Skip to main content

Posts

Showing posts with the label pagkain

Eggs Oats Peanut Atbp. - Mga Pagkaing Pampagana Sa KAMA

Ikaw? Nais mo bang ganahan sa kama? Para sa mas enjoy na pagsisiping ng mag-asawa. Kumain ng mga masusustansyang pagkain na ito na tiyak na mga pampagana sa romansahan ng mga magkatipan. Eggs. Ang itlog ay simbolo ng fertility, mataas ito sa B Vitamins na nakatutulong upang mapababa ang stress level ng isang tao kasabay naman ng pagtaas ng kanyang libido. Oats. Ang oats ay mayaman sa tinatawag na L-arginine, amino acid na maiko-convert sa nitric oxide. Peanuts. Ang magnesium na makukuha sa almonds ay nakapagpapaiwas sa banta ng depresyon at stress na kapwa seryosong dahilan ng kawalan ng interes sa pakikipagtalik. Nakapagpapabuti rin ito sa level ng tinatawag na libido-boosting testosterone. Asparagus. Ang masarap na gulay na ito ay mayaman sa Vitamin E na mainam para sa pagkakaroon ng sapat na sex hormones. Sili. Maging ng iba pang uri ng peppers ay tinatayang nakapagpapakawala ng mga feel good endorphins. Chicken. Maging ng pabo at baka na pumoprotekta sa dop...

Tips Sa Pagluto Ng Beef Roast

Isang masarap na handa sa tuwing may okasyong espesyal ay ang BEEF ROAST. Paano ba ito lutuin? Ang mga sangkap na kailangan ay: 2 kilo pige ng baka 1 kutsarita asin 1/2 kutsarita paminta ( durog) 1/2 kutsarita bawang ( dinikdik) 2 kutsara luya 1/2 mangga hinog 2 kutsara mantikilya 1 kutsara Worcestershire sauce 1 kutsarita katas ng kalamansi Paraan ng pagluto: Tusukin ng kutsilyo ang karne at kuskusin ng pinaghalong asin, paminta at dinikdik na bawang. Ilagay ang karne sa isang roasting pan. Itabi. Ilagay sa food processor ang ika-5 hanggang ika-10 na sangkap. Ito ang ipupunas sa pamamagitan ng brush pagkaraan ng 30 minuto na naihurno sa oven ang karne. Isalang sa oven ang karne na may 400F ng 30 minuto. Pagkaraan ng 30 minuto gawin 300F at punasan ng sarsa (#2) kada 10 minuto. Kung umabot na ang temperatura ng loob ng karne ng 185F pwede nang ahunin pagkaraan ng 10 minuto. O hayan. Madali lang naman palang gawin ang BEEF ROAST. Tiyak na mabubusog na naman a...

Salmon Egg Spinach Brocolli Etc : Mga Pagkaing Healthy Ayon Sa Edad

Ang nutrisyong kinakailangan ng isang tao ay nakadepende sa kanyang edad kung saan ang  ilang ispesipikong pagkain ay nararapat konsumuhin para mas mapaigting pa ang pisikal at mental na kalusugan ng isang indibidwal na ilan sa halimbawa ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Salmon Para sa edad 20 hanggang 29. Ayon sa mga eksperto, ang regular na pagkonsumo ng salmon ay mainam sa mga taong nasa edad 20 hanggang 29 kung saan nakakapagpaiwas sa banta ng depresyon, na kondisyong dalawang beses na malapit sa mga babae kesa sa mga lalaki. Ang depresyon ay maaaring ma-develop sa gulang na 15 hanggang 34. Ang salmon ay mayaman sa Omega 3 fatty acids na mainam sa pagpapaganda ng mood mula sa pagpapataas ng level ng tinatawag na feel good serotonin. Sa ganitong edad nararanasan ang mas madalas na pagka-busy at hindi pagkasingit ng pagluluto kung saan huwag kalimutan ang naturang pagkain isang beses sa isang linggo. Mainam din itong ihalo sa salad o low fat mayo para sa mas masarap na s...

Tips Sa Pagluto Ng Pork Chicharon

Ang chicharon na madalas ding tawaging pork cracklings ay gawa sa iba’t ibang pagkahiwa ng baboy. Minsan gawa rin ito sa karne ng kalabaw. Ang pork chicharon ay gawa sa piniritong balat ng baboy. Madalas kainin ang chicharon kasama ng isang masarap, maanghang at maasim na suka. Pwede rin sa bagoong, atsara o lechon liver sauce. Iba pang klase ng chicharon ay gawa sa manok, baka at isda. Madali lang ang pagluto ng Pork Chicharon Mga Sangkap: 2 pounds ng talop ng baboy, hiniwa sa 1 pulgada-parisukat ang pagkahiwa 3 tasa ng tubig 1 kutsarang asin 1 tasa ng vegetable oil o corn oil Para sa Dipping Sauce 3 kutsarang apple cider vinegar 3 cloves ng crushed garlic Patis Paano lutuin ang Pork Chicharon: Pakuluan ang mga hiniwang talop ng baboy sa tubig na may asin sa loob  ng 30 minuto Gamit ang isang oven pan, ikalat ang lutong mga talop ng baboy at i-bake sa 300 F sa loob ng tatlong oras. Itabi at palamigin. Iprito ng maigi sa kumukulong ...

Green Tea- Epektib Sa Dental Plaque

Umiinom ka ba ng green tea tuwing umaga? Kung hindi pa, subukan mo na ito. Ito ang isa sa apat na tsaa na tunay nga namang may hatid na magandang benepisyo sa ating kalusugan. Hindi lang ito nagsisilbing antioxidant na panlaban sa cancer o tulong para ikaw ay makapagbawas ng timbang. Ang green tea ay may hatid na benepisyo na hindi mo dapat maliitin.  Ayon sa pag-aaral, ito rin ay mabisa upang alisin ang mga lason sa ating katawan. Ayon sa isang artikulo ng Times India, ang pagkonsumo rin ng green tea ay nakatutulong sa ating makaiwas sa pagkasira ng ating ngipin o tooth decay. Sapagkat ang nilalaman nitong antibacterial ay nakalalaban sa dental plaque. Hindi ito alam ng marami sa atin. Ang antibacterial content ay nakatutulong bawasan ang toxins sa ating katawan at bakterya na mula sa ating mga kinakain. Kung stress ka na,  ang green tea ay makatutulong para ikaw ay kumalma. Ang content na mayroon sa green tea ay nakababawas ng inflammation sa ating ...

Tips Sa Pagluto Ng Skinless Longganisa

Ang skinless longganisa ay isang uri ng sausage na gawa sa seasoned ground meat (walang balot). Hindi na bago ang pagnenegosyo ng skinless longganisa pero ito ay mabenta pa rin sa mga suking Pinoy. Iba’t-iba ang sangkap sa bawat uri ng longanisa. Ang iba pa nga’y may kamahalan. Pero ito ang tips sa pagluluto ng longganisang may murang sangkap ngunit may kalidad. Mga Sangkap: 3 kilo ng lean pork 4 kutsarita ng phosphate 1 tasa ng tubig 5 kutsara ng asin (rock salt) 2 kutsarita ng curing salt 2 ¼ tasa ng ground pepper ½ tasa ng crushed garlic ½ tasa  ng anisado wine ½ tasa ng pineapple juice Food color ( allura red) opsyonal lamang – tunawin ang isang kutsaritang food color sa ¼ na tasa ng tubig. Sa pagbabalot kailangan ng Polyethylene bag Para sa ¼ kg: sukat 4”x8” na may kapal na 0.003 Para sa ½ kg: 6”x10” na may kapal na 0.003 Paraan ng pagluto: Gilingin ang lean meat at back fat. Ilagay muna sa refrigerator. Magtunaw ng phosphate sa...

Tips Sa Pagluto Ng Puto Bumbong

Isang masarap na kakanin ang Puto Bumbong. Mabenta ang kakanin na ito lalo pa’t tuwing sasapit ang pasko. Parte na kasi ito ng tradisyong pinoy na kapag magsi-simbang gabi ay hindi pwedeng hindi uuwi na walang bitbit na masarap na puto bumbong. Nais mo bang magsimula ng Puto Bumbong Business? Ito nag tips sa pagluluto nito: Ang mga kailangan na sangkap: 1 tasa ng malagkit na bigas 2 kutsaritang food coloring na kulay ube 2 tasa ng tubig Panutsa Ito ang mga kailangan na materyales sa pagluluto: Kutsilyo Maslin na tela Panala Steamer na ginagamit sa paggawa ng puto Ngayong handa na ang mga sangkap at kagamitan mo sa pagluluto. Simulan na natin ang pagluluto ng masarap na puto bumbong: Magbabad ng malagkit na bigas sa tubig ng hanggang magdamag Durugin ang binabad na bigas Ihalo ang food color sa bigas habang ito ay dinudurog Balutin sa maslin na tela ang bigas na dinurog at salain para maalis ang ilan pang natitirang tubig dito. Pwede ka r...

Tips Sa Pagluto Ng Embutido

Ang embutido ay isang meat loaf recipe na swak sa panlasa ng Pinoy. Madalas itong handa sa fiesta o kaarawan. Sa ngayon, mataas ang demand sa embutido kaya bukod sa masarap na sa panlasa, masarap din itong negosyo. Bukod pa riyan ay sobrang dali lamang gawin nito. Ang mga kailangan na sangkap: Para sa laman o karne (meat) 800 grams ng pork lean o pigue ( maigi ang pagkadurog) 200 grams ng pork back fat (durog) Para sa extenders ¼ na tasa ng Texturized Vegetable Protein o TVP 1 kutsarang isolate ½ kutsaritang carageenan ½ tasa ng tubig, tatlong minutong i-haydreyt Tandaan: ang TVP ay pwedeng idagdag panghalili sa portion ng lean meat Para sa Seasoning 1 kutsarang asin, dapat ay refined ito 1 kutsaritang phosphate ½ kutsaritang curing salt 6 kutsarang asukal, dapat ay refined 1 ¼ kutsaritang black pepper, ground 2 kutsarang pickle relish ½ kutsaritang vetsin 1 ¼ kutsaritang tinadtad na sibuyas 2 kutsarang raisin (1 kahon) 3 ...

Mga Pagkain Laban Sa Allergy

Nakakasarira ng araw kapag tayo ay nagkakaroon ng allergy. Ang allergies ay nangyayari kapag mayroong overimutas na nangyari sa ating katawan matapos ang pagkalantad nito sa allergens o di kaya nama’y mga substansya na hindi kayang tiisin ng ating katawan. At alam ninyo bang mataas ang tsantsa ng panganib na magkaroon ng blood cancer ang isang taong nakararanas ng allergies? Matapos ang pagkalantad n gating katawan sa allergen, magpapakita ng pagtanggi an gating katawan at tayo ay makararanas ng tagulabay, pamamaga ng mata o ng mukha, pananakit ng tiyan, pag-uuhog, pangangati ng lalamunan, at sakit ng ulo. Ayon sa LiveStrong, ito ang mga pagkaing nakatutulong para humupa ang allergy: Maigi ang Yogurt sa katawan dahil pinapalakas nito ang immunity ng ating katawan. Iyong mga kumakain ng plane na Yougurt araw araw ay mas mataas ang resistensya ng katawan kaysa sa mga taong hindi kumokonsumo nito. Mabuti rin na sumusugpo ng allergy ang mga gulay tulad ng kamatis, t...

Tips Sa Paggawa ng Bukayo

Isa sa paboritong minatamis ng mga Pinoy ang Bukayo. Ito ay gawa sa sariwang buko at hinaluan ng pulang asukal, ang resulta- isang masarap at matamis na pamutat. Maganda rin itong ipang-regalo sa iyong mga kapamilya o kaibigan. Lalo na sa mga turista, kaya naman isa rin itong magandang extra income para sa mga naghahanap ng iba pang pagkakakitaan. Ano-ano ang mga sangkap ng Bukayo: 2 piraso ng coconut, ginayad ang laman Dahon ng pandan 1 kg ng pulang asukal 2 tablespoon ng vanilla extract Sariwang sabaw ng buko All purpose flour o cornstarch Paano ito gagawin? Ilaga ng magkasama ang sabaw ng buko, asukal na pula at dahon ng pandan hanggang sa matunaw ang asukal  at mangapal. Idagdag ang vanilla extract. Tanggalin ang dahon ng pandan. Lutuin ang ginadgad na coconut sa isang kawali na may kaunting mantika hanggang sa ito’y magkulay brown. Magdagdag ng syrup at pakapalin gamit ang kaunting flour o cornstarch na tinunaw sa tubig Patuloy na halu...

Mga Pagkaing Bawal Sa Nagpapapayat? (Diet Tips)

Dahil sa paborito ninyong tips ang mga tungkol sa pagpapapayat o mga diet tips , heto ang ilan pa sa mga pagkaing bawal sa mga nagdi-diyetang tulad mo. Ito ang ilan pa sa mga pagkaing akala natin ay nakatutulong sa ating pagda-diet iyun pala’y kung mali o labis ang pagkain mo ng mga ito ay magiging sagabal ito sa iyong goal na pumayat. Tulad ng popcorn, ang air-popped popcorn ay sagana sa nutrisyon, mataas din ito sa fiber at sadyang diet-friendly snack ito. Ngunit maaaring mawala ang healthy credentials nito kung mahahaluan ito ng mantikilya. Ang ilang pop corn na nabibili sa sinehan ay may mataas na fats at calories mula sa asukal at butter. Ang masarap na granola bar na nabibili natin sa supermarket ay malusog para sa katawan ng isang tao.  Gayunman, isang eksperto ang nagsabing hindi ito magandang diet food. Ang granola ay mayaman sa nutrisyon at punum-puno ng fiber. Mas mainam kung kaunting bahagi lang ng granola ang kakainin ay piliin iyung sugar free. I...

Mga Pagkaing Akala’y PangDiet Hindi Pala

Tiyak na pihikan ka na sa uri ng iyong kinakain kapag ikaw ay nagpapapayat o nagda-diet. Pero teka, baka naman iyong akala mong diet foods ay pwede pa lang nakatataba rin. Heto ang ilan sa mga ito: Juices have calories. Maraming nasasarapan sa pagkonsumo sa paboritong fruit juice na kadalasang bahagi ng pagdi-dyeta, ngunit nakalilimutan ng ilan na ito ay mataas sa calories sa likidong fomula kung saan ang dami ng inuming nakonsumo sa buong araw ay maaaring makadagdag sa timbang ng katawan. Kaya’t mas mainam na pumili ng prutas na mas mataas ang bilang ng fiber tulad ng pinya kesa sa sugar tulad ng hinog na mangga. Cereal bars have high level of fats. Marami sa atin itinuturing na ang pagkaing ito ay perfect example ng isang healthy meal tulad ng sa pag-aalmusal o meryenda.  Gayunman, karaniwan sa cereal bars ay punumpuno ng cane sugar at corn syrup, maging ng mataas na level ng fat. Mainam man sa kalusugan ang cereal, dapat pa ring alalahanin ang taglay nitong fat...

Pagkain ng Sardinas- Nakamamatay

Warning! Alam ninyo bang ang labis na pagkain ng oily  fish tulad ng sardinas,salmon at tuna ay sanhi ng sakit tulad ng prostate cancer? Basahin dito ang pagpapatunay ng mga eksperto. Ugali pa naman ng mga Pinoy na kapag walang ready na pagkain sa mesa ay bibili na lamang sa sari-sari store ng easy to cook foods gaya ng sardinas. But in the recent study made by American Journal of Epidemiology na ang taong kumakain ng sobrang Omega-3 fatty fish ay madaling mamatay sapagkat nagkakaroon sila ng prostate cancer. Sampung libong lalaki kada taon ang namamatay sa UK dahil sa labis na pagkain diumano ng sardinas. In  the recent study, napatunayan na ang lalaking nasa edad 50 pataas na madalas kumain ng sardinas ay may malaking posibilidad na magkaroon din ng tumor kaysa doon sa kaunti lang kumain nito. Kung ako sa’yo katoto, kailangan mo ng awatin ang iyong sarili dahil kapahamakan ang dala niyan sa iyong buhay. Okay lang naman kumain paminsan-misan ng sardinas per...

Tips Sa Paggawa Ng Yema

Paborito ng pinoy ang matamis na Yema . Lalo na’t kapag umay sa kinain na tanghalian, ito ang masarap na pamutat. Kung ikaw naman ay naghahanap ng ekstrang pagkakakitaan, ang paggawa ng yema at pagtitinda nito ay isang magandang opurtunidad para ikaw ay kumita. Patok itong sideline lalo na’t ikaw ay maraming ka-opisina, o estudyanteng naghahanap ng extra income para may pang tustos ng tuition fee.  Here are the ingredients and procedures on how to make Yema: Sa ingredients, ito ang mga kailangan natin: Anim na pula ng itlog 1 lata ng kondensada (396 g) 1 teaspoon ng vanilla essence 200 g ng asukal Kakailangan rin natin syempre pa ng pampabalot. Kaya’t dapat mayroon din tayong iba’t ibang kulay ng cellophane paper, gupitin ito ng parisukat, mga 10x10 cm ang sukat. Gagamitin itong pang-wrap sa yema. O hayan, ngayong mayroon na tayong mga sangkap sa paggawa ng yema. Simulan na natin itong gawin: Una, gamit ang isang malaking palayok, paghaluin ang pu...

Tips Sa Paggawa ng Pork Sisig

Ang pork sisig na kilala ring sizzling sisig ay patok sa panlasa ng Pinoy. Ito ay yari sa chunks ng tinadtad at piniritong baboy na hinalo sa berdeng sili,sibuyas,at kalamansi na mayroong itlog sa ibabaw. Ang paggawa ng pork sisig ay magandang idagdag sa iyong carinderia business o sa menu ng iyong restaurant. Sa paggawa ng pork sisig, ito ang iyong mga kailangan: 4 ½ tasa ng tainga ng baboy, inihaw at hiniwa 1 tasa ng atay ng manok, hiwain sa maliliit na piraso Ito ang mga sangkap pati: Para sa paglilinis ay kinakailangan ng 2 tsp ng asin, isang tasa ng pinigang kalamansi.  Ito’y upang alisin ang lansa. 1 tsp ng asin 2 piraso ng bay leaves 1 tbsp ng pinigang kalamansi 4 ½ tbsp ng hiniwang sibuyas 1 tsp ng pamintang durog 2/3 pcs ng siling labuyo ½ tsp ng betsin Ngayong handa na ang mga kakailanganin. Tara’t simulan na nating lutuin ang pork sisig mo: Ang tainga ng baboy ay kailangang linisin at alisan ng lansa gamit ang asin at p...

Tips sa Paggawa ng Fishball

Ang fishball ay isa sa pinaka-popular na street food sa Pinas. Mas da best ang experience sa pagkain nito kung napakasarap ng sawsawan; sweet and spicy o sweet and sour. Ang fishball ay gawa sa laman ng isda na may sangkap na hiniwang gulay, pampalasa, itlog na binate at corn starch. Sa paggawa ng fishball ay kinakailangan mo ng mga sangkap na ito: Isang kilong isdang lapu-lapu/talakitok/apahap/maya-maya Dalawang karot Dalawang patatas 1 buong bawang Dalawang itlog ¾-1 ¼ tasa ng corn starch Luya,paminta, asin Vetsin at toyo Mga kailangang kagamitan sa paggawa ng fishball Kutsilyo Chopping board Panukat o measuring cap Strainer o panala Sandok Kawali Takure Garapon Kalan ng paglulutuan O hayan at handa na ang iyong kailangan. Ito na ang paraan sa paggawa ng fishball: Pakuluan ang isda ng tatlo-limang minute sa tubig na may luya Gumamit ng panala at ilagay sa isang lalagyan. Kaliskisan ang isda, alisan ng tinik at ulo Balatan a...

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah...

Healthy Breakfast: ALMUSAL NA MASARAP NA, HEALTHY PA

1 . Pancakes Mahusay kung ang pancake ay hahaluan ng flaxseed,mainam din kung lulutuin ito sa olive oil.Ang kombinasyon ng mga ito ay nakapagbibigay ng beneficial fats na napatunayang nakababawas ng panganib na dulot ng sakit sa puso at stroke. 2 . Omelet Iwasan ang cholesterol na makukuha sa dilaw na bahagi ng itlog sa pamamagitan ng paggawa ng omelet na tanging egg white lang ang gagamitin.Ang puti ng itlog ay puno ng selenium na siyang pumuprotekta sa arteries ng tao laban sa banta ng LDL “bad” cholesterol. 3. Kape Ayon sa tala ng mga eksperto,inilihad na ang mga taong umiinom ng isang tasa o Kuhigit pa ng kape sa isang araw ay nakapuputol sa panganib na dulot ng liver cancer ng hanggang kalahati.Habang ayon sa ibang pag-aaral,nabatid na ang pag-inom nito ay sadyang napatututol din ng banta ng diabetes. - No Problem (Bulgar) ni Ms.Myra