Skip to main content

Posts

Showing posts with the label kasal

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Simple Wedding-Tips Sa Pagpaplano Nito

Ang kasal ay isang selebrasyon ng pag-iisang dibdib ng dalawang tao at pinakamasayang sandali ito para sa couple, sa kanilang pamilya at mga kaibigan. Kung minsan, ang kasalan ay kailangang gawing madalian o mabilisan na kailangan ng maraming plano sa maigsing panahon. Heto ang ilang Tips kung paano planuhin ang kasalan. Simple Wedding Tips Simulan nang maghanap ng wedding dress. Maghanap online, sa Divisoria, o paboritong boutique. Kung nais magkaroon ng madaliang pagpapakasal, wala nang oras dahil gahol ka na sa panahon. Kung wala kang makitang wedding dress na mabibili, umarkila na lamang. Hindi kailangang mahaba ang laylayan basta maganda at putimputi ito at bagay na sa'yo. Agad magpareserba ng lokasyon para sa wedding at reception. Tawagan ang community center. Simbahan o hotel para magpareserba ng silid para sa inyong kasal at reception. Kung ikakasal kapag holiday, mahirap humanap ng bakanteng lokasyon. Kung ito ang kaso, tingnan kung ang pamilya o close friend a...