Skip to main content

Posts

Showing posts with the label buhay

Tamang Gawain Sa Loob Ng Office Washroom

Mahaba ang listahan ng rules and regulations na dapat sundin sa loob ng opisina. Isa sa mga dapat isipin ay ang dapat at hindi dapat na gawin sa loob ng office bathroom. Ito ang ilan sa mga etiquette na dapat alam mo kapag nasa washroom ka ng inyong opisina. Mga Dapat Gawin Itapon sa basurahan ang tissue na iyong gagamitin, punasan ang mga tilamsik ng iyong ihi sa upuan ng kubeta. Sino ba namang gustong gumamit ng kubeta na madumi at hindi man lang nai-flush ng huling gumamit nito? Kaya’t matutong magflush at mag-imis ng kalat bago mo ito iwan sa susunod na gagamit. Maghugas ng kamay. Alam mong nakadidiri na makakita ng taong lalabas sa banyo na hindi man lang naghugas ng kanyang kamay. Maiisip mo tuloy kung sinong malas na tao ang makikipag-shake hand sa tao na ito, pati na rin kung anong pagkain ang kanilang hahawakan at kakainin ng hindi man lang naghugas ng kanyang kamay. Kaya ang moral lesson dito, maghugas ng kamay pagkatapos mong gumamit ng banyo. Mga H...

Tips Para Hindi Bayolente Kapag May Argument

Hindi maiiwasan ang pakikipagtalo. Maaaring ang dahilan nito ay mga salungat na opinyon. Ang iba nama’y mga nakakapikon na talakayan na nauuwi sa isang dibdibang argumento at kung sa kamalas-malasan ay pagiging bayolente ng magkabilang panig. Ito ang ilang tips para ma-kontrol mo ang iyong sarili na maging bayolente sa harap ng isang pagtatalo o argument. Kontrolin ang “fight o flight” na reaksyon. Unang reaksyon sa isang mainit na sitwasyon ay tipikal na agresibong reaksyon. Ang parehong reaksyon ang magpapalala sa tensyon. Tanggapin ang anumang damdamin ng ibang tao. Ang isang napahiyang tao ay madalas niyang isipin na estupido kaya naman depensibo siya at ipagtatanggol ang sarili. Ang matanggap ang damdamin ng tao at pananaw ay makatutulong para ma-establisa ang kampante at may rasong resolusyon. Magsalita nang malumanay, matatag na boses, higit na lalala ang sitwasyon kapag nakipagsigawan. Ilabas o iboses ang anumang nasa isip. Huwag ibaling ang usapan sa pa...

Dapat Gawin Sa Kapitbahay Na Nananakot (Neighbor's Quarrel)

May matinding neighbor’s quarrel ba kayo? Tipong nakararanas ka na ng pananakot o tipong nagkakalat na na ng tsismis ang iyong kapitbahay na hindi maganda tungkol sa iyo? Ito ang ilan sa tips kung anong dapat gawin kapag nanakot na ang iyong kapitbahay. Know the exact problem. Determinahin mo kung ano at saan ba nangagaling ang problema. Kung may naririnig ka sa tsika ng ibang kapitbahay na nagsasalita siya nang hindi maganda tungkol sa iyo, hindi naman ibig sabihin na totoo na. At baka naman iba rin ang iyong mga narinig. Bago ka magwala sa sitwasyon, tiyakin na alam mo talaga ang tunay na problema. Be civilized. Manatili kang sibil at kampante. Mahihirapan ang kapitbahay na makipagtalo sa isang taong palakaibigan at mabait. Panatilihin mo pa rin sa iyong ugali na maging “palabati” at laging nakangiti sa kanya sa tuwing makikita mo ang iyong kapitbahay. Kahit na wala kang nakikitang good side niya, basta patuloy kang maging mabait sa kanya, tiyak na kakampihan ka pa ...

Tips Para Lagi Kang Good Morning

Good Morning! Napakasarap bumangon sa umaga, but some of us feel the challenge on waking up early in the morning. Oo nga naman, minsan kapag masaya o masarap ang panaginip ay hirap bumangon. Minsan bad trip ka pa kapag may nangigising sa'yo tulad ng alarm clock mo o ang pagtatalak ng ermat mo. Pero magkagayon, thank you life! Kasi buhay ka pa. Heto ang ilan sa tips para lagi kang good morning, magagandang paraan para simulan ang umagang kay ganda:  How to Start Your Good Morning Take a good sleep and enough rest. Magkaroon ng sapat na tulog. Ang 6 hanggang 8 oras na tulog sa gabi ay tiyak na makatutulong sa iyo upang maging handa at masigla sa kinabukasan. Habang tayo ay tumatanda, our body needs more time to rest and nap.  Prepare your things during night time. Kung alam mong matatagalan ka sa pagpili ng damit, sa paghahanda ng iyong dadalhin at iba pa, lalo't kung may business appointment ka kinabukasan ay siguraduhing naka-alis ka na ng iyong bahay sampung ...

Ang Malaking Tulong Ng Bug Sniffing Dog

Nakakabilib ang balitang ang asong ating kinagigiliwan ay pwede nang makatulong sa atin na hagilapin ang mga pesteng naninira sa ating facilities, bahay, eskwela, department atbp-ang mga pesteng tulad ng ipis, surot atbp. ay maaaring maging sanhi ng sakit para sa ating mga tao. Tunay nga namang dog is a man's bestfriend, dahil kahit kailan, maaasahan talaga si bantay. Basahin ang tungkol sa bug sniffing dog na ito. The Help of Bug Sniffing Dogs  Nagsilbing secret weapon sa pinagsanib na puwersa ng Department of Health and Education sa Tulsa,OK na magsagawa ng programa kaugnay sa pag-inspeksyon nila sa library sa tulong ng bug sniffing dog. Nagawang madali sa kanilang matukoy ang mga silid aklatan sa mga eskuwelahan na pinamumugaran ng peste tulad ng ipis at surot-kahit na hindi sila humingi ng tulong sa bug infestation team. Ipinakilala rin sa pamamagitan nito ang tanging bed bug sniffing dog sa Oklahoma na si Liberty Belle na isang beagle na talaga namang kinabibiliban ...

Tips Para Sa Mga Student Commuter Sa Tag-ulan

Hassle ang biyahe kapag umuulan lalo na sa mga estudyante. Aalis ka ng bahay na todo plantsado ang damit at nice ang grooming pero dahil sa biyaheng traffic at maulan ay losyang ka nang makararating ng skul. Heto ang ilang tips para sa mga estudyanteng commuter kapag maulan ang panahon: Tips for Student Commuter This Rainy Season Sleep Early. Isipin mong malayo ang iyong papasukan at walang magagawa ang driver kapag na-late ka. Lalung-lalo na ang kapwa mo pasahero sakaling nauhan ka sa pagsakay.  Learn your priorities for today. Ipagpabukas mo na ang mga bagay na hindi naman mahalaga sa ngayon. Applicable lamang ito upang maaga kang makatulog. Kung magbabasa ka lang naman ng magazine o libro, ipagpabukas mo na ito upang maaga kang magising kinabukasan. Ipagpatuloy mo na lang habang nasa biyahe o kung naghihintay ka ng masasakyan. Prepare your rain gears. Maging boy o girl scout ka. Dalhin mo ang iyong payong, alcohol, tisyu, jacket, plastic, ekstrang tsinelas,...

Paraan Para Kayanin Ang Pagdadalamhati (Grieving Process)

It is the hardest process to cope up with sadness and grievance when you lose someone that you love. Mahirap ang pighati at ma-i-handle ang kalungkutang nadarama kapag ikaw ay namatayan ng kaanak. Pero mayroon namang lunas dito at siguradong may tutulong upang kayanin mo ito. Ito ang ilang paraan para kayanin mo ang pagdadalamhati at tiyak na ito ay makatutulong sa grieving process: How To Cope Up With The Grieving Process Reach out to your friends and family. Hindi man nila maintindihan ang iyong pinagdaraanan, maaari ka pa rin nilang suportahan sa anumang iyong nararamdaman. Maaari ka ring humingi ng dagdag-suporta sa mga taong dumaraan din sa pagdadalamhati. Take care of yourself. Maaaring ito ang pinakahuling bagay na iyong inaalala ngunit ito ay nakatutulong upang kayanin mo ang lahat. Accept the reality. Intindihin mo na ang pagdadalamhati ay parte ng buhay ng tao. Lahat ng tao ay namamatay at ito ay parte na ng ating buhay. Ang pagdadalamhati ay hindi lang ...

Mga Dapat Ikilos Sa Burol Ng Namatay (Funeral Vigil)

Here are the things you need to know about attending a funeral vigil. Mahalagang malaman mo ang mga dapat mong ikilos kapag ikaw ay nakikipaglamay sa burol ng iyong kapamilya,kaibigan o kakilala. Anu-ano nga ba ang tamang etiketa para makiramay sa namatayan? The Right Etiquette When Attending A Funeral Vigil Know what to wear. Ang kulay itim ay isang classic na attire. Siguraduhing nakapampormal o kaya ay well-groomed kapag dadalo sa burol. Iwasan ang pagsusuot ng pula bilang parte ng custom nating mga Pinoy. Turn off your cellphone. Siguraduhing nakapatay ang inyong cellphone o naka-silent mode ito para hindi ka maka-eskandalo sa lakas ng ringtone ng cellphone mo. Sign up in the guestbook. Pagdating sa burol ay huwag mong kalilimutan ang maglista sa guestbook kung mayroon man. Send something to the relatives of the deceased. Bilang pagpapakita ng pakikiramay, maaari kang gumawa ng card o magbigay ng bulaklak sa pamilyang naiwan ng namayapa. Ito ay bilang pag...

Tips Para Di Maisip Mag-Suicide

There are some point in our lives that we feel we are not important or we are not successful, ito iyung mga dahilan kung bakit na-de-depressed ang isang tao at naiisip magpakamatay. Ang mga sumusunod na tips ay magbibigay sa iyo ng dahilan kung bakit kailangang magpatuloy ang buhay at huwag maisip na mag-suicide. Tips On How To Stop Yourself From Committing Suicide Don't think suicide is the way to escape from your problems. Ang pagpapakamatay ang pinakapangit na paraan upang masolusyunan ang mga paghihirap. Maaaring ito ang nakikita mong paraan para makatakas ngunit ito ay nagpapakita ng kaduwagan sa pagharap sa mga pagsubok. Tandaan marami pang ibang paraan para makaya ang isang suliranin. Puwede ka pa ring maging  masaya sa kabila ng lungkot .  Don't be shy to seek help from others. Laging pakatandaan na maraming tao riyan na nakikipag-deal sa mga gustong magpakamatay. Naririyan sila dahil gusto nilang makatulong at hindi para magmukha kang miserable. Maaar...

Tips Para Pigilan Ang Isang Tao Na Mag-Suicide

According to National Statistics Office , the rate of people who are committing suicide is tremendously increasing. Nakababahala ito sapagkat hindi lang naapektuhan ng pagpapakamatay ang taong gumawa nito kundi pati ang mga kaanak ng nagpatiwakal. Pero maraming kaso ng pagpapakamatay ang maaaring maiwasan. Here are some tips kung paano mapigilan ang isang tao sa kanyang suicidal attempts: Tips On How To Stop Someone From His Suicidal Attempts Search for the Warning Signs Mayroong iba't ibang sitwasyon na makapag-uudyok sa isang indibidwal na mag-suicide. Kadalasan ang isang taong nais magpakamatay ay dumaranas ng matinding problema sa buhay. Help Them Hindi madali ang tulungan ang mga taong gustong magpakamatay dahil may masabi ka lang na hindi nila nagustuhan, posibleng lumalala ang sitwasyon. Tandaan na laging gumawa ng contact sa taong ito at ipaintindi na sila ay nauunawaan mo. Humingi ka rin ng tulong sa nakakaalam. Be Straight-forward Ang pakiramdam na...

Fire Prevention-Tips Para Makaiwas Sa Sunog

Hindi na baleng manakawan huwag lang masunugan. Ito ang madalas nating naririnig kapag pinag-uusapan ng magkakapitbahay ang sunog. Dahil totoo nga namang kapag nasunugan ka ay para mo nang ipinanakaw ang buo mong kabuhayan. Kung takot kang masunugan, ito ang ilang fire preventon tips para makaiwas sa sunog: Fire Prevention Tips Throw your cigarette butts and use your cigarette lighters properly . Huwag ikalat kung saan saan ang upos ng sigarilyo upang hindi madampot ng mga batang malilikot. Kung naninigarilyo ay agad itapon ng maayos ang upos nang wala nang sindi. Tiyaking malinis at ligtas ang ashtray kapag magtatapon ng abo. Don't smoke in bed. Huwag hayaang manigarilyo ang bisita sa higaan. Kung nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv ay huwag ding manigarilyo. Stay away from candles or heaters if you're wearing big clothes. Huwag palalapitin ang mga taong maluwag ang kasuotan sa mga space heater o kandila dahil baka madilaan ng apoy ang madaling magsikla...

Bridal Tips Para Hindi Ma-tense Sa Wedding Day

Pangkaraniwan na sa mga ikakasal na bride ang tensyonado sa araw ng kanilang kasal. Siguro'y ilang siya sa kanyang suot na gown, iniisip kung ano kayang sinasabi ng mga taong nakakakita o di kaya nama'y ano kaya ang naghihintay sa kanyang kapalaran pagkatapos ng araw na ito. Kung ano man ang dahilan, kung ikaw ay ikakasal na- heto ang ilang bridal tips para hindi ka ma-tense sa iyong araw na pinakahihintay- ang iyong Wedding. Bridal Tips Be yourself. Aminin mo na naiilang ka at parang di ka komportable sa sarili maging sa iyong mga kinikilos at pananamit at pigurahin ang plano pareho upang mapanghawakan ang tensiyon. Mag-isip ng senaryo kung paano ito ayusin at tatapusin. Ang komunikasyon ang siyang susi ng kalutasan ng lahat. Acknowledge the support from parents and closed friends. Hayaang ang mga pamilya at mga kaibigan na malaman na mapagpakumbaba ka at tanggap mo ang kanilang suporta. Maaari kang mag-isip ng paraan na maisama sila sa seremonya at ritwal ng r...

Tips Para Maging Happy Kahit Sad Ka

Habang tumatanda tayo, humihirap ang lahat at nagiging responsable sa araw-araw na buhay. Ang ilang responsibilidad na ito ay nagiging problema sa atin, nalulungkot at nade-depressed. 7 Ways To Be Happy During Sad Times Kung minsan, napapagod tayo. Heto ang tips para maging happy kahit sad ka, para ma-overcome ang feeling na ganito: Tandaan na ang pangarap ay nangyayari kapag ating pinilit na abutin at pangarapin. Isa lang ang buhay at makukuha lang ang buhay na ganyan kapag nagawa natin ang pinakamabuti. Kapag nag-iisa ka sa bahay, nakaupo sa sofa, tumayo, mag shower at isuot ang pinaka-komportable at paboritong damit, pati ang sapatos na gusto, mag-lipstick, magpaganda. At kapag feeling mong maganda ka na, gagaan na ang lahat. Magpaayos ng buhok, magpa-manicure, maglagay ng pabango at sumama sa mga taong masasaya. Tumingin sa diyaryo kung ano ang magandang palabas sa sine at manood ka. Kung walang pera, umarkila ng DVD movie. Ang susunod na gagawin ay tawagan ang mga ...

Parenting Tips- Para Hindi Maging Violent Ang Teenagers

Parenting Tips. Sa panahon ngayon, kaliwa't kanan na ang palabas na may akmang violence at isa raw ito sa mga dahilan kung bakit nagiging bayolente ang isang anak lalo na 'yung teenagers . Bukod rito marami pang ibang reason kung bakit nagiging suwail ang kabataan. Heto ang ilang dahilan pati na rin tips para sa iyo bilang magulang upang mapalaki mong hindi violent ang iyong teenagers. Tips For Parents- How Your Teens Can Avoid Violence Peer Pressure  Ang teenagers na involved sa mga bayolenteng aktibidad ay karaniwang hindi gagawa ng karahasan nang hindi kasama ang kanilang mga kaibigan. Bilang parents, dapat kilala ninyo rin at alamin kung sino ang mga kaibigan ng iyong anak at kung ano ang kanilang mga inuugali kapag magkakasama, dito mo makikita ang babalang sensyales kung malalagay sa gulo ang anak. Mas madaling maimpluwensiyahan ang teenagers ng kanilang mga kaibigan na bayolente, tiyak na magiging bayolente rin ang iyong anak. Violent Parents Kung ang mi...

Wedding- Tips Sa Pagpili Ng Live Band Sa Kasal

Ano ang mas gusto ninyong tema ng entertainment sa kasalan? Paano ba ang tamang pagpili ng live band sa iyong wedding ? Heto ang mga tips na dapat isipin kung magpaplano nito. Tips Sa Pagpili Ng Live Band Sa Iyong Wedding Konsiderahin ang benepisyo ng pagkakaroon ng live band sa inyong simpleng wedding reception. Ang isang first-rate band ang karaniwang nagbibigay ng excitement at mas masaya kaysa sa DJ dahil ang musika ay may live performance. Pipili ang iba ng live band dahil sa klasiko ito at personal kaysa sa DJ na may pareho ring bersyon na gustong mapakinggan ng mga bisita. Maghanap ng live band na puwedeng mag-perform sa iyong kasalan at malaman mo na agad ang mga estilo ng musika na siyang tutugtugin sa inyong kasalan.  Karaniwan sa isang band ay mahusay sa isa dalawang genres tulad ng rock o jazz kaya mahalaga na pumili ng band na may estilo na tiyak namang mae-enjoy ng lahat ng guest sa buong reception.  Ang mas mahalaga, tiyakin na ang banda ay handa...

Simple Wedding-Tips Sa Pagpaplano Nito

Ang kasal ay isang selebrasyon ng pag-iisang dibdib ng dalawang tao at pinakamasayang sandali ito para sa couple, sa kanilang pamilya at mga kaibigan. Kung minsan, ang kasalan ay kailangang gawing madalian o mabilisan na kailangan ng maraming plano sa maigsing panahon. Heto ang ilang Tips kung paano planuhin ang kasalan. Simple Wedding Tips Simulan nang maghanap ng wedding dress. Maghanap online, sa Divisoria, o paboritong boutique. Kung nais magkaroon ng madaliang pagpapakasal, wala nang oras dahil gahol ka na sa panahon. Kung wala kang makitang wedding dress na mabibili, umarkila na lamang. Hindi kailangang mahaba ang laylayan basta maganda at putimputi ito at bagay na sa'yo. Agad magpareserba ng lokasyon para sa wedding at reception. Tawagan ang community center. Simbahan o hotel para magpareserba ng silid para sa inyong kasal at reception. Kung ikakasal kapag holiday, mahirap humanap ng bakanteng lokasyon. Kung ito ang kaso, tingnan kung ang pamilya o close friend a...

Tips Para Malaman Ang Peke Sa Tunay Na Attorney

Paano mo malalaman na ang kausap mo ay tunay o peke na attorney? Tips to Know a Real Attorney Ang practice of law na nangangahulugang anumang gawain sa labas at loob ng korte na nangangailangan ng aplikasyon ng batas, legal procedure, kaalaman, pagsasanay at karanasang legal ay maaari lamang gawin ng isang abogado ayon sa Rules of Court na nagsaad nito: "Any person heretofore duly  admitted as a member of the bar, or thereafter admitted as such in accordance with the provisions of this rule, and who is in good and regular standing, is entitled to practice law" (Cayetano v. Monsod, 201 SCRA 210, Section 1, Rule 138 of the Rules of Court.) Upang maging abogado, kailangang pumasa muna ang isang tao sa Bar Examination, makapanumpa at makapirma sa Roll of Attorney. Magiging kuwalipikado lamang ang aplikante para sa Bar Examination kung siya ay isang Filipino, dalawampu't isang taong gulang o higit pa, may magandang katangian o good moral character, residente ng Pili...

