Tuwing rainy season , kailangan nating protektahan ang ating balat mula sa mataas na level ng humidity at sa kung anu-anong sakit na nagkalat sa paligid. Heto ang ilang healthy skin tips para maalagaan mong mabuti ang iyong balat ngayong tagulan: Tips For A Healthy Skin On Rainy Season Maligo araw-araw. Ang pagligo ay nakapagtatangal ng dumi sa ating katawan na nakukuha natin sa labas. Kung maaari, ang dalawang beses na pagligo ay mas makabubuti sa pag-aalaga ng balat. Gumamit ng anti-fungal soap.Ang anti-fungal soap ay tumutulong upang mapuksa ang germs na ating nakukuha. Tiyaking gagamitin lamang ito sa katawan at hindi sa mukha. Maghilamos ng mukha. Gumamit ng mild facial wash para sa mukha. Puwede ring gumamit ka ng ilang mga sangkap na makikita mo sa kusina tulad ng pinaghalong gram flour, rose water at gatas. I-apply ito sa mukha at maghilamos pagkatapos ng 15 hanggang 20 minuto. Parating sundin ang iyong cleansing , toning at moisturizing routine. Ito ay mak...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc