Sino bang tao na normal ang pag-iisip ang hindi nagkakaroon ng problema. Lahat tayo ay magsasabing oo nga ano? Ang mahalaga naman sa buhay ay matuto tayo na mabigyang solusyon ang bawat pagsubok na dumarating sa ating buhay. Pero paano nga ba ma-solve ang problema. Ito ang ilan sa mga hakbang o tips para rito: Una. Tangapin mo sa sarili na may kinakaharap kang problema. Huwag mo itong takasan dahil kung hindi ka man magsisi sa bandang huli ay maaaring ikadagdag pa ito ng iyong dalahin. Acceptance and recognition of the problem is the first step in problem solving. Pangalawa. Ano?Paano?Kailan?At saan ba nagsimula ang problema? Alamin ang mga bagay na puno't dulo nito upang mabigyang linaw mo ang lahat sa paraang magaan at may patutunguhan. Assembling of the facts about the problem is crucial in finding a better solution. Pangatlo. Maghanap ka ng paraan upang masolusyonan ito, bigyan mo ang sarili ng mga option. Ano ang plan A mo? Ano ang Plan B. Maaari ka...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc