Skip to main content

Posts

Showing posts with the label lifestyle tips

Tips Para Hindi Boring Ang Rainy Days

Kapag rainy season, tinatamad tayong magkikilos o lumabas. Ang iba, hate na hate ang tag-ulan...paano kasi hindi makagala o makaalis man lang ng bahay dahil sa baha. Ano nga bang pwede pang gawin umuulan. Ito ang ilang Tips para hindi naman boring ang rainy days. Subukang magluto. Marami kang bagay na maaari mong lutuin mula sa biscuits, cakes, buns, cookies hanggang sa mga ulam na tiyak kagigiliwan ng buong pamilya. Humanap ng cookbook at simulan ito. Maggantsilyo. Girly masyado ito kung titignan pero maaari din itong gawin ng mga lalaki. Marami kang maaaring magantsilyo tulad ng finger puppets, blankets, sock puppets etc. Subalit tiyak na kakailanganin mo ang tulong mula sa taong marunong gumawa nito. Magbasa ng libro. Maraming magagandang nobela riyan at ang iba rito ay tiyak na naroon lamang sa inyong bookshelf. Ang pagbabasa ay isang paraan ng pag-a-adventure na hindi na nangangailangan pang lumabas ka ng iyong tahanan.  Magsulat ng istorya. Maraming paraan para ...

Tips Kapag May Baha ( Flash Floods )

Ang pagbaha ay maaaring mag-develop sa loob ng ilang oras kaya maaari ka pang makapaghanda. Subalit, minuto lang ang kailangan ng flash floods na maaaring makasira ng inyong tahanan o kumuha ng buhay. Heto ang ilang tips para makapaghanda kapag may baha. Alamin kung ang lupang kinatitirikan ng inyong bahay o pinagtatrabahuan ay bahain. Antabayanan ang mga impormasyong makukuha sa radyo. Magkaroon ng emergency supply kit at itago ito sa lugar na madaling makuha ng bawat myembro ng pamilya.  Gumawa ng evacuation procedure kasama ang buong pamilya. Gumawa rin ng communication plan kung sakaling dumating kayo sa puntong kailangan ninyong maghiwa-hiwalay sa kasagsagan ng evacuation. Alamin kung saan kayo maaaring magpunta kung kailangan ninyong marating ang mataas na lugar sa pamamagitan ng paglalakad.  Kung may sasakyan ka, tiyaking mayroon kang sapat na gasolina. Gagamitin ninyo ito sa paglikas. Mag-expect na sa panahong ito ay mabigat ang trapiko. Mga Dapat Gaw...

Tips Sa Commuters Para Sa RAINY SEASON

Tag-ulan na naman kaya mapapadalas ang hirap sa pagbabiyahe dahil sa baha at ilan pang problemang hatid ng ulan. Ito ang mga Tips para sa mga commuters ngayong rainy season na sa Pinas: BRING SLIPPERS. Numero unong kailangan ang tsinelas kapag umuulan. Habang nagbabalerina ka kasi sa putik o sa tubig, mapananatiling tuyo ang iyong sapatos kung ito ay gagamitin. Gayundin na tiyak na hindi ito masisira at hindi na ito kailangang linisin. Pwede mong iwan ito sa iyong opisina kung hindi mo kailangan. Dagdag pa rito, mas mapadadali nito ang iyong paglalakad, lalo na kapag lagi kang naka-high heels. BRING EXTRA CLOTHES. Dahil wala naman talagang tiyak na makapagsasabi  na bubuhos ang ulan, hindi mo rin alam kung kailan ka mababasa lalo na kung hindi mo hilig ang magdala ng payong. Sakit naman ang abot mo halimbawang basa ang iyong damit at nakatutok ka pa sa air conditioner. Sa ganitong pagkakataon, imbes na bumili ka ng panibagong damit, mas maiging magbaon ka na lang. BRI...