kapag doon naman sa dakong duodenum o naunang bahagi ng small intestine matatagpuan ang ulcer, ang tawag dito ay duodenal ulcer. Ang duodenal ulcer ay mas common kaysa gastric ulcer. Ang sintomas na nararamdaman mo ay parang hyperacidity pa lamang at hindi pa ulcer. Kaya mainam na gawing regular ang pagkain ng paunti-unti at iwasang magpalipas ng gutom, mag-relax at makakatulong din ang tabletang antacid. ...

Kaalaman Tungkol Sa Bato Sa URETER

Ito ay artikulong isinulat ni Dr. Shane Ludovice sa pahayagang Bulgar at ating ibinabahagi sa blog na ito para sa pampersonal na kaalaman. Kung nais pa ng karagdagang kaalaman ay maaaring sumanguni sa kanyang email sa dok@bulgar.com.ph. Ang pagkakaroon ng bato sa ureter ay dala ng labis o sobrang level ng calcium sa dugo, sobrang taas ng level ng uric acid at ng iba pang kondisyon. Posible rin ang sanhi nito ay madalas na pagpipigil ng ihi, mahinang pag-inom ng tubig  o impeksyon. Kung ang nabarahan ay ureter ( ito ang tubong nagkokonekta sa kidney at pantog) labis na pananakit ng tiyan ang mararanasan sapagkat humihilab ang mga masel ng nabarahang lugar dahil gusto nitong alisin ang mga nakabarang bato. Kaya dahil sa prosesong ito ay nakararanas ng paulit-ulit na atake ng matinding kirot sa apektadong lugar. Kung minsan ang atake ng pananakit ay sandali lamang dahil ang bato ay nahuhulog sa pantog o kaya sa bituka. Kung ang ureter ang nabarahan ay hindi makaka-function...

Tips For The Graduates: Kung Paanong Hindi Kabahan Sa Job Interview

Graduate ka na, at isa sa mga haharapin mo ay ang pagharap sa iyong first job interview. Itaga mo sa bato na maihahalintulad mo ito sa takot mong magpabunot ng ngipin sa isang dentista. Ito ang pwedeng maging pinaka-worst nightmare mo pero ito din naman ang maituturing mong one of the biggest accomplishments ng buhay mo kapag nakapasa ka.  Huwag kang mag-alala, ito ang ilang mga tips for the graduates para hindi kabahan sa iyong kauna-unahang job interview. Ilang mga proven techniques na maaari mong magamit. Choose for a Morning Interview. Mas maaga, mas kaunti ang nerbyos. Subukan mong sa hapon o gabi ang interview, tiyak ko sa'yong sasakit ang tiyan mo sa maghapon sa kaka-isip kung papasa ka ba o hindi. Kaya maiging piliin ang umaga para saglit na pasanin na lang ito sa'yo. Makapasa, salamat. Bumagsak man, at least panandalian mo lang naramdaman ang tensyon.  Use all of your stock knowledge. Lahat ng mga natutunan sa iyong mga adviser, lahat ng mga napag-aral...

Mga Dapat Gawin Bago Ang Graduation Day

Oras na naman para sa isang bagong yugto ng buhay ng isang estudyante. Maglalakad na sa entablado, kakamayan na ng adviser at principal, sasabitan na ng sampagita ni mama at papa with selfie pick pa habang hawak ang diploma, kahit pa walang medalya ay sapat nang sa wakas Graduate na! Ito na ata ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ng isang estudyante, pero sa kabilang banda ito rin ang isa sa pinakamalungkot dahil marami ng mababago sa buhay niya, at kasama na roon ay ang maiwan niya na ang mga nakasanayan niyang gawin sa isang klase kasama ng mga kaibigan at kaklase. Pero bago natin pag-usapan ang graduation ay ituon muna natin ang pansin sa mga bagay na dapat nating gawin bago ang araw na ito ng pagtatapos. Ito ang ilan sa mga ito: Magsorry sa mga kagalit na kaklase o sa mga nakatampuhan. Kahit ano pang sama ng ginawa sa'yo ay may hatid itong ginhawa dahil mas magaan sa loob na tunguhin ang isang bagong landas ng wala kang bitbit na sama ng loob sa nakaraan. Ami...

