Skip to main content

Posts

Showing posts with the label aso

Healing Power Ng Mga Alagang Hayop (PETS)

Mayroon bang healing power ang pet mo? Sa katotohanan, kayang palabasin ng mga alagang hayop ang ating nurturing instinct. Pinararamdam nila sa  atin na tayo ay ligtas at sa atin ay may nakakaunawa. Kahit anu pa mang alagang hayop ang mayroon ka ay kaya mong maramdaman ang therapeutic benefits mula sa kanila. Puwede itong aso, pusa, goldfish atbp. Ito ang ilang benepisyo sa kalusugan na maibibigay ng pet mo sa’yo: Ang mga senior citizen na may alagang hayop at silang mga tumanda na sa harap ng maraming pagsubok at humaharap sa sandamakmak na stress at problema sa buhay ay mas nakadarama pa rin ng ginhawa sa pakiramdam kaysa sa mga matatandang walang alagang hayop. Mas mababa rin ang presyon ng dugo ng mga nag-aalaga ng hayop. Ayon sa mga tagapagsaliksik, iyong mga taong may alagang hayop na biglang nakaranas ng stress sa kanilang buhay ay mas mababa ang blood pressure kaysa sa mga walang pet.Ang mga pet owner din ay higit na mababa ang kolesterol level kaysa sa ...

Tips Sa Pag-rescue Ng Abandoned PETS

Isang sikat na aktres mula sa bansang India ang noo’y nakatagpo ng isang inabandunang aso malapit sa kanyang bahay. Mayroong maliit na sulat mula sa tagapag-alaga nito na nakasukbit sa leeg ng aso na nagsasabing hindi na siya kayang alagaan pa nito. Labis na naawa ang aktres ng makita ang kalagayan ng aso na sa kanyang tingin ay dumanas ng maraming paghihirap mula sa kanyang amo. Sa pakikipag-ugnayan ng aktres sa isang ahensya sa India na nangangalaga sa mga hayop ay nailigtas ang aso. Isa nang pangkaraniwang pangyayari sa buong mundo ang pag-aabanduna sa mga alagang hayop tulad ng aso. Ikaw anong gagawin mo kung may natagpuan kanghayop na inabanduna na lamang sa kalye? Ito ang ilang tips na dapat mong gawin? Maging handa sa pag-rescue. Sa susunod na makakita ka ng isang abandoned pet ay maging mabuti kang samaritano at tulungan ito. Tumawag sa anumang animal rescue center, animal welfare offices,24 hour veterinary clinic, at iba pang ahensya na makatutulong sa pag-re...

Tips Para Safe Si Kid Sa Pet Niyang Dog

Like na like ng kids ang mga aso, isa ito sa paboritong pet ng mga bata. Kaya’t bilang magulang ay tungkulin mo rin na sila’y maging safe sa kanilang alagang aso at tiyaking maalam sila kung paano aalagaan ito. Heto ang ilan sa tips para maging safe ang bata sa kanilang alagang aso: Humingi ng permiso sa may-ari. May tsansa na maging agresibo ang aso lalo at delikado na kaharap ang mga bata. Sabihin ang paslit na magpaalam muna sa may-ari ng aso bago batiin o himasin. Ilahad ang palad na mas mababa sa nguso ng aso para maamoy niya muna ito at kapg okey ang ganito ay ipagaya mo ito na gawin ng paslit. Hintayin ang aso na lumapit nang malumay sa inyo o sa bata. Huwag kayo ang unang lalapit. Kung ayaw nang aso na lumapit. Huwag siyang lapitan. Tingnan sandali sa mata ang aso at saka tumingin sa malayo. Ayaw kasi ng aso na siya ay tinitignan ng matagalan at diretso sa kanyang mga mata dahil para itong pagbabanta. Ang paglayo mo bigla nang tingin ay nakapagpapanatag...

Ang Malaking Tulong Ng Bug Sniffing Dog

Nakakabilib ang balitang ang asong ating kinagigiliwan ay pwede nang makatulong sa atin na hagilapin ang mga pesteng naninira sa ating facilities, bahay, eskwela, department atbp-ang mga pesteng tulad ng ipis, surot atbp. ay maaaring maging sanhi ng sakit para sa ating mga tao. Tunay nga namang dog is a man's bestfriend, dahil kahit kailan, maaasahan talaga si bantay. Basahin ang tungkol sa bug sniffing dog na ito. The Help of Bug Sniffing Dogs  Nagsilbing secret weapon sa pinagsanib na puwersa ng Department of Health and Education sa Tulsa,OK na magsagawa ng programa kaugnay sa pag-inspeksyon nila sa library sa tulong ng bug sniffing dog. Nagawang madali sa kanilang matukoy ang mga silid aklatan sa mga eskuwelahan na pinamumugaran ng peste tulad ng ipis at surot-kahit na hindi sila humingi ng tulong sa bug infestation team. Ipinakilala rin sa pamamagitan nito ang tanging bed bug sniffing dog sa Oklahoma na si Liberty Belle na isang beagle na talaga namang kinabibiliban ...