Skip to main content

Posts

Showing posts with the label saging

Tips Para Sa NORMAL HEARTBEAT

Isang malaking benepisyo para sa mga taong nagdaranas ng heart disease ang mga pagkaing kayang mag-regulate ng heartbeat. Dahil kung minsan ang heart rate ay tumataas bago pa man ang heart attack. Maaari mo ring maranasan ang pagtaas ng pulso dahil sa stress. Isa pang dahilan ang high blood pressure na sanhi rin ng pagbilis ng heartbeat. Ayon sa BoldSky, ito ang ilan sa mga pagkain para mag-normalize ang heartbeat. YOGURT Dahil sa ito ay mayaman sa vitamin B 12 ay kaya nitong gawing  normal ang pintig ng puso. Ang mga pagkain kasi na mayaman sa vitamin B 12 ay kayang mag-develop ng nerve cells, na siyang nagpapatibay sa ating nervous system para lumaban sa stress. SAGING Mayaman naman sa potassium ang prutas na ito, na siyang importanteng electrolyte para sa ugnayan ng puso at utak. Dahil diyan kaya ng saging na mag-regulate ng ating heartbeat. BAWANG Isa sa mga pagkain na mabuti sa kalusugan ng ating puso. Mayroon itong allicin na siyang nagpapahinto ng mga free...

Mga Prutas Na Panlaban Sa FLU

Nakararanas ka ba ng mga sintomas ng trangkaso o flu? Kung oo, dapat ay bumuti ang kalagayan ng iyong immune system sa pamamagitan ng mga masusustansyang pagkain. Ito ang ilan sa mga prutas na maiging panlaban sa FLU Mansanas Ang prutas na ito ay mayaman sa antioxidant. Bukod pa roon, mayroon din itong flavonoid compounds na nakatutulong makaiwas sa heart disease pati na rin ang cancer. Kaya’t ugaliin ang pagkain ng mansanas kung nais mong madaling maka-recover sa trangkaso. Papaya Ang papaya ay mayaman sa beta-carotene, vitamin C and E, na tumutulong  makabawas sa inflammation at pati na rin sa mga sintomas ng flu. Saging Isa pa sa mabisang panlaban sa flu ay ang saging. Mayroon itong Vitamin B6 na kayang pahupain ang sintomas ng depresyon, stress, at insomnia. Nakakatulong din ito para palakasin ang enerhiya. Mayaman din ang saging sa magnesium na malaking tulong sa pagpapatibay ng buto. Ang saging ay mayaman din sa potassium na tumutulong upang makaiwa...

Saging – Ang Prutas Laban Sa Banta Ng Stroke

May pag-aaral na isinigawa ng mga British at Italian scientist na nagpapatunay na may malaking tulong sa kalusugan ng puso ang pagkain ng saging araw-araw. At kung ikaw ay kakain ng tatlong saging kada araw ay bababa ang panganib na ikaw ay ma-stroke. Ayon sa mga syentista, ang pagkain ng saging sa almusal,tanghalian at hapunan ay sapat na upang punan ang pangangailangan ng katawan sa potassium, ito’y upang maiwasan ang panganib ng blood clot sa ating utak ng higit 20 poryento. Ang pagtuklas na ito, ayon din sa Times of India, ay nagpapakita na ang pagkonsumo pa ng iba pang pagkain na mayaman sa pottasium ay makapagpapaiwas sa banta ng stroke. Ang mga pagkain tulad ng kintsay, mani, isda, at lentil. Sa bagong pag-aaral, ang mga syentista ay nag-analisa ng 11 pag-aaral mula noong mid-1960’s at kinalap nila ang resulta. Natuklasan nilang ang araw araw na pagkonsumo ng higit kumulang 1,600 mg ng pottasium. Ang kalahati na rekomendadong 3500 mg para sa matatanda ay ...