Skip to main content

Posts

Showing posts with the label mommy

Tips Para Maging Happy Si Mommy

Ang maging isang mommy ay isa sa pinaka-mahirap na tungkulin. Sila ang ilaw ng tahanan na mas nakakasama ng anak sa paggabay at pagkatuto sa buhay. Ang mga ina rin ang kadalasang naiiwan sa bahay upang mag-asikaso ng mga gawaing bahay at trabaho pa sa labas. Iba-iba rin ang pag-uugali ng mga ina at ang kanilang mga kinahihiligan. May mga mommy na sport-minded o aktibo sa komunidad. Mayroon din namang mommy na bossy at ang iba ay malumanay lamang na gumagawa ng tungkulin sa bahay. Bawat ina man ay may pagkakaiba at may kanya-kanyang gusto ay dumadating rin ang pagkakataon na pare-pareho din silang nakararamdam ng pagod at stress. Bilang anak ay tungkulin mo na sila ay pasiyahin.  Ito ang ilan sa tips kung paano magiging happy ang mommy mo: Give them attention. Walang sinumang ina ang gusto pang maulit ang mga bagay na naghahatid sa kanya ng problema. Kapag may problema siya at gusting magsalita sa iyo ay making kang mabuti at bigyan siya ng pansin. Sikapin mon...

Tips Para Maging Positive Ka Lagi Mommy

Malaki ang ginagampanan ng isang ina bilang ilaw ng tahanan. Sa iyo humuhugot ng lakas at pagmamahal ang iyong mga anak. Kaya naman ang pagiging positibo sa buhay ay napakahalaga para sa iyong paggabay at para na rin sa iyong sarili. Ibabahagi namin sa inyo ang Tips para laging positive thinking ka sa iyong tungkulin bilang ina: Think of happy thoughts as you woke up early in the morning. Pilitin agad na maging positibo at malakas pagkabangon sa umaga. Habang dismayado at pagod ka kung minsan ay hindi naman maiiwasan, tandaan na ang mga negatibong karanasan ay hindi ibig sabihin na dismayado ka na. Ang susi para maging positibong ina ay sikapin na magtiwala sa sarili. Praise your kids and appreciate their achievements. Tingnan nang positibo ang mga anak at maging espesipiko kapag pinupuri sila. Palakasin ang kanilang loob at iwasang idiin sila sa mga pagkakamali. Kung dismayado ka sa isang bagay na kanilang ginawa, ituwid sila at huwag siyang ipakadiin sa isyu at si...