Skip to main content

Posts

Showing posts with the label acne

Mabisa Ba Ang Vitamins sa Paggamot sa ACNE

Sa video na ito, sasabihin ko sa inyo ang mga benepisyo ng bitamina para gamutin ang iyong ACNE. Ano-ano nga ba ang mga bitamina na mainam para gamutin ang acne? Gaano kabilis ang lunas, gaano kabisa? May mga side effect ba ang pag-inom ng mga bitamina sa katagalan? Alamin natin. Subscribe na sa TNK CHANNEL para sa mas marami pang tips na pang kalusagan, kayamanan at kaalaman.

Detox – Para Mawala Ang Malaking Tagyawat (ACNE)

Ang pagkakaroon ng malaking tagyawat o acne ay nakakabuwisit lalo na sa babaeng sobrang conscious sa kanilang hitsura. Hindi man nakamamatay ang pagkakaroon nito, ay syempre sa pagnanais nating magkaroon ng makinis na mukha, tiyak na gagawin natin lahat para puksain ang malalaking tagyawat sa mukha. Para maibalik sa dating kinis ang mukha ay maraming paraan para mawala ang acne. Ngunit may mga medikasyon din na bagamat epektibo ay mayroon din namang side effects. Kaya marami sa atin ang mas pinipili na lang ang detox dahil ito ang pinakaligtas na paraan para makapagpaalam na sa malalaking tagyawat nang mukha. Maraming salik kung bakit tayo nagkakaroon ng acne tulad ng polusyon sa kapaligiran pati na rin sa mga pagkain na ating kinakain. Ang mga chemical toxins na ating nalalanghap at naipapasok sa  ating katawan ay nakahahadlang sa ating metabolismo na sa kalaunan ay resulta na ng paglitaw ng acne. Kaya naman ang pinakamabisang paraan para alisin ang acne na dul...

3 Natural Na Paraan Para Gamutin Ang Acne

Nakaka-irita kapag may tumubong malaking tagyawat o acne sa mukha. Lalo’t sa mga babae ay nais nila ng agarang lunas para rito. Para sa agarang lunas na hindi mo na kinakailangan pang bumili ng mamahaling make up care. Ito ang tatlong madali at natural na paraan para gamutin ito. – ayon sa Shineyahoo. Aspirin. Hindi lang isang pain reliever ang aspirin. Makaiiwas ka rin na maging severe ang kondisyon ng acne sa paggamit mo nito. Mag-take ng isang aspirin, durugin mo ito hanggang sa magpino at ihalo sa tubig hanggang sa mangapal. Ipahid ito sa tagyawat ng ilang minuto. Kapag tuyo na ay hugasan na ito ng tubig. Makatutulong ito na makaiwas sa pamumula at hapdi ng acne. Olive Oil. Maghalo ng 4 na kutsarang asin at 3 kutsarang olive oil. Ipahid ito sa iyong mukha gamit ang brush o di kaya ng iyong daliri. Banlawan ang mukha ng maligamgam na tubig pagkaraan ng isa hanggang dalawang minuto. Gawin mo ang treatment na ito dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo. M...

Kapag Nagpupuyat Ba Pwede Ng Magka-Acne?

Madalas ka bang magpuyat sa gabi para tapusin ang mga palabas na teleserye sa t.v o di kaya nama’y may proyekto sa skul na nais mong tapusin o trabahong kailangan mong ihabol sa deadline? Alam ninyo bang ang labis na pagpupuyat ay maaaring ikadami ng iyong acne sa mukha? Bagamat walang direktang paliwanag o ebidensya tungkol sa pag-uungnay ng pagpupuyat sa pagkakaroon ng acne. Mayroon namang mga indirektang paliwanag na kapag tayo ay nagpupuyat ay nagdudulot ito ng acne sa ating mukha. Ayon sa Livestrong at Buzzle, na kapag tayo ay nagpupuyat ay nababawasan ang pagpapahinga ng ating katawan o pagre-rejuvenate at ito ay magdudulot sa atin ng labis na stress, pamamaga, pagtaas ng insulin resistance at depresyon. Ang stress ay isang salik kung bakit tayo nagkakaroon ng acne. Ang labis na stress ay makapagpapasigla sa adrenal glands na responsableng nagdadala ng androgens. Ang paggugol ng mga hormones sa ating katawan ay nagbubunsod sa pagbubuo ng acne. Ang stress ay n...

Lunas Sa Acne Ang Damong Dagat (Seeweed)

Ikaw ba ay nakakain na ng damong dagat (seeweed) ? Base sa mga pag-aaral, maraming dulot na magandang benepisyo sa kalusugan ng tao ang pagkain ng damong dagat. May pag-aaral pa ngang isinagawa na ang pagkain ng tinapay na may palamang seeweed jelly ay nakababawas sa iyong timbang kumpara sa pagpunta ng gym. Sapagkat mas mabilis mong masusunog ang iyong taba sa pagkain lamang ng damong dagat kumpara rito. Hindi lang iyan ang benepisyong hatid ng damong dagat dahil ito rin ay lunas sa acne . Base sa mga nagsaliksik hingil rito, kung ikaw ay may problemang dinaranas sa iyong mukha tulad ng acne, mabisa ang seeweed para rito. Napag-alaman sa pag-aaral na itong damong-dagat na ito ay nakasusugpo sa acne problem ng isang tao. Marami sa atin ang dumaranas ng problema sa acne. Sanhi pa nga ito ng pangugutya ng ilan tulad ng birong “mukhang tinubuan ng taghiyawat”- kaya naman para sa taong may acne, gagawin niya ang lahat at susubukang magpahid at uminom ng kung anu-ano para mawa...

Acne: Paano Maiwasan at Lunasan ang Taghiyawat sa Mukha

Sabi nila ang tunay na ganda ay nakikita sa panloob na anyo lamang, tama naman, walang duda at hindi kami sasaluwat sa ideolohiyang ito mga katoto. Ngunit aminin man natin o hindi, we are living in a society that is full of prejudice . Dahil importante pa rin sa mga tao ang panlabas na anyo at dahil ito ang nagdidikta sa kanila ng impresyon tungkol sa iyo. Isa nga sa mga problema ngayon ang pagkakaroon ng taghiyawat at acne . Wala mang konkretong bilang ng tao ang nagkakaroon nito sa mundo ngunit masasabing ito ang isa sa mga skin problem na patuloy na dumarami kada taon. Bakit nagkakaroon ng Acne ? Ang pagkakaroon ng Acne ay dulot ng clogging sa ating skin pores nang oil na nililikha ng ating sebaceous gland. Ang clogging ay resulta ng iba't ibang bacteria Ito ang dahilan kung kaya't ang ibang acne treatment ay hindi epektibo o hindi nagbibigay ng agarang lunas sapagkat ang ilan sa mga ito ay nagpopokus lamang sa sintomas at hindi sa pinakadahilan ng pagk...