Skip to main content

Posts

Showing posts with the label lagnat

Madaling Paraan Para Makaiwas Sa FLU

Ang trangkaso o flu ay madali namang gamutin. Iyun nga lang, ang mga taong mayroon nito ay nakararanas ng miserableng pakiramdam gaya ng pag-ubo, sipon, lagnat, nausea at pagsusuka. Ito ang ilan sa madadaling paraan para makaiwas sa flu virus. Kailangang magtungo sa isang lugar kung saan makalalanghap ka ng sariwang hangin upang lumakas ang iyong immune system. May mabuting dulot din ito sa psychological health ng isang tao tulad ng pagpapababa ng stress level. Kung labis kang nakakaranas ng stress ay hihina ang iyong immune system. Maigi ang pagre-relax. Pwede kang umupo saglit at uminom ng tsaa ng walang anuman o sinuman ang sa iyo ay gumagambala. Maaari ka ring magdilig ng halaman o gumawa ng mga bagay na makapagpapaalis sa iyong stress. Sapagkat ang stress ay nagpapataas lamang sa tsansa na ikaw ay magkaroon ng trangkaso sapagkat pinipigilan nito ang abilidad ng katawan na magprodyus ng cytokine molecules. Ang molecule na ito ay may tungkulin sa pagresponde ng imm...

Cassava – Benepisyo Sa Kalusugan

Paboritong pagkain ng ilan ang cassava . Lalo na dito sa atin sa Pilipinas at maging sa ibang panig ng Asya. Bukod sa masarap ang cassava, marami rin itong hatid na benepisyo sa ating kalusugan . Ito ay isang mabisang antioxidant, anti-cancer, laban sa tumor, at pampagan ring kumain. Marami ring sakit ang kayang gamutin ng cassava, ayon sa ulat ng Health. Rayuma. Para gamutin ang sakit na ito. Gumamit ng limang dahon ng cassava at 15 grams na bawang. Paghaluin ang mga ito sabay ipahid sa apektadong bahagi ng katawan. Maaari ka ring maglaga ng 100 grams ng tangkay ng cassava, lemongrass, asin at luya sa 1000cc ng tubig hanggang sa manatiling 400cc na. Salain at inumin nang hanggang 200 cc. Gawin ito isang beses sa dalawang araw. Lagnat. Sa panahon ng lagnat pwede kang gumamit ng tangkay ng cassava para bumaba ito. Maglaga ng 60 grams tangkay ng cassava at 300 grams dahon ng cassava sa 800cc ng tubig. Salain at inumin. Para sa magandang resulta, inumin ito dalawang beses ...