Skip to main content

Posts

Showing posts with the label luya

Luya- Lunas Sa Diabetes (GINGER BENEFITS)

Hindi lang sangkap sa pagluluto ang luya para maging maanghang ang lutuin. Sapagkat matagal na panahon ng ang luya ay isa sa mga pagkaing may hatid na mabuting benepisyo rin sa ating kalusugan. Sa salitang Latin ito ay Zingiber officinale na isang traditional medicine para sa iba’t ibang uri ng karamdaman tulad ng muscle pain. Pero hindi lang muscle pain ang kayang remedyuhan ng luya sapagkat ayon sa mga siyentista ng University of Sidney Australia ay natuklasan nilang ito rin ay makatutulong sa mga pasyenteng may sakit na diabetes.  Tumutulong ang luya at mga nutrisyon nito sa pagpapabuti ng blood sugar level ng isang tao. Ang katas ng luya ay mayroong gingerol na kayang magpataas sa glucose patungong muscle cells para sa insulin production. Dahil sa tulong ng luya o ng ginger na mapabuti ang blood sugar level ng isang pasyenteng may diabetes ay naiiwasan ang paglaganap ng mga komplikasyon. Sa content na mayroon ang gingerol ay makaiiwas din ang katawan n...

Natural Foods Para Mawala Ang BODY TOXINS

May mga toxins mula sa ating mga kinain ang hindi madaling maalis sa ating katawan kaya nga’t kinakailangan natin ng detoxification para hindi hindi kumalat o dumami ang mga lason na ito sa ating katawan. Bukod sa pagpa-fasting, ang pagkonsumo ng mga masusustansyang pagkain o natura foods ay nakatutulong para ma-detoxify ang ating katawan. May mga pagkain na naghahatid ng benepisyo sa ating katawan upang ito’y malinis mula sa mga lason sa natural na paraan. Bukod sa pagkain, may mga inumin ding nakatutulong na maalis ang ating body toxins. Pwede mong isama sa iyong pagda-diet ang mga pagkain at inumin na ito para makatulong sa paglilinis ng iyong katawan mula sa mga toxins na nananatili pa rito. Ang watercress ay madalas na isama sa vegetable salad. Mayroon itong natural na diuretic properties at malaking tulong sa pagsugpo ng mga free radicals sa cells ng ating katawan. Liver cleanser din ito sapagkat mayroon itong tulong upang madagdagan ang ating energy enzyme....

Anti-Cancer Foods: Mga Pagkaing Panlaban Sa Kanser

Foods That Can Prevent Cancer Ito ang listahan ng mga pagkaing panlaban sa kanser ayon sa librong Anticancer: A New Way of Life ni Dr. David Servan-Scheider, leader ng Center of Integrative Medicine sa University of Pittsburgh School of Medicine from google image for illustration only Green tea . may sangkap na catechins na nagpapabagal sa paglaki ng tumor. Painitin ang green tea ng 5-8 minuto. Uminom ng dalawang basong green tea bawat araw. Non-caffeinated na green tea ang piliin at iyung walang side effect. from google image for illustration only Curry . Mabisa ang dilaw na curry bilang panlaban sa namamagang ugat. Base sa pag-aaral, malaking tulong ang curry sa mga taong nag che-chemotherapy para mapabagal ang paglaki ng bukol. from google image for illustration only Luya . Ang matinding amoy ng luya ay nangagaling sa sangkap na gingerols na gamot sa pagduduwal, pagsusuka, ubo, sipon, sakit ng ulo, sakit ng tiyan at arthritis na ilan sa mga sintomas ng cancer...

Ginger: BUTING DULOT NG LUYA SA NAGPAPA-CHEMOTHERAPY

IBINAHAGI ng mga eksperto ang benepisyong dulot ng pagdaragdag ng isang kutsaritang luya sa kinukonsumong pagkain sa mga araw bago at pagkatapos ng sesyon ng chemotherapy. Lumabas sa pag-aaral na ang bagay na ito ay may kakayahang makabawas ng brutal na side effects na nararanasan ng isang nagpapa-chemo. Habang ang chemotherapy ay nakapagpapakita ng masidhing pangako sa pagpapabuti ng kondisyon ng maraming uri ng cancer tulad ng pagkahilo at pagsusuka na nagiging dahilan ng maraming pasyente upang katakutan ang proseso. Gayunman, ang mga pasyente namang kumukonsumo ng luya sa naturang oras ay nakararanas ng 40% kabawasan ng nasabing mga sintomas. Ang kalahating gramo at isang gramo ay ang pinakamainam na rami ng tamang konsumuhin. - No Problem (Bulgar) ni Ms. Myra