Skip to main content

Posts

Showing posts with the label hair

Simpleng Exercise Para Sa Buhok (HAIR CARE)

Kung may nakapagsabi lang sa atin na ang labis na panonood ng t.v ay maaaring magdulot ng mabagal na pagtubo ng buhok, eh matagal na sanang laos ang t.v. Nakatatawang isipin pero totoo na ang labis na panonood sa telebisyon ay naka-aapekto sa daloy ng ating dugo sa buhok. Dagdag rin ito sa stress, at apektado rin ang postura ng ating katawan. Magiging sanhi lang rin ito ng matamlay at buhoy na walang kabuhay-buhay. Bago pa mangyari iyan, heto ang ilang paraan o mga simple exercise na pwede mong gawin para mapagbuti ang daloy ng dugo sa ating buhok upang magresulta sa pagkakaroon ng long and shiny hair. Abutin ang mga daliri sa paa. Hindi lang ito ehersisyo para lumiit ang iyong baywang. Opo, ito rin ay may benepisyong hatid sa buhok. Tumayo na magkahiwalay ang mga binti, huminga ng malalim at ibuga. Sabay sa iyong paghinga ay ang pagtaas ng iyong mga kamay. Iunat ito pagkaraa’y abutin ang iyong mga paa ng dahan dahan. Gawin ito ng anim na beses sa isang araw. Isa p...

Head Massage – Mga Benepisyong Hatid Sa Hair

Kinakailangan ng head massage para mapahinga ang ating ulo at makadama ng ginhawa ang ating buhok. Kung mayroon kang oras, ay bigyang pansin mo ang pagtungo sa isang hair salon at magpamasahe ng iyong ulo. Ito ang ilan sa mga benepisyong hatid nito: Panlaban sa stress na dahilan ng paglalagas ng buhok. Anumang uri ng stress tulad ng sa trabaho, skul, pisikal o mental man iyan ay malaking salik ito upang ang buhok ay unti unting malagas. Malaki ang epekto ng stress sa kalusugan ng buhok. Sa isang malubhang kaso ng stress o emotional disturbance ay pwedeng magresulta ito ng pagkapanot, ang kondisyon na ito ay tinatawag na telogen effluvium, kung saan ang mga aktibong hair follicle ay unti unting tumutungo sa isang regression stage. May pagkakataon din na humihinto ang pagtubo ng buhok ng matagal at malalagas din pagkaraan. Para maiwasan ito, maigi ang hair oil massage na nakatutulong alisin ang stress sna dama ng ating ulo, leeg at batok, ito ay magdudulot ng ginhawa sa paki...

Tamang Diet Para Sumigla Ang Buhok (HAIR TIPS)

Lalo sa mga babae, ang pagkakaroon ng maganda,makintab at malusog na buhok ang pangarap ng nakararami sa kanila. Kaya’t madalas silang makita sa parlor o salon upang alagaan ito. Hindi kasi ganoon kadali ang pagkakaroon ng masiglang buhok. Ito ay nangangailangan ng sapat na atensyon at maiging pangangalaga. Ito naman ang mga simple ngunit akmang diet para sumigla ang iyong buhok. Sapagkat kung nais mong magkaroon ng long and shiny hair, dapat lamang na tama ang iyong diyeta. Kung ikaw ay mayroon ng healthy diet tulad ng pagkain ng masusustansyang prutas at gulay pati na rin pag-inom ng maraming tubig ay ipagpatuloy mo lamang ito. Makabubuti ito sa buhok lalo’t sa mabilis na pagtubo nito. Kung ganito ang iyong dyeta ay di mo na kailangan ng karagdagan pang bitamina. Maigi ang mga fibrous food tulad ng salad at prutas. Umiwas sa paghigop ng mga sabaw o soup pati na rin sa paginom ng mga juice. Ang balanseng dyeta ay may kasamang protina, bitamina, mineral, carboh...

Recipe Para Maging Masigla Ang Hair

Hindi man kayang baguhin ng iyong mga kinakain ang natural na texture nang buhok pati ang bilis ng pagtubo nito, pwede mo namang baguhin ang hitsura nito sa pamamagitan ng tamang nutrisyon at balanseng dyeta na mayaman sa protina. Ito ang ilang recipe para maging masigla ang hair mo.  Kung normal ang iyong buhok - maigi ang pagkain ng isda na low fat at manok. Kung tuyot naman ang buhok - mataas dapat ang pagkonsumo mo ng mababang kolesterol, polyunsaturated oils tulad ng margarine, sunflower oil, prutas at mga pagkain na mayaman sa Vitamin B. Ang mga pagkain na mayaman sa Vitamin B ay mga sariwa at hilaw na gulay, tinapay, brown rice, atay, saging, mani at mga oily fish. Makatutulong din ang Vitamin E supplement. Iwasan mo naman ang maalat na pagkain at keso. Kung malangis naman ang iyong buhok - Ang kondisyon na ito ay dulot ng labis na secretion ng sebaceous gland. Kumain ng mabeberde at madadahong gulay, salad, sariwang prutas at yogurt. Iwasan mo naman ang p...

Tips Para Iwasan Ang Pagkalagas Ng Buhok (HAIR LOSS)

Ninanais ng lahat ng mga babae na magkaroon ng mahaba at makintab na buhok. Ngunit ang ilan sa kanila, nakalulungkot man, ay nakararanas ng mabagal na pagtubo ng buhok at ang iba nama’y pagkalagas. Tulad ng mukha, ang buhok ay madalas na kasama rin ng skin layer. Madalas na oily ang anit at dahil riyan nagiging sagabal ang mga dead skin cell para tumubo ang buhok ng mabilis. Subukan mong i-masahe ang iyong anit gamit ang iyong daliri o suklayin ng dalawang minuto bago ka mag-shower. Pwede itong magpabilis sa pagtubo ng hair follicles. Ikonsidera din naman ang paggamit ng shampoo at conditioner. Gumamit ng mga ito ayon sa kondisyon ng iyong buhok. Gumamit ng shampoo at conditioner na may moisturizer. Pwede kang magpalit ng shampoo kung hindi ito hiyang sa iyo. At hangga’t maaari ay iwasan mo ang mga gamit sa buhok tulad ng curler at hair dryer. Sapagkat ang init na nagmumula sa mga gamit na ito ay nakasisira ng cuticle na siyang nagpoprotekta sa buhok laban sa pagk...

Paraan Para Iwas-Polusyon Ang Buhok (Hair Care)

Hindi lang sa kalusugan may labis na epekto ang polusyon kundi pati na rin sa ating buhok (hair). Imbes na maging shiny ang ating buhok ay nagiging tuyot ito dahil sa polusyon. At hindi magandang tignan lalo na sa mga babae kapag dry ang hair. Nakababawas kasi ito sa kanilang natural na ganda at sigla. Idagdag pa rito na hindi sapat ang shampoo lang  o pagko-conditioner para solusyunan para mapanumbalik ang ganda at sigla ng buhok. Pero huwag kang mag-alala sapagkat may mga paraan naman ang pwede mong gawin para maging makintab,malambot at maganda muli ang iyong buhok mula sa epekto ng polusyon. Ang paggamit ng scarf o sombrero ay makaiigi para maprotekhan ang iyong buhok sa labis na init ng araw. Pwede kasing makasira ng hair cuticle ang sikat ng araw at pinagmumukha nitong tuyot ang ating buhok. Importanteng hindi mawala ang pinong yari ng ating buhok dahil sa pinsala dulot ng sikat ng araw kaya makakaigi sa atin ang paggamit ng scarf o sombrero sa tuwing tayo ay la...

Paano Maging Masigla Ang Buhok (Hair Care Tips)

Maigi ang pagpapagupit ng buhok kada dalawang buwan para maging masigla at matibay ang iyong buhok (hair). Hindi naman kailangan na gupitin ito o iklian ng todo, maigi na iyong kahit na gupitin mo lang ang dulo ng iyong buhok para sa paglago nito. Ang paggugupit ng buhok ng regular ay nagpapatibay sa buhok at iniiwas pati nito ang ating buhok sa pagsanga-sanga nito. Ayon sa American Acamedy of Dermatology , ang sapat na paglago ng buhok ay 0.5 hanggang 1 pulgada kada buwan. Pero may mga pagkakataon na ang ugat sa ating buhok (mga 15 porsyento o higit pa) ay nakararanas ng mabagal na paglago na nagdudulot ng pagkalagas ng buhok. Sa estimasyon ng paglalago ng buhok, tinatayang mayroon sa tatlong buwan, na walang aktibidad ang nagaganap sa ating hair follicle. Ang ibig sabihin lamang nito ay mayroong pagkakataon na walang nagaganap na paglago sa buhok ng ating anit. Sa tamang pagpapagupit ng buhok kada 2 buwan ay nakatutulong para panatilihin ang paglago ng buhok. ...