Skip to main content

Posts

Showing posts with the label negosyo

MGA PATOK NA NEGOSYO PARA SA WALANG PERANG PAMPUHUNAN PART 1

Sa blog na ito pag-usapan natin ang MGA PATOK NA NEGOSYO na masisimulan mo kahit wala kang pera na pampuhunan. Ang mga patok na negosyo na mababanggit sa blog na ito ay bagay para sa mga sumusunod: 1. Mga empleyado na nagha-hanap ng extra income 2. Mga ginang na gustong kumita kahit nasa bahay lang. 3. Mga estudyante na kailangan ng part-time income pambayad ng tuition 4. Mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemic pero may naitabi namang maliit na halaga para magsimula ng isang negosyo. 5. Mga talentadong tao na gustong pagkakitaan ang kanilang talent o skills Isa ka ba sa mga nabanggit. Kung oo, tuloy-tuloy mo lang basahin ang blog na ito para malaman mo kung anong patok na negosyo ang nababagay sa iyo. Huwag mo ring kalimutan ang mag-follow sa blog kong ito (iklik ang tatlong guhit sa upper right corner) para ma-update kita sa mga negosyong patok. Simulan natin sa mga negosyong hindi mo na kailangan na maglabas pa ng pera. Opo, pwede kang magsimula ng isang negosyo kahit wala kang puh...

Mga Pwedeng Pagkakitaan Ngayong May Pandemya

Parang matagal tagal pa ata bago tayo maka-recover sa pandemyang ito. Marami na rin sa atin ang nawalan ng trabaho o nalugi ang negosyo. Ang iba ay umaasang mabigyan ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman ay dumidiskarte para kumita pa rin kahit papaano.  Ngayong may pandemya, limited lang ang galaw natin sa labas kaya't hangga't maaari ang iba ay naghahanap ng mga pwedeng pagkakitaan kahit nasa bahay lang.  Ito ang mga sa tingin ko ay pwede mong pagkakitaan kahit may pandemya.  1. Magtayo ng maliit na tindahan o sari-sari store. Ginawa ito ng mother ko kasi bilang real estate agent ay naging madalang ang mga inquiry niya sa pabahay at lupa. Di rin ganun kadali ang magpa- free house viewing. Kaya imbes na masayang ang panahon, sa puhunan na 3K-5K nagsimula si mama ng maliit na tindahan sa aming front yard. Maliit ang pa piso-pisong kita pero kung araw-araw naman na may bumibili ay tiyak na maiipon din ang kita.  2. At kung may maliit kang tindahan, hindi lang naman...

Limang Dahilan Kung Bakit Patok Na Negosyo Ang Mug Press Printing

Patok na negosyo ang mug press printing services . Ito ang limang dahilan kung bakit: 1. Bawat buwan may okasyon tulad ng birthday, kasal, fiesta, reunion, pasko, bagong taon atbp. Kaya naman maraming pwedeng magpagawa sa iyo ng mug. Madalas kasing pang-giveaway ang mug. 2. Mura ang puhunan, sa halagang mababa pa sa 15,000 pesos ay pwede ka nang makapagsimula ng mug press printing shop. Ang kailangan mo lang sa simula ay isang mug press machine , L120 Epson printer at thermal tape at sublimation printer paper. Upang makamura ka ay bumili ka na ng negosyo package, klik mo dito para sa installment at cash on delivery. 3. Mababa lang ang maintenance, hindi kasi sirain ang quaff mug press at kung masira man, nagpo-provide ang supplier ng service warranty. 4.Malaki ang tubo sa mug press. Makakakuha ka ng halos 50-60 % ROI sa bawat benta mo ng mug. 5.Madaling ialok ang mug sa mga kakilala, kaibigan, ka-opisina at syempre pa sa facebook. O, ano pang hinihintay mo, subukan...

Patok na Negosyo Sa Puhunan Na 100,000 | Kumita Ng Doble Sa PRINTING SHOP BUSINESS

Patok na Negosyo  Kumita ng Higit 100,000 sa Isang Buwan  PRINTING SHOP NEGOSYO PACKAGE KLIK MO DITO PARA MA-AVAIL SA INSTALLMENT Heto na ang negosyo para sa iyo. Kumita ng higit P100,000 a month PUHUNAN:  168,000.00 Pwedeng installment Up to 24 months, as low as  ₱ 10,612.56 per month POWER SA KITAAN SA PUHUNAN MONG 168 K Ito ang katumbas ng puhunan mo: Product details of New Negosyo Package Inclusions : Photo Printing Epson L805 Photo Printer Photo Printer Template A4 Size Rough Satin 4R Size Rought Satin 3R Size Rough Satin 3×4 Tarpaulin Tumbler with Handle Tumbler Without Handle Acrylic Keychain (Small) UV Dye Ink (Cyan, Magenta, Yellow, Black, Light Magenta, Light Cyan) Mug Press Quaff Mug Press Thermal Tape Inner Color Mug White Mug Magic Mug Sublimation Paper Sports Jug Epson L120 Printer Sublimation Ink ( Cyan, Magenta, Yellow, Black ) Cameo Cutter Plotter ...

Mga Negosyong Patok na Pwedeng Simulan sa 500-1500 na Kapital

Mga negosyong uso at patok pero mababa lang ang puhunan. Eto ang ilan sa kanila, baka nais mong subukan. Watch and subscribe to Tips ni Katoto official youtube channel.

NWorld: Negosyong Beauty Products Sa Mababang Puhunan

Marahil narinig mo na ang NLighten o Nhance mula sa kompanyang NWorld. Paano kasi, yung kapitbahay mo yan ang beauty products na gamit niya kaya blooming siya. Usong-uso kasi sa mga mahilig magpaganda ang mabisang produkto ng NWorld. Kaya't marami sa ating mga kababayan, mapababae man o lalake ay na-eenganyong gumamit ng mga produkto ng NWorld. Ito ang mga produkto ng NWorld:  1. Nlighten Kojic Papaya with Glutathione - mabisang pampakinis ng kutis sa mukha at katawan. Nakakaputi pati.   2. NLighten Premium Soap - mabisang anti-aging soap naman ito kung nais mong mapanatiling masigla ang iyong kutis.  3. NLighten Underarm Cream - may kilala ka bang maitim ang kili-kili, ito na ang hinihintay niyang lunas. Instant whitening ito kaya best seller.  4. NLighten Cloud cream - anti-aging cream din ang isang ito para mas hindi tinging tuyot ang balat mo.   5. NLighten Body Cream - instant na kaputian ba kamo ? Ito na ang solusyon, walang duda...

Dishwashing Liquid Business Paano Ba?

Para sa mga ginang na naghahanap ng pagkakakitaan. Subukan ang negosyo na pagbebenta ng dishwashing liquid, fabricon, detergent at iba pang uri ng sabong panlinis. Sa murang puhunan ay maaari ka nang makapagsimula. Hindi mahirap simulan ito para sa mga ginang na likas na magiliw sa pagbebenta. Patok na negosyo ito kung marami kang kilalang kapitbahay o kaibigan na pwede mong pagbentahan. Mas mapapadali naman ang pagbebenta kung may sarili kang pwesto kahit maliit lamang. Paano Ba Magsimula? Una na, mahalaga sa negosyong ito ay ang pagkukunan ng may kalidad na produkto na may murang wholesale price. Kumontak ng supplier na malapit sa iyo o madali mong pagkukunan ng supply. Halimbawa, kung nasa Cavite area ka, maaari mong i-email ang iyong contact number sa tipsnikatoto@gmail.com para maipaabot namin sa supplier dito sa Cavite ang iyong interes sa ganitong negosyo. Ang order ay pwedeng i-pick up sa store o i-deliver sa aming piling pick up points ( Malls within Imus, Dasm...

Paano Simulan Ang Piso Print Business?

Isa sa mga matagumpay na negosyo ang Piso Print . Kaya naman marami sa atin ang nahihikayat simulan ang ganitong negosyo. Pero paano nga ba simulan ito? Ano ang kailangang gawin? Saan makakabili ng mga kinakailangang supply? Magkano ang puhunan? At higit sa lahat, magkano ang pwedeng kitain. Paano Simulan Una sa lahat, dapat pakatandaan na ang pagnenegosyo ay kinakailangan ng dedikasyon at talento. Mahalagang may kaunti ka na ring kaalaman bago mo pasukin ito. Pero di rin naman hadlang ang kakulangan sa ideya para gawin ito. Kung hilig mo o gusto mo o handa kang matuto ay maaari kang maging matagumpay sa Piso Print. Ilan sa mga dapat mong aralin ay ang paggamit ng Adobe Photoshop MS office, at iba pang software na mahalagang ginagamit sa Piso Print. Kinakailangan mo rin lagyan ng Piso Print Action ang iyong adobe Photoshop. I-email ang tipsnikatoto@gmail.com para makabili nito. Pangalawa, bumili ng mga printer na may kalidad. Rekomendado namin ang epson printers, parti...