Tips Para Malaman Kung May Landslide

Landslide . Ngayong panahon ng tag-bagyo at malalakas na mga pag-ulan  ay maraming matataas na lugar ang hindi inaasahang gumuho lalo na ang mga matatarik at malalambot na lupa. Why Landslide Happens? Tips to Know Nagreresulta ang landslide o pagguho ng lupa kapag ang malalambot na bahagi ay nababasa ng malalakas na pag-ulan at dahil ang mga clay type na lupa na madaling magbitak kapag panahon ng tag-init at nasa ibabaw ng isang bundok o matarik na lugar ang siya namang madaling humigop ng maraming tubig dahilan para tuluyang lumambot at gumuho ito. Ang pag-predict sa landslide ay posible sa ilang parte  ng lugar na una nang pinagmulan ng pagguho. Para malaman kung ang ang isang matarik na lugar ay guguho, heto ang ilang Tips na dapat alamin kung bakit nangyayari ang landslide : Alamin kung anong dahilan ang nagiging sanhi para magka-landslide. Ang geological make-up: ika nga ng lugar ay isang nakahihinalang indikasyon. Ang gravity o lakas din ng hatak ng ...

Safety Driving Tips Ngayong Tag-ulan

Safety Driving Tips . Ang malakas na buhos ng ulan ang mabilis na nakapagpapalabo sa bisibilidad ng isang nagmamaneho maging ang pagiging madulas at delikado ang kondisyon ng kalye. Tandaan na ang pagmamaneho ng ligtas ay nagsisimula bago simulan ang pagragasa sa daan. Safety Driving Tips This Rainy Season Tiyakin na ang iyong windshields at bintana ay malinis, parehong sa loob at labas bago lumarga sa pagmamaneho, panatilihing laging malinis ang bintana nang regular at iwasan ang mga smoke residue kung smoker ka. Tsekin ang headlights,taillights,brake lights maging ang turn signals. Tiyakin na ang windshield wiper motor ay umaandar at ang bawat wiper blades ay hindi pudpod o sira. Buksan ang headlights maging ang iyong wipers kapag nagsimula nang umulan. Magmaneho nang mabagal kaysa sa speed limit kapag masama ang panahon. Kailangang nasa malayo kang distansya sa kasunod mong sasakyan para matiyak ang kaligtasan sa sandaling magluko ang brake ng sasakyan. Kung maaari ...

Being Single:Tips Kung Paano Maging Masaya

S ingle ka ba at gusto mong maging masaya? Hindi nga madali ang mag-isa lalo na't nasa mundo tayo kung saan kahit saan ka mapalingon ay mayroong may kasintahan o may  mag-asawa. Marami sa atin ay inuubos ang oras sa paghahanap ng taong magmamahal sa atin at mamahalin natin. Umaasa na darating ang panahon na mayroong isang tao na darating sa ating buhay at habambuhay tayong mamahalin. Sa mga panahong ganito, naitatanong mo sa iyong sarili. Pwede ka pa bang maging masaya?  from google image for illustration only Of course, all of us deserves to be happy? Kahit single ka pa. At hindi dahil mag-isa ka lang sa iyong buhay ay wala ka nang karapatang maging masaya. Mahirap man hanapin ang kaligayahan ay walang dudang mapapa sa'yo rin ito. Here are some tips on how to a happy single person. Maging positibo sa buhay. Imbes na isipin ang mga pangit na dulot ng pag-iisa ay sa halip isipin mo ang mga magagandang bagay na pwedeng ibigay nito sa iyo. Una na ang independence, s...