Skip to main content

Posts

Showing posts with the label sakit ng babae

Health Awareness: 5 SIKRETONG HINDI DAPAT ITINATAGO SA MGA DOKTOR

Para maagapan ang mas malala pang sakit… SADYANG may mga bagay sa buhay ng isang tao na nais lamang niyang itago at hindi na ibahagi pa sa iba. Gayunman, kapag ang ilang sikreto ay ipinagkakait din mismo sa mga doctor lalo na kung tungkol sa nakahihiya ngunit importanteng detalye sa kalusugan, gawi o lifestyle – maaaring isinasaalang-alang ang sariling buhay. Ilan sa mga halimbawa ng mga lihin na hindi dapat itago sa doktor na para na rin sa sariling kalusugan at kapakanan ay kinabibilangan ng mga sumusunod: 1. Pag-iinom, droga at paninigarilyo. Batid ng lahat na ang mga ito ay hindi mainam sa isang tao, kung saan, malamang na ito ang isa mga dahilan kung bakit ayaw ibahagi ng isang tao ang kanyang masamang gawi. Ngunit ang mga ito ay maaaring makapaglihis sa mga doktor sa pagkuha ng tamang diagnosis – na posibleng ikapahamak ng isang pasyente. 2. Hindi normal na pag-ihi at pagdumi. Maraming ...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...

Myoma: SANHI, SINTOMAS AT LUNAS

Myoma ang pinaka-common na benign tumor sa mga kababaihan.Uterine leiomyoma ang tawag namin dito. Ang tumor na ito ay binubuo ng mga muscle tissue, kadalasan ay marami ito at bibihira lang ang isa o isolated tumor. Madalas na makita ito sa katawan ng matris subalit puwede rin sa kuwelyo ng matris (cervix). Ang myoma ay nakikita sa humigit-kumulang na 30% ng mga babaeng lampas na sa edad 35 at bihira lang na nauuwi ito sa cancer, mga 0.1% lang. Hindi pa alam kung ano ang tiyak na sanhi nito, subalit sinasabing ang hormonang “estrogen” at “human growth hormone” ang nagdudulot ng tumor. Ang teoriyang ito ay pinaniniwalaan sapagkat napansin ang maraming amount ng astrogen lalo na kapag nasa later stage na ng pagbubuntis, ay nagdudulot ng paglaki ng tumor. Kadalasang lumiliit at nawawala ang myoma kapag nag-menopause na ang isang babae (kung kalian maliit na rin ang produksyon ng kanyang estrogen). @ Isa sa senyales na may myoma ang isang babae ay ang pagdurugong m...