Nagbibigay ng isang magandang opurtunidad upang kumita ng pera ang pagsali sa Direct Selling . Ikaw ay pwedeng maging myembro ng direct selling companies kahit pa ikaw ay estudyanteng naghahanap ng pang-tuition fee, nanay na busy sa gawaing bahay ngunit nais kumita ng ekstra, mga kabataan na naghahanap ng pagkakakitaan habang wala pang makuhang trabaho. Wala namang malaking puhunan na kinakailangan sa pagsali sa direct selling , bukod pa riyan hawak mo ang iyong oras. Paano Ba Ito Gawin? Ang kailangan mo lang ay maging myembro. May mga direct selling company na kailangan mong magbayad ng membership fee at mayroon namang hindi. Pagkatapos ay pwede mo ng ibenta bilang ahente ang mga produkto nila. Ikaw ay may porsyento sa bawat produkto na iyong mabebenta. Higit pa riyan, bibigyan ka nila ng credit limit para naman kahit wala kang puhunan ay pwede kang magpa-utang sa iyong mga magiging suki. Sa ibang direct selling company ay mayroon ding tinatawag na referra...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc