Skip to main content

Posts

Showing posts from August, 2011

Dry Hair: Tips Para Makaiwas Sa Panunuyot Ng Buhok

Isang fan ng Tips ni Katoto ang sumulat sa amin tungkol sa kanyang problema sa buhok. Si Ms. Aquarius ng Bacoor Cavite ay humihingi ng payo kung paano ba niya maibabalik sa dating sigla ang kanyang buhok, patuloy kasi ang panunuyot nito at dahil roon ay dumadami ang kanyang split ends. Ano ang kanyang gagawin? Para sa mga mayroong problemang ganito sa kanilang buhok at para sa mga taong gustong makaiwas sa panunuyot ng buhok o dry hair. Ito ang ilan sa mga maaari ninyong subukan. Hugasan ang buhok gamit ang moisturizing shampoo at pati ng conditioner. Hanapin ang hiyang na brand para sa'yo. At kung may nakikita ng resulta ay iyun na ang palagian mong gamitin at huwag nang magpalit pa ng brand ng shampoo. Maaari ka ring magtanong sa iyong hair stylist kung anong moisturizing shampoo at conditioner ang makakabuti para sa iyo.  Iwasan mo muna rin ang pagkukulay ng iyong buhok para mabigyan mo ito ng panahon na magbalik sa dati nitong natural na kalusugan.  Iw