Anti-cheating techniques ba kamo? Kung guro ka at nag-iisip ka ng mabisang paraan para di makapagkopyahan ang mga estudyante mo, bakit di mo subukan ang ganitong mga technique? Ewan ko lang kung pwede ito sa inyong paaralan. Pero sa ibang bansa, lalo na sa China, pangkaraniwan na ang mga ganitong eksena, dahil sobrang higpit nila pagdating sa edukasyon. Kaya siguro maunlad ang mga bansang ito, dahil sineseryoso nila ang kalidad ng kanilang educational system. Maaaring sa iba, parang overkill naman ata. Ngunit kung iisipin mo ang kahihitnan ng ganitong paraan, masasabi mong aba mabisa nga. #1 Gamit ang cardboard box, tiyak na mawawala ang mga giraffe sa loob ng classroom habang nag-eexam. Kung lilinga ang estudyante mo, paniguradong obvious na obvious. Sa laki ba naman ng cardboard box, tiyak na kapansin-pansin kung magmimistulang lastikman na humaba ang leeg ang estudyante mo kapag nag-eexam. May iba pang uri ng pantakip na pwedeng improvise, depende kung may budget ka. Ang iba n...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc