Skip to main content

Posts

Showing posts with the label pms

Tips Sa May PMS (Pre-Menstrual Syndrome)

Ang Pre-Menstural Syndrome o PMS ay sinasabing dulot ng sobrang dami ng estrogen (hormonang pambabae) at kakulangan ng progesterone ( ito 'yung klase ng hormone na inilalabas ng obaryo). Ang mga sintomas na kaakibat ng PMS, pisikal man o behavioral, na lumalabas sa kalagitnaan ng menstrual cycle ay nakakaapekto sa trabaho at pag-uugali at pagkatapos ay kusa na lang mawawala ang mga sintomas na naranasan. Tinatayang 40 porsyento ng mga babae ay nakaranas na nito lalo na iyong nasa edad na 18 pataas. Ang mga   sintomas ay iba-iba depende sa babae at narito ang ilang karaniwang sintomas na ikinabit sa PMS. PISIKAL NA SINTOMAS: Pananakit sa dakong balakang Pananakit ng suso Pakiramdam na parang tumataba Pakiramdam na parang bunsol Pagbabago sa pagdumi Sakit ng ulo Pananakit sa dakong balakang Marami rin itong kaakibat na psychological symptoms bukod sa mga nabanggit na pisikal na sintomas ng PMS. Narito ang ilan na psychological symptoms: Iritable Panghihi...

Pre-Menstrual Syndrome- Tips Sa Pananakit Ng Puson

Ayon sa pag-aaral ay kinakailangan na matanto sa gene ng bawat babae na nakararanas ng pre-menstrual syndrome ang dahilan ng pagsumpong nito. Ito ang ilang tips ng mga eksperto para lunasan ang PMS. Itaboy ang PMS mula sa pagkain kada dalawang oras. Ang pagpapanatiling steady ng blood sugar sa pamamagitan ng pagkonsumo ng kaunti at magagaang na pagkain kada dalawang oras, sa halip na pagkonsumo ng mabibigat na almusal, tanghalian at hapunan ay mahusay upang tuluyang maitaboy ang sintomas. Ayon sa eksperto, ang pagpapanatiling steady ng blood sugar ng isang babae ay mainam na sandata upang maging normal ang gene ng katawan. Kumonsumo ng Vitamin B6 para maitaboy ang iritasyon. Ang tinatawag na PMS gene ay nagbubunsod sa mood-elevating brain chemical serotonin. Gayunman, mainam ang pagkonsumo ng 100mg. Vitamin B6 sa araw araw, sapat na upang maiwasan ang tinatawag na genetic malfunction at makabuo ng produksyon ng seratonin na tinatayang nagpapabuti sa nararanasang iritasy...

Mga Natural Na Lunas Sa Pre-Menstrual Syndrome (PMS)

Ating isinulat sa nakalipas na araw ang tungkol sa Pre-Menstrual Syndrome . Napag-usapan natin ang tungkol dito, sintomas at lunas pati. Ngayon nama’y mababasa ninyo mga katotong kababaihan ang tungkol sa natural na paraan para lunasan ang pre-menstrual syndrome. Muli ang pre-menstrual syndrome ay mga kakaibang sintomas na nararamdam ng isang babae bago siya reglahin . Ang ilan dito ay may kinalaman sa pisikal, emosyunal, pati sa pag-uugali o behavioral na aspeto ng isang babae. Aspetong Pisikal:  Ang babae ay maaaring makaranas ng paglaki sa kanyang dibdib, pamamaga, sakit ng ulo, pananakit ng balakang, fluid retention, pagdagdag sa timbang, hirap sa pagdumi, diarrhea, panlalagkit ng buhok at ng balat,pagkahapo atbp. Aspetong Emosyunal:  Ang babae ay maaaring maging irritable,pagkalito,pagkabalisa,hirap sa pagtulog,depresyon at pag-iisip ng pagpapakamatay (para sa severe  PMS) At sa Pag-uugali: Nagiging maasiwain ang isang babae. Hirap din ang isang b...

Pre-Menstrual Syndrome(PMS): Kaalaman Lunas Sintomas

Sapagkat dalaga ka na!Iyan ‘yung linyang narinig natin sa isang lumang commercial sa t.v patungkol sa pagkakaroon ng mens ng isang babae at paggamit ng napkin para dito. Napag-uusapan na rin lang ang pagdalaw ng mens-tanong ng ilan ay normal ba sa isang babae ang datnan ng mens 4 na beses lamang sa isang taon kumpara sa isang beses kada 28 days? Normal din ba sa isang babae na makaramdam ng kung anu-ano bago siya magkaroon ng mens? Ito ang ilang kaalaman tungkol sa tinatawag na pre-menstrual syndrome or what we called PMS . Not all women have the same monthly period. Sadyang hindi sila magkakatulad pagdating sa pag-reregla. Ang iba ay regular ang dalaw, kada 28 days at mayroon ding mga babaeng madalang kung dalawin ng regla (4-5 beses lamang sa isang taon) at may mga babae rin na nagiging regular ang kanilang menstruation kapag sila ay nagka-asawa na. Hindi naman sagabal ang apat hanggang limang beses sa isang taon para ang babae ay magdalang-tao.  According to OB-GY...