Skip to main content

Posts

Showing posts with the label cherry

Strawberry Raspberry Cherry - Sanhi ng HEPATITIS

Mula sa pinakabagong pagsusuri pagdating sa mga pagkain ay sinasabi na ang mga frozen na prutas tulad ng cherry, blueberry, raspberry, at strawberry ay nagiging sanhi ng sakit na Hepatitis .  Ang naturang mga prutas ay inilalagay sa package container at maingat na naka-sealed ngunit mangyari na nagiging contaminated din ng mga mikrobyo.  Kilala ang hepatitis na mataas na banta ng liver infection kung saan sa Turkey ay nakakumpiska ng mahigit 61,092 ounces ng mga plastic bag ng frozen organic fruits.  Matapos idaan sa pagsusuri ng Food and Drug Administration ang mga plastic bag ng mga frozen na prutas ay napatunayan nga itong positibo sa contamination ng virus na Hepatitis A at B ay posibleng maging malaking banta sa pagkakaroon ng outbreak sa maraming tao na bibili at kakain nito. Sinubukan na i-recall sa mga merkado ng mga kompanya nito ang mga naturang produkto matapos magkaroon ng mga sapat na ebidensya na ito ay contaminated ng nakamamatay na vi...

Tulong Sa Kalusugan Ng CHERRY JUICE

Maliit man ang prutas na cherry ay marami naman itong tulong sa ating kalusugan. Isa na rito ang pagpapahimbing sa tulog tuwing gabi upang magampanan natin ng husto ang mga aktibidad natin sa umaga. Tinukoy ng mga scientist sa School of Biological Sciences sa Unibersidad ng Northumbria na ang cherry juice ay nakapagpapabuti ng kalidad nang ating tulog. Sabi pa ng mga tagapagsaliksik, ang prutas na cherry ay may mataas na concentration ng melatonin, isang hormone na nakapagpapa-regulate ng tulog. Kung mahimbing ang tulog sa gabi ay mas mainam mong magagawa ang iyong trabaho sa umaga, ikaw ay masiglang makakakilos sa buong araw. Para patunayan ito, naghanap ang mga researcher ng 20 boluntaryo. Sa isang linggo, ang mga ito ay kumonsumo ng 30 milli liters ng cherry juice at iba pang juice araw-araw. Para sa evaluation ng melatonin, kumolekta ang mga eksperto ng urine sample bago at pagkatapos ng experiment. Bukod pa riyan, pinasuot din ng wristwatch sensor ang mga boluntaryo...