Isa ka bang Annebisyosa? Ito ang terminong pinasikat ni Anne Curtis na isang hindi mang-aawit pero nagkaroon ng platinum na album at sold out na concert. Ikaw, nais mo bang matutong umawit? Isa itong mahabang proseso lalo’t mayroon talagang mga tao na sadyang pinanganak na may magandang tinig. Pero ang ilan sa mga ito ay makatutulong sa iyo: Kailangan mong huminga mula sa iyong Diaphragm hindi sa iyong baga . Kailangang matuto kang kontrolin ang hangin na iyong inilalabas kapag ikaw ay kumakanta at ang paghinga mula sa iyong diaphragm ay makatutulong para magkaroon ng maraming hangin kapag ikaw ay umaawit. Sa pagpapraktis subuking gumamit ng parehong hangin kapag inaabot ang mababa at mataas na nota upang makapagbigay ng tamang tono. Magpraktis ng mga awiting na hindi nangangailangan ng pagbirit. Hindi mo kailangan na pagurin ang iyong boses sa pagkanta ng mga awiting may mataas na tono para mapabuti ang iyong boses. Simulan mo ito sa mga kantang kaya ng iyong vocal co...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc