Matapos kuwentahin ang mga gastusin sa pagbabalik-eskuwela sa panahon ng kawalan ng trabaho, ang kasunod na konsiderasyon ay kung saan kukunin ang perang pantustos sa pag-aaral.May ipon bang pera na maaaring ipandagdag sa mga gastusin? May nga ari-arian bang puwedeng ipagbili? Tandaang hindi dapat gamitin para rito ang pondo sa pagreretiro dahil mahihirapan nang kitain ang dapat sana’y tutubuin ng pera kung hindi ito gagalawin. Ang dapat sa ganitong sitwasyon ay ipagpatuloy ang pamumuhay na gamit ang pormula: “Kita bawasan ng ipon ay paggastos” o “ Income minus savings equals expenses.” Maliban sa ipong pera, maaaring bigyan ng konsiderasyon ang mga sumusnod para makapag-aral: 1) Mag-aplay ng scholarship sa TESDA (Technical Education and Skills Development Authority) o sa iba pang ahensya ng gobyerno o pribado na nagbibigay ng mga libreng edukasyon. 2) Mag-aral sa gabi o tuwing weekend o ‘di kaya sa pamamagitan ng internet online education. Sa ganitong para...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc