Skip to main content

Posts

Showing posts with the label mabuting dulot ng avocado

Good Benefits Ng AVOCADO Sa Ating Katawan

Ang avocado ayon sa pag-aaral ay mainam sa utak dahil sa fat na nakukuha rito. Lumabas sa pag-aaral na ang pagkain nito ay nakakadagdag upang bumilis at maging alerto ang isang tao sa kanyang pag-iisip. Maaring isang fatty food nga kung ituring ang avocado pero madami itong mabuting dulot sa kalusugan ng isang tao bukod pa sa masarap itong ihain sa meryenda lalo na't sasahugan mo ng gatas,asukal at malamig na yelo o di kaya naman ay gawin avocado shake, perfect meryenda na ngayong summer. Napag-alaman na ang avocado ay nakakatulong din upang pababain ang iyong mataas na kolesterol. Kaya din nitong paliitin ang tsansang magkaroon ng mga sakit gaya ng diabetes, stroke at coronary artery disease. May kakayahan din ang avocado na panatilihing maganda ang hubog ng iyong katawan. Akma rin ito sa mga nagdyedyeta. At panghuli, dahil sa mayaman sa phytochemicals ang avocado ay isa rin sa pwedeng makatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng nakakamatay na sakit na cancer.

Avocado: Ang Mabuting Dulot Nito Sa Kalusugan

Avocado- Mayroong walong dahilan kung bakit dapat kumain tayo ng prutas na ito. Ang pagkonsumo nito ay napakabuti sa ating kalusugan at maaari tayong makaiwas sa mga sakit: Prostate Cancer . Napatunayang ang avocado ay may kakayahang kumontra sa banta ng naturang sakit. Oral Cancer . Lumabas sa pananaliksik na ang naturang prutas ay nagtataglay ng compounds na may kakayahang magtaboy ng pre-cancerous cells ng hindi makapipinsala sa iba pang malusog na cells sa katawan. Breast Cancer . Ang avocado tulad ng olive oil ay mayaman sa oleic acid na napatunayang nakapagpapaiwas sa panganib ng breast cancer.  Kalusugan ng mata . Ang avocado ay natataglay ng maraming carotenoid lutein na may kakayahang protektahan ang kalusugan ng mata mula sa banta ng macular degeneration at katarata. Pagbaba ng cholesterol . Ang avocado ay mayaman sa beta-sitosterol compound na tinatayang nakapagpapababa sa cholesterol level ng katawan mula sa regular na pagkonsumo. Kalusugan ng puso . Ang i...