Skip to main content

Posts

Showing posts with the label business

Patok na Negosyo Sa Puhunan Na 100,000 | Kumita Ng Doble Sa PRINTING SHOP BUSINESS

Patok na Negosyo  Kumita ng Higit 100,000 sa Isang Buwan  PRINTING SHOP NEGOSYO PACKAGE KLIK MO DITO PARA MA-AVAIL SA INSTALLMENT Heto na ang negosyo para sa iyo. Kumita ng higit P100,000 a month PUHUNAN:  168,000.00 Pwedeng installment Up to 24 months, as low as  ₱ 10,612.56 per month POWER SA KITAAN SA PUHUNAN MONG 168 K Ito ang katumbas ng puhunan mo: Product details of New Negosyo Package Inclusions : Photo Printing Epson L805 Photo Printer Photo Printer Template A4 Size Rough Satin 4R Size Rought Satin 3R Size Rough Satin 3×4 Tarpaulin Tumbler with Handle Tumbler Without Handle Acrylic Keychain (Small) UV Dye Ink (Cyan, Magenta, Yellow, Black, Light Magenta, Light Cyan) Mug Press Quaff Mug Press Thermal Tape Inner Color Mug White Mug Magic Mug Sublimation Paper Sports Jug Epson L120 Printer Sublimation Ink ( Cyan, Magenta, Yellow, Black ) Cameo Cutter Plotter ...

Dishwashing Liquid Business Paano Ba?

Para sa mga ginang na naghahanap ng pagkakakitaan. Subukan ang negosyo na pagbebenta ng dishwashing liquid, fabricon, detergent at iba pang uri ng sabong panlinis. Sa murang puhunan ay maaari ka nang makapagsimula. Hindi mahirap simulan ito para sa mga ginang na likas na magiliw sa pagbebenta. Patok na negosyo ito kung marami kang kilalang kapitbahay o kaibigan na pwede mong pagbentahan. Mas mapapadali naman ang pagbebenta kung may sarili kang pwesto kahit maliit lamang. Paano Ba Magsimula? Una na, mahalaga sa negosyong ito ay ang pagkukunan ng may kalidad na produkto na may murang wholesale price. Kumontak ng supplier na malapit sa iyo o madali mong pagkukunan ng supply. Halimbawa, kung nasa Cavite area ka, maaari mong i-email ang iyong contact number sa tipsnikatoto@gmail.com para maipaabot namin sa supplier dito sa Cavite ang iyong interes sa ganitong negosyo. Ang order ay pwedeng i-pick up sa store o i-deliver sa aming piling pick up points ( Malls within Imus, Dasm...

Tips Para Maging Reseller Ng Couple Shirts At Personalized Items

Ang artikulong ito ay hatid sa inyo ng Monster Prints - A Print Shop in Imus, Cavite Ikaw ba ay nagbabalak na mag-negosyo pero wala kang malaking puhunan? Bakit hindi mo subukang maging Reseller ng Couple Shirts at Personalized Items ? Ang pagiging Reseller ay madali lamang gawin. Hindi mo rin kailangan ng pwesto o malaking kapital para makapagsimula. Ang RESELLER PROGRAM ay hindi na bago sa Pilipinas, kung minsan ay naihahambing din ito sa Direct Selling. Paano ba maging isang Reseller?  Una siyempre ay kailangang humanap ka ng produkto o serbisyo na sa tingin mo ay hindi ka mahihirapang ialok o ibenta. Pwede itong damit o mga giveaways, pwedeng gadgets o pagkain. Depende, kung ano ang hilig mo. Mahirap naman kasing magbenta ng mga produktong hindi naman saklaw ng interes mo hindi ba? Ngayon, sa tingin ko kaya ka narito sa blog na ito ay dahil nais mong maging Reseller ng Couple Shirts at Personalized Items. Hindi ako pwedeng magkamali at hindi ka rin naman nagkamali...

Business Tips: Negosyong Uso P500 to P3k Capital

Nag-iisip ka ba ng negosyong pwedeng simulan sa maliit na kapital na 500 pesos hanggang 3k ? Kung nais mong mag-negosyo ngunit limitado lang ang iyong perang puhunan, huwag kang mag-alala sapagkat maraming business ang pwedeng simulan sa mababang puhunan ngunit may potensyal na kumita ng malaki. Ito ang ilan sa mga negosyong uso sa kahit anong panahon. Paggawa ng pabango at cologne . Sino ba naman ang ayaw na sila ay maging mabango? Madali at masaya ang paggawa nito. Ang profit margin para sa negosyong ito ay higit 300 poryento. Paunang Capital: 1,500 para sa 100 grams ng pabango. Ito ay maaari nang makagawa ng 12-13 roll-on bottles.  Tips: Ang production cost mo ay nasa 115.00 pesos. Pwede mong i-mark up ang produkto ng hanggang 300 porsyento. Paggawa ng Puto . Isa sa mga pinoy delicacy na madaling gawin at ibenta. Pwede ring mas mataas ang benta mo sa mga puto na may flavor ngunit tiyak na abot kaya pa rin ito ng masa.  Paunang Capital: 500 pe...

Tips Sa Pagkuha ng Business Permit

Sa pagsisimula ng isang negosyo, importanteng hakbang ang pagkuha ng business permit at lisensya. Para maging legal ang iyong pag-nenegosyo, may ilang government agencies ang kailangan mong puntahan depende sa uri ng negosyong iyong papasukin. Una na riyan ang Department of Trade And Industry. Sa kanila mo ipare-rehistro ang pangalan ng iyong negosyo. May mga regional at provincial branches ang DTI. Importanteng ipa-rehistro mo sa kanila ang pangalan ng iyong negosyo upang magkaroon ka ng eksklusibong karapatan dito. Required para sa mga single proprietor ang gawin ito at opsyonal naman para sa isang partnership business at korporasyon. Pwede ka ring mag-apply online ng iyong business name. Magtungo lamang sa bnrs.dti.gov.ph Dapat namang magtungo ang isang partnership at corporate business sa Securities and Exchange Commission . Para ito’y maging legal at judicial entity.  Ang website nila ay sec.gov.ph Kailangan mo ring mangalap ng kaukulang permiso mula ...

Free Android Apps- Tulong Sa Iyong Negosyo

Sa bilis ng pagbabago sa mundo ng pagnenegosyo ay kinakailangang makasabay ka sa takbo nito kundi ay mapag-iwanan ka ng iyong mga ka-kompetensya. Isa na rito ang pagsunod sa mga bagong teknolohiya at pag-aaply nito sa iyong negosyo tulad na lamang ng mga android app. Alam ninyo bang may mga android app na may hatid na tulong sa iyong negosyo. Heto ang ilan na pwede mong subukan ng libre. FREE Android Apps for Your Business Kingsoft Office – sa tulong nito ay pwede mo nang makita at i-edit ang iyong mga office files kahit nasaan ka pa basta’t dala mo ang iyong android capable gadget tulad ng iyong cellphone o tablet. Evernote – pwede kang magsulat ng note at mag-record ng voice reminder. Malaking tulong ito para maging organize ka sa iyong negosyo at maging lalong produktibo. CamScanner- gamit ang camera ng iyong cellphone, sa pamamagitan ng app na ito ay pwedeng magsilbing fax machine at scanner ang iyong cellphone. Maihahatid mo na sa iyong mga kliyente ang iyo...

Tips Sa Pagsisimula Ng Silog At Sisig Food Cart

Isa sa mga paboritong pagkain ng mga Pinoy ang silog at sisig . Kaya’t bakit hindi mo simulan ang magtayo ng isang food cart na negosyo na ang pangunahing produkto ay silog at sisig recipe. Hindi mo naman kailangan na magfranchise ng mamahaling food cart para magsimula. Bakit hindi mo simulan sa maliit. Kahit hindi masyadong kamahalan ang paggawa sa food cart mo, kung masarap naman ang iyong sisig at silog ay kaya nitong makipag-kompetensya sa mga naglalakihang food cart sa mall. Para magsimula ng silog at sisig food cart , ang kailangan mo lang ay ang kalidad ng iyong food cart na mayroong kumpletong kagamitan ( iyung may warranty) at syempre produkto. Huwag mo ring kalimutan na i-rehistro ang iyong negosyo para sa legalidad nito. Pwede mo ng simulan ang iyong negosyo makalipas lamang ang dalawang linggo pagkaraan mong kumuha ng kaukulang permit. Bukod sa sisg at silog, ikaw ang bahala kung nais mo pang magdagdag ng iba pang lutong pagkain o produkto, walang restriksyon. ...

No Money Pero Gustong Mag-Negosyo Paano?

Madami na sa ating mga kababayan ang nais magsimula ng negosyo dahil na rin sa hindi naman ganun kalaki ang kanilang kinikita bilang isang empleyado o mga talagang hindi pinalad na matanggap sa trabaho. Ngunit marami rin ang walang sapat na puhunan para magsimula. Kung kaya’t bukod sa dami ng bilang ng mga nais magnegosyo ay dumarami rin ang mga taong nagiging interesado kung paano sila mag-nenegosyo ng walang kapital. No money kamo para magsimula ng negosyo? Heto ang ilang tips para sa mga interesado: Gamitin ang iyong talento, kakayahan at abilidad. Kung wala kang sapat na puhunan para simulan ang iyong ninanais na negosyo ay subukan mong mag-ipon ng pang-kapital gamit ang sarili mong kakayahan. Halimbawa, kung ikaw ay isang graphic artist ay pwede kang mag-freelance sa simula at kapag dumami na ang iyong mga kliyente ay tiyak na makaka-ipon ka na ng puhunan para makapagpatayo ng sarili mong maliit na negosyo. Iba pang talento o skill na pwede mong magamit para kumita ay...

Tips Sa Paggawa ng Homemade Tocino

Dalawa sa all-time favorite na pagkain ng pinoy lalo na’t sa almusal ang Tocino at Longanisa. Masarap na i-partner ito sa mainit na kanin o sinangag. Bukod sa masarap na lasa ay masarap din itong pagkakitaan. Halina’t tuturuan naming kayong gumawa ng homemade Tocino para magkaroon ka ng extra income: Mga Sangkap ng Pork Tocino Apat a kilong pork round o shoulder butt P640 Apat na teaspoon ng phosphate P2.00 1 tasa ng tubig ½ tasa ng asin P5.00 2 teaspoon ng curing salt P1.00 3 tasa ng asukal P18.00 ¼ tasa ng dinurog na bawang P10.00 ½ tasa anisado wine P5.00 ½ tasa ng pineapple juice P15.00 Opsyonal naman ang food coloring na kulay pula P1.00 2 tableta ng dinurog na ascorbic acid P5.00 Ito naman ang paraan ng pagluluto: Hiwain ang baboy. Ang kapal ng piraso ay dapat na may sukat na ¼ pulgada. Ilagay ito sa fridge. Magtunaw ng phosphate sa tubig. Sa isang palangana, pagsamahin ang rock salt, curing salt at phosphate solution. Paghaluin ito...

Tips Sa Paggawa ng Powder Detergent Fabric Softener at Dishwashing Liquid

--> Tatlo sa pangkaraniwan ng panlinis sa bahay ay ang detergent para sa paglalaba, fabric softener para maging mabango at malambot ang mga nilabhang damit at dishwashing liquid na maigi sa pagtanggal ng dumi at lansa sa plato at iba pang gamit sa hapagkainan. Sa mga nais kumita ng extrang pera. Pwedeng-pwede mong subukang magbenta ng powder detergent, fabric softener at dishwashing liquid. Ito ang Tips Sa Paggawa para sa tatlong produktong ito - mga kailangan: Basin Wooden Ladle/ Plastic Ladle Tasa at kutsarang panukat Plastic bag na transparent Timba Electric stove Maliit at medium size na botelya Timbangan Hand gloves Unahin natin ang paggawa ng powder detergent: Mga sangkap 1000 g ng soda ash 160 g ng Linear Alykyl Benzene Sulfuric (LABS) 100 ml ng distilled water 40 g sodium tripolyphospate (STPP) 800g sodium sulfate 100g sodium metasillicate 40g sodium perborate 20 g ng carboxy methyl celluse (CMC) 24 g coc...

Tips Sa Paggawa Ng Bamboo Lamp

Isang magandang dekorasyon sa kwarto at nagbibigay ng mumunting liwanag ang isang bamboo lamp . Hindi lang ito nagdaragdag ng ganda sa iyong tahanan dahil puwede mo rin itong pagkakitaan. Ang pagbebenta ng bamboo lamp ay isang magandang negosyo lalo pa’t dito sa Pilipinas ay sagana tayo sa kawayan. Gamit ang iyong crafting skill at pagkamalikhain ay tiyak na magiging patok sa mamimili ang iyong homemade bamboo lamp. Anu-ano ang mga materyales na kailangan sa paggawa ng bamboo lamp? Isang piraso ng 1 pulgadang plywood Isang piraso ng kawayan Isang lagari Isang gamit sa pang-ilaw Copper weather- stripping na pako Martilyo at swag Paano ito gagawin? Magsimula sa piraso ng 1 pulgadang plywood. Gumamit ng tape measure para gumuhit ng 2 4x4 na parisukat sa dalawang parisukat, gumuhit ng isa pang parisukat sa loob ng orihinal na guhit. Gamitin ang isa sa mga parisukat, gupitin sa linya gamit ang lagari Magbarena ng maliliit na butas sa loob ng pangalawang par...

Tips Sa Paggawa Ng Business Card

Huwag mong maliitin ang bisa ng 2.5 x 3.5 piraso ng card na bitbit mo sa iyong wallet. Ang sinasabi ko ay iyong business card na madalas na ipagsawalang bahala sapagkat isa pa rin ito sa mabisang marketing tool para sa mga entrepreneur na gaya mo. Iyong mga maliliit na impormasyon o detalye na nilalaman ng iyong business card ay malaking bagay para sa iyong target na kliyente o mga potensyal mong customer-  sa pamamagitan nito ay magkakaroon sila ng ideya kung ano ang ino-offer ng iyong kompanya. Mas madali kang matatandaan ng mga prospect mo dahil sa malikhaing ideya na naka-detalye sa iyong business card. Naka-depende rin sa kung paano mo dinesenyo kung ito ay itatago o itatapon lang ng iyong pagbibigyan. Ang business card ay hindi lang isang calling card, na madalas ganito ang tawag ng ilan dito. Ito ay card kung san nagbibigay ito ng detalye tungkol sa iyong negosyo.Ito ay maituturing na mini-corporate brochure o mini-product brochure na puwede mong ilagay sa i...

Paano Magsimula ng Button Pin Negosyo

Isang magandang craft project para sa mga kabataan na estudyante ang paggawa ng button pin. Maganda rin itong pang-regalo sa tuwing may okasyon tulad ng kasal, birthday o debut. Patok na patok namang ipamahagi ito sa mga botante sa tuwing sasapit ang eleksyon. Kaya’t kung nais mong magsimula ng isang maliit na negosyo ay subukan ang pagbebenta ng button pin. Sino-sino ang mga potensyal na bibili ng button pin? Mabili ito sa mga taong mahilig sa seasonal at holiday crafts. Madalas naman ang paggamit nito sa mga paaralan kaya’t magiging mabenta ito sa mga guro, administrator , pta members at syempre pa mga estudyante. Maganda ring ideya ito para makakalap ng pondo. Kaya’t madalas maibenta ito sa mga organisasyon na nagsasagawa ng mga fund rasing. Kapag may okasyon lalo na sa mga simbahan o youth organization, madalas mangailangan ng button pin. Lalo pang mabili ang button pin sa mga negosyong nais magpakilala ng bagong produkto. Instant boss ka sa but...

Paano Magsimula ng Negosyong Nail Salon

Mahilig ang mga babaeng magpa-manicure at pedicure kada dalawang linggo, ang iba nga’y mas madalas pa rito. Kaya naman isang patok na negosyo rin ngayon ang nail salon dito sa Pilipinas. Kung ikaw ay lisensyadong nail tech o isang entrepreneur na naghahanap ng isang negosyong patok, maaaring ang pagpapatayo ng isang nail salon ang iyong pinakahihintay. Ang pagkakaroon ng magagandang kuko ay tiyak na nasa listahan na ng mga kababaihan tulad sa pagbisita nila sa isang nail salon. Makikita mong ang mga babae ay nagkakandarapa na makita ang kanilang manikurista.. Ito ang ilan sa mga mahahalagang bagay sa pagsisimula ng nail salon: LEGAL Upang maging legal ang iyong negosyo ay nararapat lamang na isang lisensyadong nail tech o certified ka sa pagsasagawa ng manicure at pedicure o iba pang pag-aalaga sa kuko. Hindi pinahihintulutan ng board of health ang mga hindi lisensyadong nail tech na mag-operate ng nail salon. Sa kabilang banda, kung hindi ka man certified nail tech a...

