Skip to main content

Posts

Showing posts with the label serbisyo

Paano Magsimula ng Negosyong Nail Salon

Mahilig ang mga babaeng magpa-manicure at pedicure kada dalawang linggo, ang iba nga’y mas madalas pa rito. Kaya naman isang patok na negosyo rin ngayon ang nail salon dito sa Pilipinas. Kung ikaw ay lisensyadong nail tech o isang entrepreneur na naghahanap ng isang negosyong patok, maaaring ang pagpapatayo ng isang nail salon ang iyong pinakahihintay. Ang pagkakaroon ng magagandang kuko ay tiyak na nasa listahan na ng mga kababaihan tulad sa pagbisita nila sa isang nail salon. Makikita mong ang mga babae ay nagkakandarapa na makita ang kanilang manikurista.. Ito ang ilan sa mga mahahalagang bagay sa pagsisimula ng nail salon: LEGAL Upang maging legal ang iyong negosyo ay nararapat lamang na isang lisensyadong nail tech o certified ka sa pagsasagawa ng manicure at pedicure o iba pang pag-aalaga sa kuko. Hindi pinahihintulutan ng board of health ang mga hindi lisensyadong nail tech na mag-operate ng nail salon. Sa kabilang banda, kung hindi ka man certified nail tech a...

Paano Mo Mapapabili Ang Customer?

Bilang isang marketer na nagpapakilala ng bagong produkto sa merkado ay malaking hamon kung paano mo makukumbinse ang isang potensyal na customer na tangkilikin ang iyong produkto o serbisyo. Bilang isang customer naman ang kanyang nasa isip ay kung paano siya makakakuha ng mga benepisyo sa kanyang bibilhin. Kaya naman sa pagma-market ng iyong produkto ay dapat mong maging unang prioridad ay kung paano mo mapapa-satisfy ang iyong customer sa iyong produkto. Dapat kang magfocus sa iyong customer, gawin silang bida higit sa iyong produktong binebenta. Sa ngayon para maisagawa ang ganitong konsepto, karaniwan sa mga marketers ay gumagamit na ng digital marketing tools para ibida ang kanilang customer hindi ang kanilang produkto. Ito ang paraan para mapabili mo ang customer gamit ang konseptong “Gawing Bida si Customer”: Sa ngayon, pangalawa ang youtube sa pinaka-popular na search engine maliban sa Google. Kung hindi ka gagawa ng mga maiikli ngunit interesanteng video testi...