Tips Sa Commuters Para Sa RAINY SEASON

Tag-ulan na naman kaya mapapadalas ang hirap sa pagbabiyahe dahil sa baha at ilan pang problemang hatid ng ulan. Ito ang mga Tips para sa mga commuters ngayong rainy season na sa Pinas: BRING SLIPPERS. Numero unong kailangan ang tsinelas kapag umuulan. Habang nagbabalerina ka kasi sa putik o sa tubig, mapananatiling tuyo ang iyong sapatos kung ito ay gagamitin. Gayundin na tiyak na hindi ito masisira at hindi na ito kailangang linisin. Pwede mong iwan ito sa iyong opisina kung hindi mo kailangan. Dagdag pa rito, mas mapadadali nito ang iyong paglalakad, lalo na kapag lagi kang naka-high heels. BRING EXTRA CLOTHES. Dahil wala naman talagang tiyak na makapagsasabi  na bubuhos ang ulan, hindi mo rin alam kung kailan ka mababasa lalo na kung hindi mo hilig ang magdala ng payong. Sakit naman ang abot mo halimbawang basa ang iyong damit at nakatutok ka pa sa air conditioner. Sa ganitong pagkakataon, imbes na bumili ka ng panibagong damit, mas maiging magbaon ka na lang. BRI...

Tips Sa May PMS (Pre-Menstrual Syndrome)

Ang Pre-Menstural Syndrome o PMS ay sinasabing dulot ng sobrang dami ng estrogen (hormonang pambabae) at kakulangan ng progesterone ( ito 'yung klase ng hormone na inilalabas ng obaryo). Ang mga sintomas na kaakibat ng PMS, pisikal man o behavioral, na lumalabas sa kalagitnaan ng menstrual cycle ay nakakaapekto sa trabaho at pag-uugali at pagkatapos ay kusa na lang mawawala ang mga sintomas na naranasan. Tinatayang 40 porsyento ng mga babae ay nakaranas na nito lalo na iyong nasa edad na 18 pataas. Ang mga   sintomas ay iba-iba depende sa babae at narito ang ilang karaniwang sintomas na ikinabit sa PMS. PISIKAL NA SINTOMAS: Pananakit sa dakong balakang Pananakit ng suso Pakiramdam na parang tumataba Pakiramdam na parang bunsol Pagbabago sa pagdumi Sakit ng ulo Pananakit sa dakong balakang Marami rin itong kaakibat na psychological symptoms bukod sa mga nabanggit na pisikal na sintomas ng PMS. Narito ang ilan na psychological symptoms: Iritable Panghihi...

Tips Para Sa NORMAL HEARTBEAT

Isang malaking benepisyo para sa mga taong nagdaranas ng heart disease ang mga pagkaing kayang mag-regulate ng heartbeat. Dahil kung minsan ang heart rate ay tumataas bago pa man ang heart attack. Maaari mo ring maranasan ang pagtaas ng pulso dahil sa stress. Isa pang dahilan ang high blood pressure na sanhi rin ng pagbilis ng heartbeat. Ayon sa BoldSky, ito ang ilan sa mga pagkain para mag-normalize ang heartbeat. YOGURT Dahil sa ito ay mayaman sa vitamin B 12 ay kaya nitong gawing  normal ang pintig ng puso. Ang mga pagkain kasi na mayaman sa vitamin B 12 ay kayang mag-develop ng nerve cells, na siyang nagpapatibay sa ating nervous system para lumaban sa stress. SAGING Mayaman naman sa potassium ang prutas na ito, na siyang importanteng electrolyte para sa ugnayan ng puso at utak. Dahil diyan kaya ng saging na mag-regulate ng ating heartbeat. BAWANG Isa sa mga pagkain na mabuti sa kalusugan ng ating puso. Mayroon itong allicin na siyang nagpapahinto ng mga free...