Skip to main content

Posts

Showing posts from 2011

Xmas Biz Tips: Mga Patok Na Negosyo Ngayong Pasko

Nais mo bang kumita ngayong pasko pero hindi mo alam kung anu-ano ba ang pwede at patok na negosyo ngayong holiday season. Ito ang ilan sa mga maaari mong subukan katoto. Christmas Gift Wrapping . Kung hilig mo ang magbalot ng regalo, magsimula ka ng gift wrapping services. Ang negosyong ito ay nangangailangan ng malikhaing pag-iisip. Kaya't kung napaka-creative mo ay maaari mo itong pagkakitaan. Pwede kang maningil ng per oras o per balot ng regalo.  Tree Decorating Services . Tradisyon na ng mga pinoy ang paglalagy ng Xmas Tree sa kanilang bawat tahanan tuwing sasapit ang pasko. Kaya't pwede mo rin itong pagkakitaan. Patok na negosyo ito lalo na't mahusay ang iyong imahinasyon sa pagde-decorate ng Xmas tree. Pwede mong gamitin ang kanilang mga supplies sa pag-dedecorate o mag-offer ng iyong sariling pandekorasyon para mas kumita ka.  Home Decorating . Bakit hindi mo pa itodo ang iyong negosyo. Hindi lang Xmas Tree Decorating service ang pwede mong pagkakita

Tips Para Hassle-Free Ang Xmas Shopping

Marami ka bang inaanak na dapat ay regaluhan ngayong pasko? Ito ang tips para sa hassle-free na X-mas Shopping. Gumawa ng listahan . Makatutulong ang paggawa ng listahan ng mga dapat regaluhan ngayong pasko. Ilista sa isang papel ang mga pangalan nila. I-categorize mo para mas mainam. Listahan ng kamag-anak, inaaanak,kaibigan, kapamilya etc. Mas maigi rin kung ilalagay mo ang item na iyung ireregalo at ang budget mo para sa mga ito pati na kung saan mo ito bibilhin. Remember to stick with your budget, dalhin lang ang saktong pera na nakalaan para sa mga ito para hindi ka ma-carried away sa pamimili at gumastos ng higit sa budget na inilaan mo para sa mga reregaluhan. Take advantage of the Mall Promos and Sale . Hindi lang sa divisoria mura ang mga item. Maging sa mga boutique nang mall din. Kesa makipagsisiksikan sa tiangge ay mas mainam na maglibot libot sa mall lalo na't may sale o mga promos. Mas me kalidad pa ang iyung mabibili at kung minsan ay mas mura pa kesa

Xmas Gifts For Your Gf:Patok Na Panregalo Sa Iyung Gf Ngayong Pasko

Hirap ka bang maghanap ng pwede mong iregalo sa iyung gf ngayong pasko? Medyo stressful nga ang mag-isip ng kung anung pwedeng ibigay dahil iniisip mong baka hindi niya magustuhan. Pero sige, ito ang ilan sa mga gift item tips namin sa inyo katoto. Tiyak na patok na panregalo ang mga ito sa'yong mahal na girlfriend ngayong pasko. Bath and Body. Bumili ng gift sets o baskets ng bath at body products. Maraming available na bath and body gift baskets sa mga Bath and Body Works store sa mga shopping mall. Pumili ng masarap na amoy para sa gift set at bumili ng body wash, body lotion,body spray at iba pang produkto na may parehong masarap na amoy. Pagsama-samahin ito sa isang basket na may loofah o espongha at tiyak na ang iyong reregaluhan na gf ay kumpleto na sa kailangan niyang relaxing bath at shower gift. Maraming special deal ng sets na kumpleto na ang naturang items kung minsan limited edition pa. Ang mga Bath ang Body Works ay may special scents tulad ng Summer Cand

Gift Items Tips:Mga Pwedeng I-regalo Sa Katrabaho

Exchange gift na naman ba sa opisina?Wala kang ideya kung anu-ano ang pwede mong iregalo sa iyong monito o monita? Ito ang ilan sa mga pwedeng gift item mo para sa iyong katrabaho. Here are some tips for you. A simple list of gift items for your colleagues: 150 Php Gift Items. Hindi na karaniwan na hanggang P150 lang ang budget ng ibang office exchange gift. Kahit na ganyan lang ang budget, marami pa namang magagandang gifts para sa katrabaho. Isang scented candles,ballpen o isang set ng office supplies ay pwede na. Isang key ring na lalagyan ng litrato mo o keychain ay okey na rin. Isang personalized coffee cup ay tanggap na ng mga mahihilig uminom ng kape, isang coaster na magagamit para lalagyan ng office supplies. 200 Php-250 Php Gift Items. Pwedeng decorative na candle holder at i-match na lang sa kanyang taste. Ang colonial candle ay may tea light holder na may dekorasyon at praktikal. Kung mahilig siyang magdisplay ng litrato sa kanyang desk ay isang gift idea i

Tips For Cellphone Users:Para Hindi Magka-Brain Tumor

Siyam sa sampung tao ang nagmamay-ari ng cellphone kung saan hindi pa kasama rito ang iba pang devices tulad ng cordless phones,iPads,kompyuter atbp.  Ang mga may cellphone ay tinatayang punumpuno ng tinatawag na non-ionizing radiation,isang uri ng enerhiya na sa unang pagkakataon ay opisyal ng ikinakabit sa banta ng cancer. Ang industrial chemical na nakukuha mula sa pauli-ulit na paggamit ng cellphone kung saan nakapagpapataas ito sa banta ng cancer. Tips For Cellphone Users to Prevent Brain Tumor Ang mga taong madalas makipag-usap gamit ang cellphone ang malapit sa banta ng tumor sa utak. Gayunman, magagawang protektahan ang sarili sa pamamagitan ng mga sumusunod: Bahagyang ilayo ang telepono sa tainga. Karaniwang nagbababala ang manual ng bawat cellphone na mas mainam kung ilalayo ito sa tainga sa tuwing may kausap. Mas mahusay din kung gagamit ng earphone o i-speaker phone mode ito. Maghanap ng malakas na signal. Higit na nagkakaroon ng mataas na level

Tips For Xmas:Para Di Ma-Stress Ngayong Pasko

Ramdam na ang tensyon ngayong Pasko lalo na lapag napadako ka na sa mga pamilihan at sa dnadayong mga tiange hindi lamang sa Divisoria na kapag nagtangka ka pumunta ay siguradong siksikan na ngayon ang mga tao roon. Ngayon pa lang. ngarag ka na kung ano iisa-isahin ang pag-aasikaso ng mga regalo, mga dekorasyon, ihahandang pagkain at mga programa para sa buong pamilya, kaibigan at katrabaho. Bukod sa stress sa bahay,gayundin ito sa mga aktibidad mo sa loob ng opisina. Paano kung ikaw ang naatasang maging tagapanguna sa Christmas Party. Huwag mong hayaan na ma stress ka, heto ang tips. Tips Para Hindi Ma-stress Ngayong Pasko Huwag umasa na perpekto ang gagawin mo at ng iba. Isipin ang pinakamasayang holiday memories nang hindi ka nag-iisip hinggil sa table setting o outdoor decoration kundi ang isip ay tanging sa loved ones lamang at makahulugang alaala. Magtakda ng prayoridad. Konsiderahin kung anong items,dekorasyon at tradisyon na para maging espesyal ang h

Tips For Women With Vaginitis: Sintomas at Lunas

Ang vaginitis ay iba-iba ang sanhi subalit ang pinakamadalas ay impeksyong dala ng fungus (Candida Albicans), parasite (Trichonomas Vaginalis) at bakterya (Gardnerella). Ang tatlong nabanggit ay parehong may mabahong discharge sa puwert@ at pangangati nito. (sabi ni doc Shane M. Ludovice MD) Ito ang ilan pa sa mga sanhi ng Vaginitis: allergic sa fabric underwear, unhygienic condition,frequent and vigorous intercourse, over m@sturbation, pelvic inflammatory disease, foreign body in vagina, menoupause  Ito naman ang ilan sa mga Tips para sa natural na paraan para malunasan ang Vaginitis: Uminom ng 4 oz ng purong cranberry juice araw araw upang labanan ang bakteryal Vaginitis. Panatilihin ang good hygiene. Ito pa rin ang unang mabisa at natural na paraan para makaiwas sa sakit na ito. Siguraduhing malinis ang isinusuot na underwear. Ang ilan sa mga deterget residue ay maaaring mag sanhi ng pangangati ng iyung pwert@ kaya't mainam na laging magsuot nang underwear na t

7 Signs Of Hormonal Imbalance: Tips Upang Malaman Ng Babae Kung Meron Siya Nito

Mainam sa isang babae ang pagkonsulta sa doktor tungkol sa banta ng hormonal imbalance kung saan ilan sa mga sintomas ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Nakararamdam ng pagod sa lahat ng oras ng walang malinaw na dahilan. Nakararanas ng chronic headache. Walang gana o interes sa pakikipagtalik. Nakararanas ng depresyon at nagiging malungkutin. Naglalagas na buhok. Nahihirapang mag-concentrate. Hirap makapagbawas ng timbang .  (source: No Problem ni Ms. Myra) Pagbabago sa Iyong Lifestyle . Disiplina sa sarili ang kailangan. Umiwas sa bisyo. Iwasan ang pag-inom ng alcohol at ilan sa mga inuming may caffeine. Matulog ng 7 hanggang 8 oras. Mag-take ng bitamina B C D E. Mahalaga rin at makatutulong ang breathing exercise. Mag-diyeta. Mag-ehersisyo araw araw. Ugaliing uminom ng tubig pagkat lagi ka dapat na hydrated. Mainam din ang yoga at meditation. Madaling sabihin na kaya mong magawang baguhin at itama ang iyong lifestyle pero mahirap itong gawin kung wala kang

Tips For Menopause Women: Natural Na Paraan Upang Kontrolin Ang Hot Flashes

Ikaw ba ay menopause na at dumaranas na nang kung tawagin ay hot flashes? Ito ang ilan sa mga natural na paraan para ito ay mokontrol. Pagkonsumo ng Soy. Ayon sa pag-aaral ang soy ay nagtataglay ng natural plant hormones na nakapagpapaiwas sa blood vessel sa banta ng hot flashes. Mabuti ang regular na pagkonsumo ng soy beans o di kaya nama'y pag-inom ng soy milk.  Lose Weight.  Mas nagiging maganda ang kondisyon ng katawan kung malusog at nasa tama itong sukat na tinatayang nakagpapaliit sa banta ng mga di kagandahang sintomas ng pagme-menoupause. Wear cotton clothes. Ang cotton ay isang uri ng tela na maginhawa sa katawan na nakapagtataboy sa banta ng hot flashes.  Shower Daily. Makatutulong ang madalas na pagsho-shower sa tuwing makararamdam ng init. Mainam din ang pagtapat ng mga braso at siko sa malamig na tulo ng tubig sa gripo.  Drink cold water. Ang pag-inom ng malamig ay nakapagpapakalma sa katawan mula sa loob na nakapagpapababa rin sa temperatura sa mabilis

Foot Fungus: Sintomas at Lunas

Foot Fungus . Malaki ang tsansa na magkaroon ka ng foot fungus kapag naipon ang mga dead cell sa bahaging ito ng paa. Ang keratin na nakikita sa dead cells ang nagiging pagkain ng fungus. Ang fungal infection ay nagsisimula kapag mahina ang iyung immune system. May dalawang uri ng foot fungus Onychmycosis kung ang apektadong bahagi ay ang iyung kuko. Tines pedis kung ang apektado naman ay ang balat sa paa. Mabilis makahawa ang taong mayroon nito, madaling napapasa sa pamamagitan ng physical contact tulad ng paggamit ng public bath, swimming pool o gymnasium. Sintomas ng Foot Fungus Pangangati sa gitna ng daliri sa paa. Tipong maraming tuklap na balat sa bahagi ng paa. Pag-iiba ng kulay ng mga kuko sa paa. May hapdi at pamumula sa apektadong bahagi ng paa Prevention and Cure to Foot Fungus Siguraduhing ang paa ay tuyo at malinis kung ikaw ay galing sa sa swimming pool o katatapos lang mag work out sa gym Magsuot ng cotton socks at mag

UTI Natural Remedies: Epektibo At Natural Na Lunas

Nabasa mo ang tungkol sa sakit na U.T.I ( Urinary Tract Infection) . Ngayon naman ito ang mga ilan sa natural na lunas at maaari mong subukan para sa sakit na ito: Ang tulong ng baking soda . Paghaluin ang 1/2 tsp na baking soda sa 8 ounce na basong tubig. Ang pag-inom nito ay nakakatulong para sa mga unang sintomas ng uti. Ang presensya ng baking soda sa katawan ay nakakadagdag sa acid-based balance ng acidic urine.  Uminom ng maraming tubig . Maigi ang pag-inom ng maraming tubig sapagkat nililinis nito ang ating katawan sa pamamagitan ng pag-dilute at pag-flushout ng mga hindi kanais-nais na substansya sa loob nito.  Pag-inom ng cranberry juice . Mahusay ito sa panlaban ng impeksyon, pinipigilan nito ang pagkapit ng mga bakterya sa cell na malapit sa daluyan ng ihi. Mas maigi ang fresh cranberry juice para sa bladder infection kaysa sa bottled cranberry juice. Pero kung walang makitang mabiling sariwang prutas na cranberry ay piliin ang mga bottled cranberry juice na ma

Weight Gain: Tips Para Madagdagan Ang Timbang

W eight Gain . Marahil nga mas marami ang gustong pumayat kesa magpataba pero ang totoo hindi ganun kadali  ang magdagdag ng timbang tulad rin ng kung paano gustong magpapayat ng ilan. Disiplina sa sarili ang kailangan rin para sa mga gustong madagdagan ang kanilang timbang. Here are some tips on how you can gain weight the natural way: from google image for illustration only Iwasan mo ang mga heavy exercises o iyong mga ehersisyo na kinakailangan ng masyadong pagpapawis This will not help you to gain weight. Imbes na ikaw ay tumaba ay lalo ka lang papayat.  Limitahan mo lamang ang iyong pag-eehersisyo sa pagpu-push up,stretching,pull-ups,jogging,atbp maliban sa weight lifting. Ang mga aerobic exercise na ito ay nakakadagdag sa iyong appetite na ang resulta ay pagdagdag sa iyong timbang. Iwasan mo ang pagkain ng mga hindi masusustansyang pagkain tulad ng junk foods, o pagkain ng sobrang keso o mantikilya.  Ang dapat idagdag mo sa iyong pagkain ay ang mga ito; cereals, pru

Sauna Bath: Ang Benepisyo Nito Sa Mga Nagpapapayat

Sauna Bath . Malaki ang benepisyong hatid nito sa'yo lalo na't ikaw ay nagpapapayat o ikaw na madalas mag-workout. Hatid nito ay ginhawa sa pakiramdam at pantangal ng stress. At kapag hindi ka stress, marami kang mararanasan na pagbabago sa iyong sistema tulad ng mga ss: pag-normal ng blood pressure iwas sakit ng ulo lagi ka pang in good mood from google image for illustration only  Weight Loss Benefit Ng Sauna Sauna nga ang isa sa mga epektibong paraan para ma-burn ang calories. At dahil dyan, tunay ngang malaking tulong ito sa iyong pagpapapayat. Ayon sa pag-aaral, ang sauna ay nakatutulong na maalis ang mga excess salt sa ating katawan dahil sa pagpapawis natin sa loob ng sauna bath. At para mas lalong maging epektibo ang iyong pagpapapayat ay bawasan mo ang iyong salt intake sa araw-araw. Iba Pang Benepisyo Ng Sauna: Pina-iigi rin nito ang ating immune system na siyang tumutulong sa ating katawan para hindi tayo magkasakit. Cleansing at purif

Being Single:Tips Kung Paano Maging Masaya

S ingle ka ba at gusto mong maging masaya? Hindi nga madali ang mag-isa lalo na't nasa mundo tayo kung saan kahit saan ka mapalingon ay mayroong may kasintahan o may  mag-asawa. Marami sa atin ay inuubos ang oras sa paghahanap ng taong magmamahal sa atin at mamahalin natin. Umaasa na darating ang panahon na mayroong isang tao na darating sa ating buhay at habambuhay tayong mamahalin. Sa mga panahong ganito, naitatanong mo sa iyong sarili. Pwede ka pa bang maging masaya?  from google image for illustration only Of course, all of us deserves to be happy? Kahit single ka pa. At hindi dahil mag-isa ka lang sa iyong buhay ay wala ka nang karapatang maging masaya. Mahirap man hanapin ang kaligayahan ay walang dudang mapapa sa'yo rin ito. Here are some tips on how to a happy single person. Maging positibo sa buhay. Imbes na isipin ang mga pangit na dulot ng pag-iisa ay sa halip isipin mo ang mga magagandang bagay na pwedeng ibigay nito sa iyo. Una na ang independence, sa

Freelance Jobs Philippines: Alin Sa Mga Ito Ang Patok Na Pagkakitaan

Freelancer ka ba? Ito ang ilan sa mga patok na trabaho na pwede mong pagkakitaan sa Pilipinas.  from google image for illustration only Translator From Home Pwedeng-pwede kang maging isang translator habang ikaw ay nasa bahay. Maraming mga employer ang naghahanap ngayon ng mga freelance translator na kayang-kaya mong gawin online. Madalas mga website, articles at subtitle para sa mga pelikula ang iyong gagawin. Kailangan lamang ay marami kang alam na iba pang language bukod sa Tagalog partikular na ang salitang ingles. Freelance Writing Hindi na lang sa mga tabloid o newspaper maaari kang kumita bilang manunulat dahil pwede mo na ring subukan ang magsulat ng mga artikulo online . Maraming mga website ang naghahanap ngayon ng mga writers tulad ng Squidoo, Triond, Hubpages at marami pang iba. O ikaw mismo ay subukan mong magkaroon ng sarili mong website o blog at kumita mula sa mga patalastas gaya ng google adsense, nuffnang, infolinks atbp.  Real Estate Mark

Free Psychic Tips: Para Makadama Ng Paranormal Activity

Ang Psychic o medium ay mga taong sinasabing kayang makadama ng mga paranormal activity tulad ng multo at mga nakikita niyang mga mangyayari in the future o sa nakaraan. Ang ilang tao ay isinilang na may ganito nang pakiramdam o gifted na talaga, bagamat ang mga professional na clairvoyant ay nagsabi na namamana umano ang naturang abilidad tulad din ng husay sa paglalaro ng basketball.  Naniniwala ang maraming pro psychic na kung papraktisin ang ilang ehersisyo ay may tsansa ang indibidwal na ma-develop ang psychic abilities .  from google image for illustration only Free tips on how to develop your psychic abilities: Mag-meditate mag-isa sa isang tahimik na silid. Isara ang iniisip at damdamin sa anumang bagay sa halip ay mag-focus nang todo sa sarili sa mga oras na iyon.  Dumampot ng mga maliliit na bagay mula sa bahay. Pag-aralan nang malapitan ang bagay. Ang matitigan ng husto ang kanyang kabuuang hugis at damdamin maging ang kanyang mga kapintasan ay mahalaga

Wart Removal: Iba't Ibang Uri at Mabisang Pantangal Kulugo

Kulugo o Wart - ito ay isang uri ng impeksiyon sa balat at katabing mucous membrane na dala ng human papillomavirus. Dahil sa virus ang sanhi nito, posibleng naihawa ito sa iyo ng isang kasamahang may kulugo. Ito ay karaniwang nakikita sa iba't ibang bahagi ng katawan tulad ng mukha,leeg,kamay,braso,paa,puwerta,anus at iba pa. from google image for illustration only Anu pa man ang iyong edad ay maaari kang magkaroon nito. There are different types of wart . May agad na nawawala kapag ginamot at mayroon namang nangangailangan pa ng mas agresibo at matagalang paggagamutan. Ang wart bukod sa hindi kaaya-ayang makita lalo na't sa mukha o leeg ay madali ring kumalat, lalo na kung ito ay kinakamot.  Plantar wart-kulugo na tumutubo sa talampakan. Palmar wart-ito naman ay sa palad tumutubo. Venereal wart/ genital warts - maging sa ari. Ang paggagamutan sa kulugo ay depende sa lokasyon nito,sukat,bilang,edad ng pasyente at medical history. Madali lamang alisi

Keyboarding Practice: Tips Para Bumilis Mag-Type

Ito ay email mula kay My Binondo Girl na humihingi ng payo tungkol sa  Keyboarding Practice  Maraming beses po akong hindi matanggap tanggap sa call center dahil po sa mabagal po akong mag type gamit ang pc keyboard. Iyun po pala ang isa sa mga requirement nila para makapasa. Dapat po kasi ay at least 30 words per minute o mataas pa ang makuha score. What should I do to increase my speed and accuracy on keyboarding? Any tips Katoto. Thanks Keyboarding Practice Tips Para Bumilis MagType at Maperpekto Ito Maraming salamat My Binondo Girl sa iyong pagtangkilik. Tama ka, isang malaking factor para matanggap ka sa call center ang Typing Skill bukod sa dapat ay magaling ka rin sa komunikasyon sa wikang ingles. Ang trabaho kasing ito ay nangangailangan ng multi-tasking ability. Halimbawa: habang nagbibigay ng detalye ang iyong customer ay kailangan nai-ta type mo na ang mahahalagang impormasyon na kanyang ibinigay para maresolbahan mo ang kanyang inquiry.  Mga katoto,

Cures For Lupus: Mga Natural Na Lunas Sa Sakit Na Lupus

Ang sakit na lupus ay isang kondisyon na umaatake sa ating mga healthy cell at tissue kapag ang ating immune system ay na-kompromiso. Ang ating immune system ang siyang nangangalaga sa ating katawan mula sa mga sakit at karamdaman, ngunit may mga pagkakataong kapag tinamaan ang ating katawan ng sakit ay may reaksyon ang ating immune system na atakihin pati ang ating healthy cells at tissues. from google image for illustration only May iba't ibang uri ng Lupus : Different types of Lupus Systematic Lupus Erythematosus - may kakayahang maapektuhan ang iba't ibang bahagi ng ating katawan. Dicoid Lupus Erythematosus - madalas na pamamantal ng balat.  Subcacure cutaneous lupus Erythematosus - pagkakaroon ng skin sore sa balat na bilad sa araw.  Drug-induced Lupus -sanhi ng mga gamot o medikasyon. Neonatal Lupus - mga kakaibang variation na nakakaapekto sa mga sanggol. Sintomas ng Lupus Symptoms of Lupus Hugis paro-parung pantal na makikita sa

Printing Business: 5 Paraan Para Kumita Rito

Alam mo bang ang printer mo ay pwedeng magbigay sa'yo ng part time na pagkakakitaan o maliit na negosyo? Maaari kang kumita sa isang buwan ng higit 5,000 pesos. Hindi na masama para sa madaling sideline. Alamin ang iba't ibang ideya sa pagkakaroon ng isang printing business . from google image for illustration only Ito ang 5 paraan para kumita at makapagsimula ng printing business kahit nasa bahay ka lang. 5 Printing Business Ideas 1. Printing Documents . Samantalahin ang panahon ng eskwela, maraming mga proyekto at homework ang mga estudyante ngayon na nangangailangan ng printer . Ilan sa mga madalas na ipa print ng mga estudyante ay research paper, baby thesis, term paper, at marami pang iba. Alam mo bang sa 10 estudyante, 3 lamang sa mga ito ang may printer sa bahay. Kaya't tiyak na patok ito lalo na't ang bahay mo ay malapit sa pampublikong eskuwelahan. 2. Resume Printing . Kung may alam ka sa paggawa ng resume ay maaari ka ring mag-alok

Tutoring Business: Paano Magsimula at Kumita?

Tutoring Business  Kung ikaw ay may mga kakayahan na magbahagi ng iyong husay,kaalaman at talento sa mga bata, teenagers o adults ay maaari ka ngang kumita sa pagtu-tutor. Alam mo bang maaari kang kumita ng hindi bababa sa 400 pesos kada oras sa pagiging isang Tutor? Magandang sideline hindi ba? from google image for illustration only Get Started Alamin ang iyong kakayahan. Ikaw ba ay magaling sa English, maaari kang magturo sa mga korean exchange student dito sa Pilipinas. Kilala ang mga pinoy sa pagsasalita ng english kaya't tiyak na hindi ka mahihirapan. Basta't alam mo ang kakayahan mo, madali kang makapagsisimula ng sideline na ito. In demand din ang mga math tutor dito sa Pilipinas pati na rin iyung may mga kakayahan sa pagluluto na pwede ring mag-offer ng private cooking lessons while at home. Tunay nga namang kapag marami kang skills, hindi ka pwedeng hindi kumita dito sa Pilipinas.  Promote It's easy, sa panahon ngayon madali nang mak

Varicose Veins: Mga Natural Treatment Para Rito

Varicose Veins? Problema mo ito lalo na't may outing ang barkada na kinakailangan mong magsuot ng bikini o swimming trunks. Nakakahiya naman kasing makita nila ang tinatago mo sa iyong binti. Iyun na nga ang varicose veins na kung para sa iba isa lang itong cosmetic problem pero sa ilan din isa itong nakakatakot na problemang pangkalusugan Ang sanhi ng varicose veins ay Venous insufficiency . Sabi ni Dr.Vicky Belo, kilalang dermatologist ng mga sikat na artista "70 porsyento ng mga babae ang dumaranas ng varicose veins habang 30 porsyento naman ang mga lalaki" (Salamat Dok) from google image for illustration only What About Varicose Veins? Ang varicose veins ay karaniwang nakikita sa lower extremities na hitsurang naka-alsang mga ugat na parang buhol buhol ang hitsura. Karaniwan nga sa lower extremities makikita dahil sa mas madalas tayong naglalakad at nakatayo na siyang nagdudulot ng presyon sa ating mga veins.  Varicose Vein: Risk Factors an

Anti-Cancer Foods: Mga Pagkaing Panlaban Sa Kanser

Foods That Can Prevent Cancer Ito ang listahan ng mga pagkaing panlaban sa kanser ayon sa librong Anticancer: A New Way of Life ni Dr. David Servan-Scheider, leader ng Center of Integrative Medicine sa University of Pittsburgh School of Medicine from google image for illustration only Green tea . may sangkap na catechins na nagpapabagal sa paglaki ng tumor. Painitin ang green tea ng 5-8 minuto. Uminom ng dalawang basong green tea bawat araw. Non-caffeinated na green tea ang piliin at iyung walang side effect. from google image for illustration only Curry . Mabisa ang dilaw na curry bilang panlaban sa namamagang ugat. Base sa pag-aaral, malaking tulong ang curry sa mga taong nag che-chemotherapy para mapabagal ang paglaki ng bukol. from google image for illustration only Luya . Ang matinding amoy ng luya ay nangagaling sa sangkap na gingerols na gamot sa pagduduwal, pagsusuka, ubo, sipon, sakit ng ulo, sakit ng tiyan at arthritis na ilan sa mga sintomas ng cancer