Tips sa Pagsisimula ng Negosyong Beauty Supply

Sa panahon ngayon, lalake man o babaeng Pinoy ay pareho nang beauty conscious at vain. Kaya naman kung hanap mo ay negosyong patok dito sa Pilipinas ay puwede mong subukan ang pagpapatayo ng beauty supply store. Napakaraming produkto ang pwede mong ibenta. Pwede kang magsimula sa isang klase ng produkto at kapag kumita na ay pwede mo nang palawakin pa ito sa pagdaragdag ng iba pang beauty product. Puwede kang magsimula ng sarili mong beauty supply store. Ang mga produktong pwede mong ihanda ay make-up, facial cream, anti-aging products, lotions at pabango. Basta’t may kinalaman sa pagpapaganda ay pwede mo itong idagdag sa iyong supply. Sa pagsisimula pwede kang makipag-tie up sa mga beauty manufacturers. Ang mga ito ay nagsusupply ng maramihan o dami ng supply ayon sa inyong napagkasunduan. Dapat ay catchy din ang pangalan ng iyong negosyo para ay brand recall sa tao pagkatapos ay pwede ka ng magbuo ng sarili mong label para sa mga beauty supply na iyong ibebenta. Kad...

Tips Para Umasenso Ang Iyong Catering

Sa ngayon, malaki na ang kompetisyon pagdating sa catering business . Kaya naman bilang may-ari ng ganitong klaseng negosyo ay dapat lawakan mo ang iyong isip sa mga bagong konsepto. Bakit hindi mo subukan ang Theme Catering – baka ito na ang paraan para umasenso ang iyong negosyo. Ordinaryo na sa mga caterer ang paghahanda ng menu at pag-seserve ng mga pagkain para sa kanilang kliyente. Pero ang konsepto ng theme catering ay iba, sapagkat mula sa pagkaing lulutuin, paghahanda, pagseserve sa mga kakain ay sakop nito pati ang dekorasyon, musika na gagamitin para sa okasyon at anumang paghahanda na kinakailangan sa event. Maraming theme ang pwede mong subukang i-offer sa iyong mga kliyente tulad ng Spanish town fiesta, Hawaiian luau party, o isang Moroccan theme wedding party. Sa ganitong uri ng catering kinakailangan mong makipagtulungan din sa party planner ng event na iyong pagsisilbihan. Sa pagkain madalas at paborito ng mga kliyente sa Pinas ang lutong pinoy, ...

Tips Sa Paggawa Ng Aroma Candle

Ang aroma candle ay mayroong dulot na magandang benepisyo sa iyong katawan kapag naamoy mo ang halimuyak nito. Dulot nito ay positive aura at good mood sa isang taong maka-aamoy ng bango ng aroma nito . Isa sa mga sikat na herbal aroma ay ang lavender.  Ngayon ay tuturuan naming kayo katoto na gumawa ng therapeutic aroman candle para naman magkaroon kayo ng sideline. Opo, ang paggawa nito ay makapagbibigay sa iyo ng extrang kita. Para ito sa mga nanay at estudyante na nais magkaroon ng part time na pagkakakitaan. Heto ang tips sa paggawa ng Aroma Candle . Sa mga materyales ay kinakailangan natin ng mga sumusunod: 500 g paraffin wax sa pellets 600 g ng gel wax 10 g wax dye 5 pulgada ng nylon wick Lavender essential oil ang gagamitin natin para sa aroma Sa mga kagamitan , ito naman ang ating mga kakailanganin: Timbangan Takure Kalan Wooden stick tulad ng chop stick Wick sustainer Maliit na palangana Anim na plastic cup Gunting 4 na p...