Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Heart Attack

Snoring: Sanhi Ng High Blood at Heart Attack

Ayon sa mga mananaliksik, ang paghihilik ng mga kababaihang may edad na at hindi maipaliwanag ang antok nilang nararamdaman sa umaga kasabay pa ng labis na pagbigat ng kanilang timbang ay sinasabing dahilan ng Obstructive Sleep Apnoea na isang uri ng karamdaman na naghihirap sa paraan ng paghinga ng isang tao sa tuwing siya ay natutulog. Base sa mga eksperto, sa tuwing natutulog ang isang tao, ang kanyang airways o daanan ng hangin ay natural na nare- relax at nagiging makitid. Sa pagkakaroon ng isang tao ng karamdamang tulad ng apnoea, ang muscle at soft tissue na nasa paligid ng dinadaaanan ng hangin sa tuwing tayo ay humihiga ay labis na nare- relax at nagko-collapse upang magkaroon ng bara sa daanan ng hangin. At dahil sa pakitid nang pakitid ng daan ay nagaganap na ang nasabing ingay na kilala sa tawag na hilik. Ang nasabing presensya ng hilik ay simula pa lang ayon sa mga mananaliksik, kung hindi mapipigilan ang nabanggit na karamdaman ay tuluyan ng magbabara ang daaa...

Mansanas- Pang-Iwas Heart Attack (APPLE)

Gawin mong lunas sa karamdaman ang mga pagkain- ito ay nasabi ni Hippocrates , isang Greek Physician na sikat sa mundo ng medisina. Ito ang nagmungkahi sa mga siyentista na tuklasin ang mabuting dulot ng mga pagkain sa kalusugan at tignan ang mga katangian ng bawat pagkaing ating kinokonsumo sa araw-araw nating pamumuhay. Isa na sa mga ito ang mansanas (apple) Ayon sa mga tagapagsaliksik na base sa   Florida State University ay mayroong katangian ang mansanas para sa ikabubuti ng kalusugan sa puso- ito ay ayon sa nabanggit ng Daily Mail .   Ang mansanas ay   natuklasan din noon na pampahaba ng buhay at maganda ring panlaban sa cellulite. Ang mga tagapagsaliksik ay gumawa ng isang  eksperimento gamit ang dalawang grupo ng mga babaeng nasa menopausal stage- sila kasi ang mga taong high risk sa atake sa puso. Ang unang grupo ay sinabihang kumain ng dalawang mansanas araw-araw. Ang ikalawang grupo naman ay sinabihang kumain ng duhat o plum araw-araw. A...

Na-operahan Prone Sa Heart Attack

Marami na sa atin ang nakaranas na ma-operahan, maaaring sanhi ng aksidente tulad ng pagkahulog sa puno, nabundol ng sasakyan, naputukan ng paputok at kung anu-ano pa? We really can’t avoid accident, kaya nga aksidente pero syempre na sa atin na rin mismo ang dobleng pag-iingat. Napag-usapan na rin lang ang surgery, alam ninyo bang kapag kayo ay sumailalim na sa mga operasyon tulad halimbawa ng hip and knee replacement ay prone kayo sa heart attack? Based on the studies, ang mga taong suma-ilalim na sa operasyon tulad ng mga nabanggit ay may malaking peligro na sila ay atakihin sa puso. Tumataas ang posibilidad na mangyari ito hanggang 30 fold sa loob ng 2 weeks after the surgery. At ang iba pang banta sa kalusugan ay lumitaw at maging active hanggang 6 weeks matapos ang operasyon. Kaya naman nagbigay ng warning ang mga doctor na ang masyadong stress after ng surgery ay may malaking epekto. Sa operasyon, ang mga pasyente ay nakararamdam ng magkahalong tension,pangamba, ...

Heart Attack- Mga Sintomas Ng Atake Sa Puso

Ikaw ba ay nakararanas ng labis na pagod o kinakapos ng paghinga? Baka iyan ay sintomas na ng heart attack o atake sa puso ? Basahin ninyo ito mga katoto: Symptoms of Heart Attack Labis na pagod. Ang fatigue ay karaniwang nararanasan kapag nagkukulang sa sapat na tulog ang isang tao kung saan nababawasan ang depensa ng katawan sa virus. Ang hindi pangkaraniwang fatigue ay maaari ring sintomas ng atake sa puso o babalang senyales ng sakit sa puso. Sa isang pag-aaral, lumabas na 70% ng kababaihan ang nakararanas ng fatigue sa mga sunod-sunod na araw bago pa man sila atakehin sa puso. Mas makabubuti kung pakikiramdaman ang sarili o ang kumonsulta sa doktor. Kahirapan sa pagtulog. Hindi pangkaraniwang makaramdam ng pagkapagod dahil sa kakulangan ng tulog mula sa pagka-busy sa araw-araw, gayunman, hindi maganda sa katawan ng isang tao ang madalas na nakukulangan sa tlog kung saan marami sa mga babaeng may ganitong sitwasyon ang nagbubunsod sa tulog kung saan marami sa mga baba...