Tips Paano Kumita Online Ng Walang Puhunan

Isa ka bang blogger o may malakas na impluwensiya sa social media? Nais mo bang kumita ng pera mula sa iyong blog, facebook, twitter, tumblr, fanpage ng walang puhunan. Ito ang mga programa online na maaari mong subukan. Lazada Affiliate Program Ang Lazada ay isa sa pinakamalaking online shopping mall sa Asia at nangununang bilihan ng mga gadget at health and beauty product online. Madali kasi ang pag-order sa Lazada at on-time ang pagdating ng kanilang produkto. Marami ding murang bilihin sa Lazada na di mo akalaing mas mura pa kaysa ang mag-shopping ka sa mall. Ang nakakatuwa pa rito, maraming paraan ang customer para makapagbayad sa Lazada, isa na rito ang Cash on Delivery. Kaya't kung nais mong kumita ng pera online ng walang puhunan pero may malakas kang hatak sa mga netizen, subukan mong sumali sa Lazada at kumita ng commission mula sa mga online buyers mo. Kagandahan pa nito, hindi mo na sila kailangang alukin pa. Dahil isang klik lang nila ay posible kang kumita ...

Murang Heat Press T-shirt Printing Sa Cavite

Ito ay isang anunsyo mula sa Monster Prints Cavite  Contact No. 09052064765 Fanpage: Monster Prints Branch 2 Twitter: monsterprintsb2 Pick Up Site: Anabu Doyets Imus Meet Up Points: Cavite Malls Also Ship Thru LBC Isang homebased shop sa Cavite ang nag-ooffer ng kanilang murang heat press and print services para sa inyong t-shirt na kadalasan ay kailangan kapag may reunion, okasyon, company event at iba pa. Murang Heat Press T-shirt Printing Sa Cavite  PRESYO NG PATATAK A4 Size/ 1 PRESS + Light or Dark Shirt: 170 pesos - bulk orders of 100 above 180 pesos - bulk orders lower than 100 190 pesos - bulk orders of 50 200 pesos each - pares ng damit ( ideal para makatipid ang magkasintahan sa couple shirt) 250 pesos each - single order Ang Heat Press Printing ay isang uri ng paraan upang madaling mailipat ang imahe sa isang garment tulad ng t-shirt. Hindi na kinakailangan pa ng mano-manong silkscreen para maka-imprenta ng damit. Ang kailangan lang ay is...

Tips Para Maging Reseller Ng Couple Shirts At Personalized Items

Ang artikulong ito ay hatid sa inyo ng Monster Prints - A Print Shop in Imus, Cavite Ikaw ba ay nagbabalak na mag-negosyo pero wala kang malaking puhunan? Bakit hindi mo subukang maging Reseller ng Couple Shirts at Personalized Items ? Ang pagiging Reseller ay madali lamang gawin. Hindi mo rin kailangan ng pwesto o malaking kapital para makapagsimula. Ang RESELLER PROGRAM ay hindi na bago sa Pilipinas, kung minsan ay naihahambing din ito sa Direct Selling. Paano ba maging isang Reseller?  Una siyempre ay kailangang humanap ka ng produkto o serbisyo na sa tingin mo ay hindi ka mahihirapang ialok o ibenta. Pwede itong damit o mga giveaways, pwedeng gadgets o pagkain. Depende, kung ano ang hilig mo. Mahirap naman kasing magbenta ng mga produktong hindi naman saklaw ng interes mo hindi ba? Ngayon, sa tingin ko kaya ka narito sa blog na ito ay dahil nais mong maging Reseller ng Couple Shirts at Personalized Items. Hindi ako pwedeng magkamali at hindi ka rin naman nagkamali...

Tips Sa Pagsisimula Ng ELECTRONICS REPAIR SHOP

Ikaw ba ay nagbabalak na magtayo ng isang Electronic Repair Shop? Sa dami ng mga naglalabasang electronic products ngayon sa merkado, tila hindi na dapat pagdudahan pa na isa sa in-demand ngayon na negosyo o trabaho ang pagiging electronic repair technician. Dahil dito, masasabing isa sa patok na negosyo ngayon ang Electronics Repair Shop. Magkagayunman, hindi isang madaling trabaho ang electronic repair. Hindi naman kasi ito basta may puhunan ka lang ay pwede na. Sapagkat nangangailangan din ito ng kaukulang training para makapagsimula. Kung sapat na ang iyong kaalam o kung ikaw ay mayroon ng sertipiko sa bokasyon na may kinalaman sa electronic repair ay ito ang ilan sa mga tips para makapagsimula ng negosyong ito: Una sa lahat, mahalaga ang pagkakaroon ng isang pwesto kung saan ay magiging komportable ka sa pag-rerepair mo. Dapat ay may sapat na liwanag at well-ventillated ang lugar. Pati na dapat ay gumaganang maigi lahat ng electrical outlet.  Pangalawa, kumuh...

Heat Press Tshirt Printing: Patok Na Negosyo Sa Pinas

Isa sa mga patok na negosyo ngayon sa Pilipinas ang Heat Press Tshirt Printing . Lalo na sa panahon ng kampanya, fiesta, reunion o kahit ano pang okasyon. Madalas kasing ginagawang souvenir ang Tshirt kaya kung nais mong mag-negosyo, bakit hindi ito ang subukan mo. Sa pagsisimula ng negosyong Heat Press Printing ay hindi mo na kinakailangan pa ng malaking puhunan, hindi na rin kinakailangan na mag-hire ka pa ng artist o empleyado dahil ikaw mismo kayang-kaya mong gawin ito. Ito ang mga gamit na kailangan mo sa heat press printing business: Heat Press Machine - Para sa mura at may kalidad na heat press machine pwede kang tumungo sa Ojon Mall sa Doroteo Jose. Doon ay maraming mga stall na nagbebenta ng machine na ito. Rekomendado ko ang Fengreco Shop. Maganda ang quality at mura ang supply nila ng ganitong makina. Puhunan: 8,500 pesos. Transfer Paper - Isa sa tradisyonal na paraan sa heat press ang paggamit ng transfer paper. Ito ang papel na isasalang mo sa printer at id...

Mga Patok At Murang Giveaways Ngayong Christmas

It's christmas time! Ang bilis talaga ng panahon. Ngayon nga'y aligaga na sa pagpunta sa Divisoria ang ilan sa atin para makabili ng patok at murang regalo o mga pang-giveaways para sa kanilang mga inaanak, kaibigan, kakilala, mga suki sa kanilang negosyo at kung sino-sino pa. Mura nga naman kasi sa Divisoria kung ikaw ay kukuha ng bulto-bultong pang-regalo. Pero kung hindi mo naman trip ang makipagsiksikan sa Divisoria ay pwede mo rin namang ikonsidera ang ilan sa mga itong pwede rin namang pang-giveaways ngayong nalalapit na pasko o kahit pa sa iba pang okasyon. Ang mga giveaways na ito ay maaari mong mabili sa aming print and personalized shop. Siguro'y isa nga rin itong uri ng promosyon para sa aming negosyo pero sa kabilang banda ay isa rin itong pagbabahagi ng Tips para sa mga mamimili na gaya mo. Personalized Keychain  Ang keychain na nagkakahalaga lamang ng 13 pesos per piraso ay magandang giveaways lalo't kung maliit lamang ang budget mo para sa m...

Business Tips: Negosyong Uso P500 to P3k Capital

Nag-iisip ka ba ng negosyong pwedeng simulan sa maliit na kapital na 500 pesos hanggang 3k ? Kung nais mong mag-negosyo ngunit limitado lang ang iyong perang puhunan, huwag kang mag-alala sapagkat maraming business ang pwedeng simulan sa mababang puhunan ngunit may potensyal na kumita ng malaki. Ito ang ilan sa mga negosyong uso sa kahit anong panahon. Paggawa ng pabango at cologne . Sino ba naman ang ayaw na sila ay maging mabango? Madali at masaya ang paggawa nito. Ang profit margin para sa negosyong ito ay higit 300 poryento. Paunang Capital: 1,500 para sa 100 grams ng pabango. Ito ay maaari nang makagawa ng 12-13 roll-on bottles.  Tips: Ang production cost mo ay nasa 115.00 pesos. Pwede mong i-mark up ang produkto ng hanggang 300 porsyento. Paggawa ng Puto . Isa sa mga pinoy delicacy na madaling gawin at ibenta. Pwede ring mas mataas ang benta mo sa mga puto na may flavor ngunit tiyak na abot kaya pa rin ito ng masa.  Paunang Capital: 500 pe...

Tips Sa Pagkuha ng Business Permit

Sa pagsisimula ng isang negosyo, importanteng hakbang ang pagkuha ng business permit at lisensya. Para maging legal ang iyong pag-nenegosyo, may ilang government agencies ang kailangan mong puntahan depende sa uri ng negosyong iyong papasukin. Una na riyan ang Department of Trade And Industry. Sa kanila mo ipare-rehistro ang pangalan ng iyong negosyo. May mga regional at provincial branches ang DTI. Importanteng ipa-rehistro mo sa kanila ang pangalan ng iyong negosyo upang magkaroon ka ng eksklusibong karapatan dito. Required para sa mga single proprietor ang gawin ito at opsyonal naman para sa isang partnership business at korporasyon. Pwede ka ring mag-apply online ng iyong business name. Magtungo lamang sa bnrs.dti.gov.ph Dapat namang magtungo ang isang partnership at corporate business sa Securities and Exchange Commission . Para ito’y maging legal at judicial entity.  Ang website nila ay sec.gov.ph Kailangan mo ring mangalap ng kaukulang permiso mula ...

Free Android Apps- Tulong Sa Iyong Negosyo

Sa bilis ng pagbabago sa mundo ng pagnenegosyo ay kinakailangang makasabay ka sa takbo nito kundi ay mapag-iwanan ka ng iyong mga ka-kompetensya. Isa na rito ang pagsunod sa mga bagong teknolohiya at pag-aaply nito sa iyong negosyo tulad na lamang ng mga android app. Alam ninyo bang may mga android app na may hatid na tulong sa iyong negosyo. Heto ang ilan na pwede mong subukan ng libre. FREE Android Apps for Your Business Kingsoft Office – sa tulong nito ay pwede mo nang makita at i-edit ang iyong mga office files kahit nasaan ka pa basta’t dala mo ang iyong android capable gadget tulad ng iyong cellphone o tablet. Evernote – pwede kang magsulat ng note at mag-record ng voice reminder. Malaking tulong ito para maging organize ka sa iyong negosyo at maging lalong produktibo. CamScanner- gamit ang camera ng iyong cellphone, sa pamamagitan ng app na ito ay pwedeng magsilbing fax machine at scanner ang iyong cellphone. Maihahatid mo na sa iyong mga kliyente ang iyo...

Tips Sa Pagluto Ng Mango Jam

Ang mango jam ay isang produkto tulad ng jelly na sugar-concentrated. Mapa-hilaw o hinog na mangga ay pwedeng gawing jam. Ang paggawa ng homemade mango jam ay isa ring magandang ideya sa pag-nenegosyo. Tunay ngang swak na negosyo ito lalo’t marunong kang i-market ang produkto mo. Maaari mo itong ibenta sa iyong mga kaibigan, kapitbahay, ka-opisina at pati na sa mga restoran, bazaar at food shops. Interesado ka bang malaman kung paano ang pagluto ng mango jam ? Heto ang tips para sa’yo: Ito ang mga kailangang sangkap: 10 kilo ng hinog at hilaw na mangga ½ ng pinong asukal 1 kutsarita ng citric acid Ito naman ang mga gagamitin natin sa pagluluto: Kutsilyo Sandok Palanggana Tasa na panukat/kutsara Handa na ba ang iyong mga sangkap at kagamitan ? Heto naman ang paraan para sa pagluto ng Mango Jam: Hugasang maigi ang mga mangga para maalis ang dumi. Hiwain ang mangga (tidbits) Kunin ang laman ng mangga gamit ang kutsara Kayurin ang sapal mula sa ...