Skip to main content

Posts

Showing posts with the label sakit sa bato

Kaalaman Tungkol Sa Bato Sa URETER

Ito ay artikulong isinulat ni Dr. Shane Ludovice sa pahayagang Bulgar at ating ibinabahagi sa blog na ito para sa pampersonal na kaalaman. Kung nais pa ng karagdagang kaalaman ay maaaring sumanguni sa kanyang email sa dok@bulgar.com.ph. Ang pagkakaroon ng bato sa ureter ay dala ng labis o sobrang level ng calcium sa dugo, sobrang taas ng level ng uric acid at ng iba pang kondisyon. Posible rin ang sanhi nito ay madalas na pagpipigil ng ihi, mahinang pag-inom ng tubig  o impeksyon. Kung ang nabarahan ay ureter ( ito ang tubong nagkokonekta sa kidney at pantog) labis na pananakit ng tiyan ang mararanasan sapagkat humihilab ang mga masel ng nabarahang lugar dahil gusto nitong alisin ang mga nakabarang bato. Kaya dahil sa prosesong ito ay nakararanas ng paulit-ulit na atake ng matinding kirot sa apektadong lugar. Kung minsan ang atake ng pananakit ay sandali lamang dahil ang bato ay nahuhulog sa pantog o kaya sa bituka. Kung ang ureter ang nabarahan ay hindi makaka-function...

Ice Tea- Dulot Ay Sakit Sa Bato

Ang tea o tsaa ay napatunayan ng isang mabisang antioxidant na inumin. Ngunit ang palagiang pagkonsumo rin ng tsaa ay naghahatid din ng masamang epekto sa kalusugan. Ikaw ano bang iniinom ninyo sa bahay sa tuwing kakain, malamig na tubig ba o ice tea? Isang pag-aaral ang iniulat ng Health News Daily, na nagsasabing may panganib na hatid ang pakonsumo ng ice tea sa palagian. Ito ay maaring magdulot ng kidney stones o sakit sa bato. Ang pagsasaliksik ay ginawa ng Loyola University Medical Center. Ipinaliwanag nilang kapag malamig ang tsaa, ito ay maglalaman ng mataas na bilang ng oxalate. Ang kemikal na ito ay nakapagbubuo ng maliliit na kristal na mula sa mineral at asin. Hindi lang tsaa ang mayroong oxalate. Makikita rin ito sa kintsay, tsokolate at mani. Ang mga pagkain na ito ay may mataas na bilang ng kemikal na ito. Para sa mga taong may panganib na magkaroon ng impaired renal function, hindi inirerekomenda ang pag-inom ng ice tea. Ayon iyan kay Dr. John Milner,...