Skip to main content

Posts

Showing posts with the label tsaa

Green Tea: 13 Dahilan Bakit Mabuti Ito Sa Katawan

--> Paborito ng marami ang pag-inom ng tsaa, isa na rito ang green tea. Masarap kasing uminom ng tsaa kapag nag-re-relax sa hapon. At alam ninyo bang hindi lang basta masarap uminom ng tsaa, marami din itong naibibigay na mabuti sa ating katawan. Ito ang 13 Dahilan bakit kailangan mong uminom ng green tea: 1. Nakakapagpababa ng timbang o nakakapagpanatili ito ng normal na bigat ng iyong katawan. 2. Pinabababa nito ang iyong blood sugar levels. 3. Pinapabuti nito ang kalusugan ng iyong utak. 4. Pinabababa nito ang iyong cholesterol level. 5. Makakaiwas ka sa cancer. 6. Makakatulong para maging normal ang iyong blood pressure. 7. Makakaiwas ka sa pagkasira ng iyong ngipin. 8. Makakaiwas ka sa sakit sa puso. 9. Magiging maganda ang iyong kutis. 10. Nilalabanan nito ang aging. 11. Pinapatibay nito ang iyong buto. 12. Nilalabanan nito ang depresyon. 13. Isa rin itong anti-viral at anti-bacterial agent. Inom na ng green tea . -->

4 Na Tsaa Para Sa Kalusugan (TEA FOR HEALTH)

Mabisa sa pagpapagaan ng pakiramdam ang tsaa o tea . Nakapagpapababa ng stress level ito. Bukod pa riyan, marami pang health benefits ang makukuha sa pag-inom ng tsaa . Ilang libong taon na rin ang nakalilipas, ang tsaa pa rin ay itinuturing na isang masustansyang inumin. Ano nga bang tsaa ang dapat na inumin para sa kalusugan ng ating katawan? Ito ang apat na tsaa para sa kalusugan na dapat ikonsumo sa araw-araw. Darjeeling Tea. Ito ang world’s finest tea ayon sa ulat ni Oprah. Ang tsaa na ito ay makikita sa kabundukan ng Darjeeling India. Benepisyo: Mahigit 15 hanggang 20 porsyento ng populasyon ang tinamaan na ng bacterium na kung tawagin ay  H. pylori. Ang bacteria na ito ay nagdudulot ng chronic stomach disease, at kanser sa tiyan. Ngunit ayon sa pag-aaral ang tsaa na ito ay mabisa upang labanan ang pagdami ng ganitong klase ng bakterya. Oolong Tea . Semi-fermented ang pagpoproseso sa dahon ng Oolong. Ang mga dahon ng chinese tea na ito ay maiging dinudur...