Madami na sa ating mga kababayan ang nais magsimula ng negosyo dahil na rin sa hindi naman ganun kalaki ang kanilang kinikita bilang isang empleyado o mga talagang hindi pinalad na matanggap sa trabaho. Ngunit marami rin ang walang sapat na puhunan para magsimula. Kung kaya’t bukod sa dami ng bilang ng mga nais magnegosyo ay dumarami rin ang mga taong nagiging interesado kung paano sila mag-nenegosyo ng walang kapital. No money kamo para magsimula ng negosyo? Heto ang ilang tips para sa mga interesado: Gamitin ang iyong talento, kakayahan at abilidad. Kung wala kang sapat na puhunan para simulan ang iyong ninanais na negosyo ay subukan mong mag-ipon ng pang-kapital gamit ang sarili mong kakayahan. Halimbawa, kung ikaw ay isang graphic artist ay pwede kang mag-freelance sa simula at kapag dumami na ang iyong mga kliyente ay tiyak na makaka-ipon ka na ng puhunan para makapagpatayo ng sarili mong maliit na negosyo. Iba pang talento o skill na pwede mong magamit para kumita ay...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc