Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Bath Salts

Masamang Epekto Ng Bath Salts

Wow! Ang yaman mo naman, may bath tub kayo? Pero paalala sa mga mahilig magbabad sa bath tub lalo’t kung mahilig kayong maglagay ng bath salt- Alam ninyo bang may masamang epekto yan sa utak? Sa katunayan, ipinagbawal na ang bath salts na karaniwang inilalagay sa bath tub kapag nagbababad roon dahil ang epekto raw nito sa utak ay masama. Para din daw kasi tayong naka-droga. Kahit na napadadalaas ang pagdating  ng bagyo, hindi pa rin natin magawang ipagpaliban ang paliligo. Kahit napakalamig ng panahon, lagi pa rin tayong nanlalagkit kaya ibig nating laging pumasok ng banyo para maligo. Kung minsan, ayaw na nating umalis ng banyo. Kung pupunta tayo ng hotel o mayroon tayong bathtub ay parang gusto nating gugulin ang ating oras sa pagbababad doon. Para maging maginhawa ang ating pakiramdam, maglalagay pa tayo ng bath salts. Nakatutulong ito para guminhawa ang ating pakiramdam lalo na at sobra ang bango noon. Kung mayroon ka ngang bath tub, siguradong nanaisin mo a...