Skip to main content

Posts

Showing posts with the label SLIM

Tips Kung Paano Ginagawa Ang JAPANESE DIET

Hindi naman linggid sa ating lahat na isa ang mga haponesa na may magagandang kutis at hubog ng katawan. Pero hindi naman ganun kadali nila ito nagawa. Sadyang mayroon lang silang trick kung paano ito gawin. Ito ang tips kung paano ginagawa ang Japanese Diet base sa Slim Secrets of Japanese People, ulat ng Nine MSN. Ibase ang iyong diet sa pagkain ng isda, soy, kanin, gulay at prutas. Ibig sabihin hindi naman puro fats ang makikita sa mga healthy food na yan. Ang mga japanese ay madalang kumain ng karne. Kung kaya naman nananitiling slim ang kanilang pangangatawan. Mas madalas din kumain ang mga japanese sa mga maliliit na mangkok. Tulad nila, kung gusto mong pumayat dapat na small portions lang ang pagkain mo. Hindi ka madaling tataba kung paunti-unti lang ang kain mo. Dapat na mabagal lang din ang pagkain at i-enjoy mo ito. Light lang din ang mga pagkain ng mga Japanese. Sa pagluluto ay gumagamit sila ng Canola oil na isang uri ng light oil. Ang paraan din ng kanilang paglul...

Mga Gawaing Bahay Na Pampapayat (SLIM)

Sinong nagsabing sa gym ka lang pwedeng pumayat o sumeksi? Alam ninyo bang kahit nasa bahay ka lamang ay pwede ka ng maging slim? Maraming gawaing bahay kasi na pwede mong maging ehersisyo araw-araw. Ito ang ilan sa mga ito: Magligpit ng iyong higaan. Alam ninyo bang 130 calories na ang iyong kayang sunugin sa pamamagitan pa lang ng pag-aayos ng inyong higaan? Katumbas ito ng 15 minutes na pagte-treadmill sa gym. Maglinis ng banyo. 200 calories naman ang kaya mong sunugin sa pagscrub ng sahig, tiles, toilet bowl at bath tub sa loob ng inyong banyo. Maglinis ng bintana. 125 calories ang kayang masunog sa pagpapakintab pa lang ng inyong bintana. Kayang-kaya mong mabawasan ang iyong taba. Maghugas ka ng plato. Sa paraang ito tiyak na 160 calories na ang kayang masunog. Kaya’t huwag lang kain ng kain, at huwag katamaran ang paghuhugas ng pinggan. Gumamit ng walis at pandakot sa paglilinis o di kaya’y vacuum cleaner. Kaya nitong tanggalin ang 90 calories sa i...