Skip to main content

Posts

Showing posts with the label kaalaman

Kaalaman Tungkol Sa MALE VASECTOMY

Ang vasectomy ay isang ligtas at epektibong paraan para hindi na magdalantao si misis. Paano ito ginagawa? Simple lamang ang operasyon na ito at hindi dapat ikatakot. Pinuputol ang tubo ng semilya ng lalake ( vas deferens), lalagyan ng anesthesia bago ito isagawa at natatapos sa loob ng 30 minutos. Kahit na-vasectomy na ang isang lalaki, hindi ito magiging sagabal sa sex life nilang mag-asawa at wala itong masamang epekto kay mister. May semen pa rin na lalabas sa lalaki subalit wala itong semilya o sperm cells na siyang dahilan para mabuntis ang ka-partner nito. Kaya kung sa tingin ninyo ay sapat na ang inyong anak at ayaw ni misis magpa-ligate ay walang masama kung si mister ang magpa-vasectomy. Source of info: Dr. Shane Ludovice, bulgar.com.ph, email dok@bulgar.com.ph

FB AT TWITTER: Pangontra Sa SUICIDE?

Sabi sa pagsasaliksik, maaawat ang teenager sa kanyang pagpapakamatay o suicide kung lagi siyang gumagamit ng FB, Twitter , at kung anu-ano pang social networking sites . Wala naman 'yang ginawa kundi mag-fb at mag-twitter, ito ang kalimitang reklamo ng mga magulang sa kanilang anak, sabay iling. Kung minsan kasi dahil sa maghapon nilang pagbababad sa computer ay nakalilimutan na nilang mag-aral. Kaya kalimitan ay nagsisipagbababaan ang kanilang mga grado. Ngunit kahit ganun, may kabutihan pa ring dulot ang FB o Twitter. Sa pamamagitan nito ay hindi na maiisipan ng teenager ang mag-suicide. Alam na alam natin na sa pamamagitan ng social media sites ay nagagawa nating mailabas ang galit at sama ng loob maging ang ating mga kabiguan. Sa pamamagitan nito ay mababawasan ang paghihirap ng kalooban natin. 'Yun nga lang kapag sobra na ang sakit na nararamdaman natin, hindi na maiwasan pa na maisipan ang mag-suicide. Kung minsan ay sobra tayong emosyunal na pakiramd...

Menopausal Stage Sa Mga Babae Pwede Nang Mapigilan

Maraming bagay sa mundo ang hindi kayang iwasan ng tao lalo na ng mga kababaihan tulad na lang ng panganganak o pagkakaroon ng buwanang dalaw. Kahit na magpakalalaki pa sila ay tuloy tuloy pa rin nilang mararanasan ito. Isa pang pangyayari na nagaganap sa mga kababaihan lalo na sa mga nagkaka-edad na ay ang pagme-menopause nila. Subalit, lumalabas ngayon sa pag-aaral ng mga eksperto na maaari nang matigil ang menopausal stage sa mga kababaihan. Ayon sa ginawang pag-aaral, ang mga kababaihan ay magagawa nang mapigil ang pagkakaroon ng menopause nang sa ganun ay maaari pa silang magka-anak kahit hindi na sila ganun kabata. Ito ay sa pamamagitan ng mas maayos na medical treatment na ginagamit sa mga may edad ng pasyente. Ayon sa scientist at writer na si Aarathi Prasad, ipinaliwanag niya na walang ibang hayop na naninirahan sa mundo ang humihinto sa pagbibigay ng supling kaya naisip nilang pag-aralan ang paraan upang ang mga tao ( highest form of animal) ay mapigil din ang kan...

Pamahiin Sa Kasal Sa Ibang Bansa (Wedding Superstition)

Hindi lang ang mga Pinoy ang naniniwala sa pamahiin ng kasal . Syempre may iba't ibang paniniwala o pamahiing sinusunod ang mga dayuhan. Heto ang ilan: Ang paglalagay ng bride ng sugar cube sa kanyang gloves ay magdadala ng tamis sa kanilang relasyon, ayon sa Greek Culture. Sa England naman, pinaniniwalaan na kung makakakita ng gagamba ang bride sa kanyang pangkasal, siya ay suswertihin. Binubuhat ng groom ang kanyang bride pagpasok sa kanilang bahay para protektahan ito sa mga evil spirit. Pinag-aaralan ng mga ancient Roman ang bituka ng baboy para malaman kung kailan ang pinaka-maswerteng araw para maikasal. Para swertihin, ang mga babae sa Egypt ay kinukurot ang bride sa araw ng kanyang kasal. Ang mga bride mula sa Middle East ay naglalagay ng henna sa kanilang mga kamay para maprotektahan sila mula sa evil eye. Nagmi-milk bath ang mga  Moroccan woman para maging dalisay sila bago ang seremonya sa kasal. Itinatanim sa labas ng bahay ng bagong kasal ang isang pine ...

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Bakit June 12 Ang Independence Day Sa Pinas?

Bakit June 12 ang napiling maging selebrasyon ng Philippine Independence Day? Kung iyong mapapansin, dalawa ang petsa sa araw ng ating kasarinlan, June 12 at July 4. Kung iisipin nating mabuti, hindi naman tayo tuluyang naging malaya matapos ideklera ni Aguinaldo ang ating pagiging independent. Bagkus, naging isang malayang bansa tayo noong July 4, 1946. Maaaring mapapaisip ka nga kung bakit pero base sa Presidental Proclamation No. 28 na idineklara ni President Diosdado Macapagal, mas magiging makabuluhan ang ating pagdiriwang ng kasarinlan ng ating Inang Bayan kung ito ay ililipat sa June 12 dahil masasalamin dito ang mga paghihirap na dinanas ng mga Pilipino at ang pakikipaglaban na kanilang hinarap makamit lamang ang hinahangad na kalayaan. Mas maisasapuso nga naman ng mga kabataan ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa ating bayan. Subalit, mayroon namang ilang nagsasabi na mali ito dahil paano naman daw ang mga nagbuwis ng buhay sa mga kamay ng Amerikano...

Kaalaman Tungkol Sa Takot (FEAR)

Ayon sa pag aaral ang tao ay may kakayahan na makaamoy ng takot o panganib. Sa pagdaragdag, ang amoy ng takot ay nakakaapekto din sa  emosyon ng ibang tao. Sa pag aaral na ito ay sumasalungat sa paniniwala na sa pagsasalita at sa nakikita lamang ang basihan ng komunikasyon ng tao sabe ni Gun Semin at ang kasamahan nya sa Utrecht sa Netherland. Ayon sa Psychological Science, ang mga nagsusuri ay nag eksperimento ng 10 lalake kung ang kanilang kili-kili ay nababasa kapag sila ay nanunuod ng mga nakakatakot na palabas o mga kalokohan na napapanood sa mga telebisyon. Nagsaliksik din sila ng 36 na babae na nakipagkita sa 10 kalalakihan. Sa hindi inaasahang pangyayari naamoy ng mga kababaihang ito ang pawis ng mga lalake. Ang mga nanaliksik ay napuna din ang paggalaw ng kanilang mga mata. Doon nila nalaman na kapag ang babae ay nakaamoy ng pawis dahil sa takot ng mga lalake, ang kanilang mata ang nagsasabe ng kanilang ekspresyon tulad ng takot. Gayunpaman, marami na din ...

Para 'Di Turn Off Sa Girls Ang Amoy Mo (BODY ODOR)

Ang ating katawan ay kayang magbawas ng 1.5 na tubig sa isang normal na araw. Ngunit mas marami pa rito ang pwedeng mawala sa katawan kapag sobra ang init ng araw, mga hanggang 10 litro lang naman kada araw- kaya nagpapawis ng husto kapag mainit. Mainam ang pawis sapagkat sa pamamagitan nito ay nailalabas natin ang init sa ating katawan. Ngunit nagdudulot din ito ng masangsang na amoy dulot ng mga natural na bacteria sa ating balat kaya naman ito ay nauuwi kung minsan sa pagkakaroon ng body odour. At para sa kaalaman ng lahat, mas pwedeng magkaroon ng mabahong amoy ang mga lalake kaysa sa mga babae. Hindi mo man kayang pigilan ang iyong pagpapawis ay kaya mo namang kontrolin ang pagkakaroon ng body odour para naman hindi turn-off sa girls ang amoy mo. Uminom ng maraming tubig. Ang pagkonsumo ng sapat na dami ng tubig sa katawan ay makatutulong para hindi ka masyadong magpawis. Kaya masanay ka nang uminom ng tubig ngayon. Gumamit ng anti-perspirant o deodorant. Liberal ...

Paraan Sa Paglilinis Ng KITCHEN WARES

Siguro’y hindi mo pa alam ang mga kakaibang paraan na ito para linisin ang mga gamit sa inyong kusina. Halika’t turuan kitang magmukhang makintab at bago ang iyong kitchen wares para ma-impress sa iyo ang mister  mo. Magtunaw ng baking soda sa tubig at mabilis na ilublob roon ang iyong gamit pangkusina tulad ng sandok, kutsilyo, kutsara, tinidor atbp. Magiging makintab ang mga ito pagkatapos. Gumamit ng suka para maglinis ng mga glassware o mababasaging gamit tulad ng baso o tasa. Para naman maging maputi ang aluminum sa loob ng pressure cooker ay ito ang gawin mo: Maglagay ng tubig sa pressure cooker at ilagay ang pressure pan kasama ng mga sangkap sa pagluluto. Maglagay ng isa hanggang dalawang piraso ng lemon, isang bilog ng tamarind at iba pang citric ingredient sa tubig. Normal na lulutuin ng pressure cooker ang iyong niluluto. Pagkaraan makikita mong makintab na ang pan at iyong mga dating mantsa ay mawawala. Para sa mga nanikit ng mantsa ay kailangang ulitin...

Tips Mga Dapat Gawin Kapag Galit (MAD)

Hindi naman maiiwasan sa ating buhay ang magalit. Isa itong emosyon na natural lamang sa tao. Kapag may kaaway o may taong sumisira sa iyo ay nakararamdam ka ng galit. Ang ilan din sa atin ay nagiging bayolente o nakapananakit kapag galit lalo’t sa mga lalakeng Pinoy dahil parte ng ating kultura na kapag lalake dapat lumaban, dapat marunong manuntok. Pero hindi ito magandang suhestiyon, hanggang maaari ay huwag tayong magpadala sa galit. Heto ang ilang tips, mga dapat gawin para hindi tayo makapanakit kapag galit. Paligiran ang sarili ng mga mapagsuportang pamilya at mga kaibigan na tutulong sa iyo para masabi mo ang iyong damdamin habang nagdurusa ka. Marami ang nagkukulong sa kwarto kapag nasa grieving period na mas mainam kung may makakausap kang close na kaanak na magpapalakas ng loob mo. Sila ang tutulong sa iyo sa oras na kailangan mo sila. Tanggapin na galit ka sa iyong sarili at sa iba. Ito ay para makampante ang sarili. Pag-aralan ang damdamin ng galit a...

Tips Para Hindi Bayolente Kapag May Argument

Hindi maiiwasan ang pakikipagtalo. Maaaring ang dahilan nito ay mga salungat na opinyon. Ang iba nama’y mga nakakapikon na talakayan na nauuwi sa isang dibdibang argumento at kung sa kamalas-malasan ay pagiging bayolente ng magkabilang panig. Ito ang ilang tips para ma-kontrol mo ang iyong sarili na maging bayolente sa harap ng isang pagtatalo o argument. Kontrolin ang “fight o flight” na reaksyon. Unang reaksyon sa isang mainit na sitwasyon ay tipikal na agresibong reaksyon. Ang parehong reaksyon ang magpapalala sa tensyon. Tanggapin ang anumang damdamin ng ibang tao. Ang isang napahiyang tao ay madalas niyang isipin na estupido kaya naman depensibo siya at ipagtatanggol ang sarili. Ang matanggap ang damdamin ng tao at pananaw ay makatutulong para ma-establisa ang kampante at may rasong resolusyon. Magsalita nang malumanay, matatag na boses, higit na lalala ang sitwasyon kapag nakipagsigawan. Ilabas o iboses ang anumang nasa isip. Huwag ibaling ang usapan sa pa...

Tips Para Matuto Sa Pagkanta (Learn To Sing Well)

Isa ka bang Annebisyosa? Ito ang terminong pinasikat ni Anne Curtis na isang hindi mang-aawit pero nagkaroon ng platinum na album at sold out na concert. Ikaw, nais mo bang matutong umawit? Isa itong mahabang proseso lalo’t mayroon talagang mga tao na sadyang pinanganak na may magandang tinig. Pero ang ilan sa mga ito ay makatutulong sa iyo: Kailangan mong huminga mula sa iyong Diaphragm hindi sa iyong baga . Kailangang matuto kang kontrolin ang hangin na iyong inilalabas kapag ikaw ay kumakanta at ang paghinga mula sa iyong diaphragm ay makatutulong para magkaroon ng maraming hangin kapag ikaw ay umaawit. Sa pagpapraktis subuking gumamit ng parehong hangin kapag inaabot ang mababa at mataas na nota upang makapagbigay ng tamang tono. Magpraktis ng mga awiting na hindi nangangailangan ng pagbirit. Hindi mo kailangan na pagurin ang iyong boses sa pagkanta ng mga awiting may mataas na tono para mapabuti ang iyong boses. Simulan mo ito sa mga kantang kaya ng iyong vocal co...

Tips Para Maging Magaling Na Athlete

Nais mo bang maging isang mahusay na atleta. Pangarap mo ba na minsan ay makasali sa Olympics? Hindi masamang mangarap, lalo’t punumpuno ka ng dedikasyon para maabot ito. Kaya’t kung nais mong maabot ang pangarap mong maging magaling na Atleta, heto ang ilan sa tips namin para sa inyo: Alamin ang rules ng iyong napiling sport at physical requirements. Mag-hire ng coach o personal trainer kung kailangan ong maabot ang layunin para mabilis na gumanda ang porma. Malalaman mo ng eksakto ang kailangan mo para magtagumpay sa sport at matulungan kang maabot ito. Praktisin ang kailangang skills hanggang ma-master ang tamang hakbang at porma. Pag-aralan ang kailangang skills hanggang ma-master ang tamang hakbang at porma. Pag-aralan ang estratehiya na kailangan para magwagi Mangako na maging dedicated. Kailangan ng maraming tulog at pahinga. Kumain ng masustansya at gawing prayoridad ang training. Isama ang mga kaibigan sa work out para mamotiba ka. Dapat ay magyayakag s...

Mga Gawaing Bahay Na Pampapayat (SLIM)

Sinong nagsabing sa gym ka lang pwedeng pumayat o sumeksi? Alam ninyo bang kahit nasa bahay ka lamang ay pwede ka ng maging slim? Maraming gawaing bahay kasi na pwede mong maging ehersisyo araw-araw. Ito ang ilan sa mga ito: Magligpit ng iyong higaan. Alam ninyo bang 130 calories na ang iyong kayang sunugin sa pamamagitan pa lang ng pag-aayos ng inyong higaan? Katumbas ito ng 15 minutes na pagte-treadmill sa gym. Maglinis ng banyo. 200 calories naman ang kaya mong sunugin sa pagscrub ng sahig, tiles, toilet bowl at bath tub sa loob ng inyong banyo. Maglinis ng bintana. 125 calories ang kayang masunog sa pagpapakintab pa lang ng inyong bintana. Kayang-kaya mong mabawasan ang iyong taba. Maghugas ka ng plato. Sa paraang ito tiyak na 160 calories na ang kayang masunog. Kaya’t huwag lang kain ng kain, at huwag katamaran ang paghuhugas ng pinggan. Gumamit ng walis at pandakot sa paglilinis o di kaya’y vacuum cleaner. Kaya nitong tanggalin ang 90 calories sa i...

Safety Tips Para Iwas Hold-Up

Sa panahon ngayon, kailangan na talaga ng labis na pag-iingat. Hindi mo na kasi alam kung sino ba sa mga nakasasalubong mo sa daan ang mapanganib. Hanggang ngayon, mataas pa rin ang porsyento ng krimen sa ating bansa gaya na lang ng Hold-up. Ito ang ilan sa mga safety tip para makaiwas tayo sa holdapan. Kausapin ang kapitbahay hinggil sa kaligtasan ng bawat isa. Mag-organize ng mga epektibong estratehiya para maiwasan ang krimen. Gawin ito ng buong komunidad para maingatan ang lahat.Lahat sila ay tiyak na minsan sa buhay nila ay biktima na ng holdap o ng insidente ng nakawan. Sumulat sa lokal na pulisya sa lugar hinggil sa problemang kinakaharap ng mamamayan sa laganap na nakawan at holdapan sa lugar at saka lagdaan ng nakararami. Magtalaga ng mga tanod sa lugar. Bantayan ang mga taong kahina-hinala sa inyong kapitbahay. Maglagay ng mga sign kung saan madalas may nabibiktima ng holdap o nakawan para magng alerto ang mga mamamayan. Magkaisa na rin na magtalaga ng s...

Safety Tips Para Hindi Madukutan

Bad trip ka ba na nadukutan ka na naman sa araw na ito habang siksikan sa MRT o di kaya nama’y habang standing ovation ang bus na sinasakyan? Kung ito na ang maka-ilang ulit na pangyayari sa iyong buhay, ang madukutan, hindi kaya’t na sa iyo na rin ang dahilan kung bakit nangyayari ito. Baka hindi ka marunong mag-ingat. Bueno, heto ang ilang safety tips para hindi na ‘yan mangyari sa iyo. Kailangan ng kumpyansa, mas gustong biktimahin ng mga mandurukot ang mga taong parang nawawala, nalilito, tanga-tanga o wala sa sarili. Kung nawawala ka. Iwasang tumayo sa lugar at titingin sa kawalan. Sa halip ay pumasok sa loob ng convenient store at magtanong. Dapat dikit na dikit sa katawan mo ang mahahalagang kagamitan at damahin mo itong mabuti. Ang mga backpack ay mas madaling maging biktima ng mga mandurukot. Gumamit ng front pack o money belt na nakatago sa loob ng jacket. Maglagay lamang ng walang lamang wallet sa back pocket para madismaya ang mandurukot. Kapag nasa pa...

Na-Caesarian-Mas Pwedeng Mamatay Sa Infection

Labis na kasiyahan ang dulot sa mga ina kapag sila ay nagdalang-tao. Siyam na buwan mang dadalhin ng isang ina ang sanggol sa sinapupunan at makaranas man ng hirap ng paglilihi o karamdaman ay titiisin ito ng isang mabuting ina para mailuwal lamang na normal ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Ang ibang ina ay swerteng nakararanas ng normal na pagle-labor ngunit may mga ina ring kinakailangan o mas pinipili ang ma-Caesarian. Ngunit alam ninyo bang mas pwedeng mamatay sa impeksyon (infection) ang mga babaeng na-caesarian kaysa sa hindi? Alamin ang tungkol rito. Sa isinagawang pag-aaral o research sa England ay lumalabas na ang panganganak ng caesarian delivery ay sinasabing mas posibleng delikado sa pagkakaroon ng nakamamatay na impeksyon kumpara sa iba pang uri ng operasyon sa mga babae. Tinatayang 4 sa 10 nanay na nanganak ng caesarian section ay mabilis na nagde-develop ng infection sa kanilang katawan at mahigit  15,000 kababaihan sa England ang tinamaan o naging...

Extra Curricular Activities Para Sa Kids

Ayon sa World Reporter na ang mga extra curricular activities ay may malaking silbi para sa mga kabataan. Para sa mga kid, ang benepisyo ng mga aktibidad na ito ay mainam upang magkaroon sila ng pagkatuto sa disiplina. Ito ang ilan sa mga extra curricular activities para sa iyong mga anak: Sports . Ang pinakamagandang benepisyo ng paglalaro ng sports ay ehersisyo na mainam para sa mga bata. Ito ay para hindi siya tumaba, ngayon at sa susunod na araw. Dagdag pa rito, ang maging parte ng team ang magtuturo sa mga anak kung paano makipag-team sa iba at kung paano manalo at matalo nang hindi pikon. Ang paglahok sa sports ang nagpapaibayo sa academic performance ng bata pero may iskul na kapag hindi siya nakapasa sa klase, hindi siya papayagan na lumahok sa mga laro sa iskul. Mas magiging maganda ang pangangatawan kaysa sa mga hindi naglalaro ng sports. Musika. Sa isang pag-aaral na iniulat ng Monitor on Psychology, ang estudyanteng nag-aaral ng music lesson at umabot ng ...

Tips at Kaalaman Tungkol Sa Outsourcing

Kung akala mo’y malalaking kompanya lang ang pwedeng makinabang sa outsourcing business processes ay nagkakamali ka. Dahil kahit sa anupamang aspeto ng pagnenegosyo, confidential man tulad ng finance o human resource data ay puwedeng i-outsource- Raymond Lacdao , executive director ng industry affairs of the Business Processing Association of the Philippines (BPAP) Ayon pa kay Lacdao, sa pamamagitan ng outsourcing- mula sa simpleng pagpoproseso ng invoices, hanggang sa koleksyon, mula sa sales at marketing, payroll, at timekeeping hanggang sa mga komplikadong trabaho gaya ng credit risk at portfolio analyses – ang isang negosyo ay nakakapagpokus sa kanilang core competencies pati sa pagtutuon ng pansin sa kalamangan nila sa kanilang mga ka-kompetensya. Sa pamamagitan ng outsourcing, ang mga nagsisimula lamang magtayo ng maliit na kumpanya ay makakatipid sa labor cost. Tulad ng halimbawa na imbes na mag-hire o magtrain ng sarili mong empleyado at gumastos sa pagpapatayo...

Mahimbing Na Tulog Laban Sa Brain Fatigue

Sa modernong panahon ngayon, kung saan walang hinto ang mga bagong kaalaman at paglago ng iba’t-ibang impormasyon ay hindi maiiwasan na makaranas tayo ng brain fatigue kung saan madalas hirap na tayong makaalala ng mga mahahalagang impormasyon. Kaya naman ang mga estratehiya na makaalala tayo ng mga impormasyon na importante ay nagiging kritikal at kailangan. Ayon sa mga psychologist ng University of Edinburgh , Michaela Dewar na ang pagtulog ng mahimbing (relax sleep) ay nakatutulong para labanan ang brain fatigue, isa itong paraan para mapabuti ang ating memorya. Sinasabi nga sa ulat ng Live Journal na iyong simpleng pagpikit mo ng sandali pagkatapos mong malaman ang isang impormasyon ay labis na nakatutulong para hindi mo ito malimutan. Itong mga aktibidad gaya nito ay may malaking epekto sa abilidad ng utak na magproseso ng mga impormasyon. Gumamit si Dewar ng 33 matatanda, iyung nasa edad na 61  to 87 para sa isang halimbawa. Pinabasa niya ang mga ito ng mai...