Umiinom ka ba ng green tea tuwing umaga? Kung hindi pa, subukan mo na ito. Ito ang isa sa apat na tsaa na tunay nga namang may hatid na magandang benepisyo sa ating kalusugan. Hindi lang ito nagsisilbing antioxidant na panlaban sa cancer o tulong para ikaw ay makapagbawas ng timbang. Ang green tea ay may hatid na benepisyo na hindi mo dapat maliitin. Ayon sa pag-aaral, ito rin ay mabisa upang alisin ang mga lason sa ating katawan. Ayon sa isang artikulo ng Times India, ang pagkonsumo rin ng green tea ay nakatutulong sa ating makaiwas sa pagkasira ng ating ngipin o tooth decay. Sapagkat ang nilalaman nitong antibacterial ay nakalalaban sa dental plaque. Hindi ito alam ng marami sa atin. Ang antibacterial content ay nakatutulong bawasan ang toxins sa ating katawan at bakterya na mula sa ating mga kinakain. Kung stress ka na, ang green tea ay makatutulong para ikaw ay kumalma. Ang content na mayroon sa green tea ay nakababawas ng inflammation sa ating ...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc