Skip to main content

Posts

Showing posts with the label buying tips

Tips Sa Pagbili Ng Camera

Parte na ata ng buhay ngayon ng isang Pinoy ang magpa-litrato o kumuha ng litrato ng mga kung anu-anong bagay sa paligid nila o ng mukha nila mismo pagkatapos ay i-a-upload sa kanilang facebook, instagram o twitter. Likas kasing masiyahin ang mga Pinoy- kaya isa sa mga gadget na hindi pwedeng mawala sa Pinoy ay ang camera .  Para naman sa mga nagbabalak bumili ng camera. Ito ang ilan sa mga Tips Sa Pagbili nito at kung ano ang mga dapat mong isaalang-alang bago ka magbasag ng piggy bank mo.  Megapixel Ng Camera  Mas mataas na megapixel mas malinaw ang kuha ng imahe. 'Yung camera na mayroong 5 megapixel ay ayos na pero kung nais mo ng mas malinis na kuha ay bumili ka ng mas mataas pa dito kung may budget ka.  ISO  Ito ay tumutukoy sa kapasidad ng camera na kumuha ng malinaw sa madidilim na lugar. 'Yung mga camera na pwedeng i-adjust sa mataas na ISO ( mga 1600 pataas) ay malinaw ang kuha kahit pa nasa loob ka ng isang kwarto na may limi...

Mga Patok At Murang Giveaways Ngayong Christmas

It's christmas time! Ang bilis talaga ng panahon. Ngayon nga'y aligaga na sa pagpunta sa Divisoria ang ilan sa atin para makabili ng patok at murang regalo o mga pang-giveaways para sa kanilang mga inaanak, kaibigan, kakilala, mga suki sa kanilang negosyo at kung sino-sino pa. Mura nga naman kasi sa Divisoria kung ikaw ay kukuha ng bulto-bultong pang-regalo. Pero kung hindi mo naman trip ang makipagsiksikan sa Divisoria ay pwede mo rin namang ikonsidera ang ilan sa mga itong pwede rin namang pang-giveaways ngayong nalalapit na pasko o kahit pa sa iba pang okasyon. Ang mga giveaways na ito ay maaari mong mabili sa aming print and personalized shop. Siguro'y isa nga rin itong uri ng promosyon para sa aming negosyo pero sa kabilang banda ay isa rin itong pagbabahagi ng Tips para sa mga mamimili na gaya mo. Personalized Keychain  Ang keychain na nagkakahalaga lamang ng 13 pesos per piraso ay magandang giveaways lalo't kung maliit lamang ang budget mo para sa m...

Tips Para Makatipid Sa Shopping Malls

Salamat sa konsepto ng malls, sapagkat dahil sa mga ito ay mayroon ng opsyon na makapamili ng mga nais bilhin, hindi lang sa uri kundi pati na rin sa brand ng produktong nais. Ito nga ay lugar kung saan masarap ang mag-shopping pero ito rin ay maaaring maging lugar kung saan paglabas mo wala ng pera ang iyong bulsa. Kaya maging wais ka sa pagsho-shopping sa malls . Ito ang ilang tips para makatipid ka katoto. Sale Ba Ngayon? Kung iyong tipo mong bilhin ay hindi pa kayang ma-afford ng iyong pera ay huwag nang ipilit pa. Huwag kang mag-alala kasi magse-sale din yang gusto mong item. Hindi mo alam, na ang mga boutique sa mall ay updated sa kung ano ang uso kaya kapag hindi na uso ang ibinebenta ay agad nilang binabagsak ang presyo ng mga ito para mabilis ng mabili. Para maging maagap  kung kailan ang sale sa mall ay magtingin-tingin ka sa diyaryo ng kanilang mga anunsyo. Pwedeng Mag-online Shopping Mas mababa ang presyo ng mga item na mabibili online. Pwede kang ma...

Tips Para Hassle-Free Ang Xmas Shopping

Marami ka bang inaanak na dapat ay regaluhan ngayong pasko? Ito ang tips para sa hassle-free na X-mas Shopping. Gumawa ng listahan . Makatutulong ang paggawa ng listahan ng mga dapat regaluhan ngayong pasko. Ilista sa isang papel ang mga pangalan nila. I-categorize mo para mas mainam. Listahan ng kamag-anak, inaaanak,kaibigan, kapamilya etc. Mas maigi rin kung ilalagay mo ang item na iyung ireregalo at ang budget mo para sa mga ito pati na kung saan mo ito bibilhin. Remember to stick with your budget, dalhin lang ang saktong pera na nakalaan para sa mga ito para hindi ka ma-carried away sa pamimili at gumastos ng higit sa budget na inilaan mo para sa mga reregaluhan. Take advantage of the Mall Promos and Sale . Hindi lang sa divisoria mura ang mga item. Maging sa mga boutique nang mall din. Kesa makipagsisiksikan sa tiangge ay mas mainam na maglibot libot sa mall lalo na't may sale o mga promos. Mas me kalidad pa ang iyung mabibili at kung minsan ay mas mura pa kesa ...

Xmas Gifts For Your Gf:Patok Na Panregalo Sa Iyung Gf Ngayong Pasko

Hirap ka bang maghanap ng pwede mong iregalo sa iyung gf ngayong pasko? Medyo stressful nga ang mag-isip ng kung anung pwedeng ibigay dahil iniisip mong baka hindi niya magustuhan. Pero sige, ito ang ilan sa mga gift item tips namin sa inyo katoto. Tiyak na patok na panregalo ang mga ito sa'yong mahal na girlfriend ngayong pasko. Bath and Body. Bumili ng gift sets o baskets ng bath at body products. Maraming available na bath and body gift baskets sa mga Bath and Body Works store sa mga shopping mall. Pumili ng masarap na amoy para sa gift set at bumili ng body wash, body lotion,body spray at iba pang produkto na may parehong masarap na amoy. Pagsama-samahin ito sa isang basket na may loofah o espongha at tiyak na ang iyong reregaluhan na gf ay kumpleto na sa kailangan niyang relaxing bath at shower gift. Maraming special deal ng sets na kumpleto na ang naturang items kung minsan limited edition pa. Ang mga Bath ang Body Works ay may special scents tulad ng Summer Cand...

Tips For Xmas:Para Di Ma-Stress Ngayong Pasko

Ramdam na ang tensyon ngayong Pasko lalo na lapag napadako ka na sa mga pamilihan at sa dnadayong mga tiange hindi lamang sa Divisoria na kapag nagtangka ka pumunta ay siguradong siksikan na ngayon ang mga tao roon. Ngayon pa lang. ngarag ka na kung ano iisa-isahin ang pag-aasikaso ng mga regalo, mga dekorasyon, ihahandang pagkain at mga programa para sa buong pamilya, kaibigan at katrabaho. Bukod sa stress sa bahay,gayundin ito sa mga aktibidad mo sa loob ng opisina. Paano kung ikaw ang naatasang maging tagapanguna sa Christmas Party. Huwag mong hayaan na ma stress ka, heto ang tips. Tips Para Hindi Ma-stress Ngayong Pasko Huwag umasa na perpekto ang gagawin mo at ng iba. Isipin ang pinakamasayang holiday memories nang hindi ka nag-iisip hinggil sa table setting o outdoor decoration kundi ang isip ay tanging sa loved ones lamang at makahulugang alaala. Magtakda ng prayoridad. Konsiderahin kung anong items,dekorasyon at tradisyon na para maging espesyal ang h...