Skip to main content

Posts

Showing posts with the label kita sa button pin

Paano Magsimula ng Button Pin Negosyo

Isang magandang craft project para sa mga kabataan na estudyante ang paggawa ng button pin. Maganda rin itong pang-regalo sa tuwing may okasyon tulad ng kasal, birthday o debut. Patok na patok namang ipamahagi ito sa mga botante sa tuwing sasapit ang eleksyon. Kaya’t kung nais mong magsimula ng isang maliit na negosyo ay subukan ang pagbebenta ng button pin. Sino-sino ang mga potensyal na bibili ng button pin? Mabili ito sa mga taong mahilig sa seasonal at holiday crafts. Madalas naman ang paggamit nito sa mga paaralan kaya’t magiging mabenta ito sa mga guro, administrator , pta members at syempre pa mga estudyante. Maganda ring ideya ito para makakalap ng pondo. Kaya’t madalas maibenta ito sa mga organisasyon na nagsasagawa ng mga fund rasing. Kapag may okasyon lalo na sa mga simbahan o youth organization, madalas mangailangan ng button pin. Lalo pang mabili ang button pin sa mga negosyong nais magpakilala ng bagong produkto. Instant boss ka sa but...