Skip to main content

Posts

Showing posts with the label stroke

Mga Pagkain Na Pwede Kang Magka-STROKE

Ilang pag-aaral na ang nagsasabing ang aerobic exercise at tamang dyeta ay makapagpapaiwas sa tao sa banta ng stroke. Maging alerto sa iba pang pwedeng maging sanhi ng stroke tulad na lang ng kulang sa tulog. Bukod pa riyan ay maging mapili rin sa mga kinakain sapagkat may mga pagkain na akala mo’y hindi nakapipinsala sa katawan pero kabaligtaran pala ang hatid sa kalusugan. Kaya maigi ang pagkakaroon ng healthy lifestyle. Bukod sa ehersisyo at regular na pagpapa-check up, bababa ang panganib na magka-stroke kung iiwasan mo ang mga pagkain na ito: Ang mga processed food tulad ng crackers, chips, pastry at baked foods ay naglalalaman ng trans fats na makikita sa hydrogenerated oil na ginagamit para magtagal ang isang pagkain. Ang trans fat ay sagabal sa daloy ng dugo sa ating utak, nagpapataas ng inflammation at ng level ng C-reactive protein at ang panganib na magka-stroke. Maging alerto, ang hydrogenerated oil na ito ay ginagamit din sa french fries, frozen foods, process...

Mga Sakit Na Karaniwan Sa Mga Lalake (Men's Health)

Kumpara sa mga babae, mas lapitin ng sakit ang mga lalake. May pag-aaral kasi na ang mga lalake, kapag nakararamdam ng sakit o sintomas ng sakit ay hindi ito pinapatingin kaagad sa doktor hanggang sa ito ay lumala na. Ayon sa Life Mojo , ito ang lima sa health problem o mga sakit na karaniwang dinaranas ng mga lalake. Sakit Sa Puso Kumpara sa mga babae, mas malaki ang bilang ng mga lalakeng namamatay sa sakit sa puso. Tulad nga kasi ng nabanggit, dulot ito ng pag-uugali ng mga lalake na pabaya sa kalusugan, hindi agad nagpapatingin sa doktor para kumonsulta kapag may nararamdaman na sintomas ng karamdaman. Ilan sa mga risk factor na maaaring dahilan ng sakit sa puso ay ang edad, family history, paninigarilyo, mataas na kolesterol, high blood, kawalan ng ehersisyo, sobrang katabaan o obesity, at diabetes. Hindi mo kayang kontrolin ang edad at pati na baguhin ang iyong family history , pwede mo namang baguhin ang iyong pamumuhay, matutong mag-ehersisyo, kumain n...