Isa sa pinakamahirap iwasan na bisyo ng mga Pilipino ang paninigarilyo . Alam ninyo bang sampung Pilipino ang namamatay kada oras dahil sa sakit na dulot nito habang may 500 bilyong piso naman ang nawawala taun-taon para sa healthcare costs at productivity losses, ito ay ayon sa mga anti-tobacco group. mula sa google image Ang sigarilyo ang dapat na katakutang produkto at dapat nang ipagbawal sa bawat bansa. Taglay ng sigarilyo ang 400 kemikal at ilan dito ay toxic compounds at sobrang sama sa katawan. Ang laman ng sigarilyo ang sinasabi ng doktor na nakasasama. Heto ang ilan sa mga kemikal na matatagpuan sa sigarilyo . Nikotina - ito ang droga na inihahalo sa sigarilyo para maadik ka pa dahil kapag adik ka, bili ka nang bili at matutuwa ang manufacturer. Ang toxic compound na ito ay ginagawang pesticides kaya humihithit ka ng pestisidyo. Ang tanging kaibahan ay binubura nito ang iyong malusog na baga. Tar - ito ang substansya na pinagdidilaw ang ngipin, baga at ...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc